Wednesday, September 29, 2010

My 27th Birthday

Before I go to sleep, I prayed to God and Thank him for the gift of life he showered me for the past 26 years of my existence here on earth. I reminisce the old times, what have I done and what should change. My so grateful that God continues to bless my life with a wonderful family, friends and people whom I don't really know personally but put a significance in me. When I'm having a conversation with our creator, I had a tear of joy.. knowing that every part of me is special. God is guiding me all the time, he knows i much i loved him as my God. Thank's Lord for another year! and i know there will be more to come.

Thank you, God, for giving me another year of life.
Thank you for all the people who remembered me today
by sending cards, and letters, gifts and good wishes.

Thank you for all the experience of this past year;
for times of success which will always be happy memories,
for times of failure which reminded me of my own weakness and of my need for you,
for times of joy when the sun was shining,
for times of sadness which drove me to you.

Forgive me
for the hours I wasted,
for the chances I failed to take,
for the opportunities I missed this past year.
Help me in the days ahead to make this the best year yet,
and through it to bring good credit to myself,
happiness and pride to my loved ones,
and joy to you. Amen.



had mass at immaculate conception parish in karangalan village with my tita (mama) nagulat ako ang alam ko kasi is 7am sila dadating to pick me up papuntang pampanga. wala pang 6am dumating na sila, sinamahan niya ako sa mass. after mass nagbreakfast then inayos ang dapat ayusin and then bumyahe na kami pabalik ng pampanga. :) sinama namin si kurby.


ayan siya kawawa nga lang kasi sumuka and naglalaway. 2nd time na byahe na niya yan di pa rin siya sanay hehe...

nung hapon na pinagluto ako ng pancit spag at bbq nila mama and ninang. akala ko nga pancit lang! punta ang mga love one's ko syempre birthday ko yata! alam nilang magtatampo ako kapag hindi sila pumunta sa house! :) ayun nakasama ko ang makukulit kong mga pamangkin, brother's ko (julius & nhad), sister in law, tita's..


naku si ninang ang kumuha ng picture na ito kaya ang labo hehe, pasmado noh?


my cousin! "dailing".. siya yung buddy ko nung bata pa ako. like little sister to me. pero nag-asawa siya ng maaga!

< --- ayan gift niya sakin. hindi daw kasi ako marunong bumili ng sleepers.. hahaha!
--------------------- >>>>>> pati si mama binigyan din ako ng sleepers! bwahaha.. hindi nga yata ako marunong nagsleepers! kasi naman hangat pwede ko pa gamitin ginagamit ko pa basta ok pa..!


my nephew maki is enjoying his spaghetti! nagcocross eyes na sa pagkain. haha!


bago sila umuwi yung kuya ko sinenyasan ako gusto daw niya magpakuha ng picture with kurby! hehe.. hindi siya nakakapagsalita kaya senyas lang! sumama pa yung sister in law ko nakigaya. hehe.

nagstay ako sa pampanga for 2 days. kasama ko naman si kurby eh. wala ako gaano aalalahanin. yung ibon lang! pwede ko naman sila iwan ng maraming pagkain kahit 2 days ako mawala! ang saya ng birthday ko this years! thanks po sa lahat ng ng greet nagbigay ng inspiring messages for me. love you all. you know who you. mwah!ugs!


Saturday, September 25, 2010

seeing a falling star friend

bata pa lang ako naniniwala na ako sa falling star! pero ni minsan hindi pa ako nakakita nun sa tanang buhay ko! yung ibang mga tao sa paligid ko tinatanong ko sila ano ba pakiramdam kapag nakakita ka ng falling star? sabi nila madalas wala lang. tinatanong ko din sila nag wiwish ba sila. at kung natutupad ang mga hiling nila sa munting bituin na bumabagsak. ang iba sabi nila oo natutupad ang iba naman hindi. naisip ko siguro nasa paniniwala na lang yun ng humihiling!

... isang araw masama ang pakiramdam ko! ang alaga kong aso ang inggay sa likod ng bahay kasama ng mga ibon ko. dahil masama nga ang pakiramdam ko. pinuntahan ko siya at tinignan kung ano ba ang problema niya at pagkaingay ingay niya. yun pala natatae siya nasa taas na kasi ng spiral stairs papuntang roofdeck ang dalawa niyang mga paa. ibig sabihin eh umakyat daw kaming dalawa at tatae na siya. pinaakyat ko siya! ang tagal niyang gumawa ng retwal niya. napatingin ako sa taas. mahilig akong mag star gazing sa rooftop namin narerelax ako sobra. nung time na yun ang daming stars. naisip ko na doon muna ako at humiga habang pinagmamasdan ang mga kumukutitap na mga kaibagan sa kalangitan. sa gitna ng aking pagmumuni-muni. bigla na lang isang iglap ay nakakita ako ng isang "falling star"! totoo nga na may falling star! kitang kita ng aking dalawang mata. sa pagkamangha hindi ko na nga nagawang humiling habang bumagsak ang munting bituin. after ko na lang siya makita chaka na lang ako nakahiling eh ang siste pa hindi ko alam ano ang uunahin kong hilingin. kung ang pansariling kahilingan oh ang kahiligan ng ibang mga taong mahal ko. nauwi ako sa paghiling ng isang damukal na dapat ay isa lang ang hilingin. hehe. hindi bale minsan lang naman ako hihiling ng ganoon kadami alam kong nahihintindihan na ng aking munting kaibigan na bituin iyon.


maraming salamat munting kaibigang bituin sa pagpapahintulot na masulyapan kita kahit sa kaunting oras lang. malaking bagay na iyon.


Red Label Boys!







Friday, September 3, 2010

Muli

Kung sakaling magkita tayo muli

Ano kaya ang madarama mo

Yayakapin mo kaya ako ng mahigpit?

Hahawakan mo kaya ang aking mga kamay?

At bigyan mo kaya ako ng matamis na halik?



Kung sakaling magkausap tayo muli

Ano kaya ang sasabihin mo sa akin?

Marinig ko kaya na meron ka pang natatagong pagtingin?

At sasabihin na ako pa rin ang laman ng iyong isipan?



Malamang huwag ka na lang sumagot

Ayokong marinig ang salitang HINDI

Sigurado ako na hindi mo hahayaang

Sumapit at dumating ang pagkakataon MULI

qoutes

Some were saying, "Erasers are for people who make errors."
But the wise said, "Erase are for people who are willing to correct their mistakes."

Conversation With Mr.Cubby

ang sumusunod na inyong mababasa ay matagal ko ng naisulat gusto ko lang po i-share ang aking kabaliwan kung minsan. nakita ko kasi kanina ulit yung rubix ko at nakipagbuno nanaman ako sa kanya! sa awa ni Lord nabuo ko pa rin po siya hahaha!

Rubix: Ayan ka nanaman..

ME: Oh bakit?

Rubix: Bubuuin mo nanaman ako.

ME: eh ano naman..?

Rubix: Kung wala sa sarili mo ang pagbuo sa akin tumigil ka na petitay.

ME: Ayan ka nanaman.. nangyalam ka na ha.. rubix ka lang haha.. maraming solusyon para mabuo kita. ano ka ba ayaw mo nun binubuo kita…

Rubix: Ayus sana yan. Minsan masyado mo na ako pinangigigilan eh.. Nakalimutan mo na ba naihagis mo na ako dati sa sobrang inis mo dahil ndi mo ako mabuo?

ME: hay sory.. tao lang hahaha…

*After 1 year*

ME: (Naghanap ng mga friends para matulungan ako makabuo ng rubix, but I ended up na wala man lang natulong sa akin.. sabi nila madalas sa akin.. pang-matalino lang yan…. nakakabaliw yan ayaw ko yan!)

Last Christmas2007 before the noch buena… mga 11pm… binubuo ko ang cube ko hanggang makatulog ako. I just stop dahil kakain na kami eh. hehehe… same as nung New year2008, I started my year with him.. hahaha… sa sobra ka desperado ko sa kanya… E wla na ako choice humanap na lang ako ng video sa youtube tutorial. Finally…..

February 2008 hahahaha… aun na…

Rubix: tumigil k na nga nasasaktan na talga ako sayo ha…. Ilang taon mo ba ako bubuuin ha…?

ME: Ikaw kaya ang tumigil jan…..

(binuo ko ng unti unti… c Cubby) Sa Wakas na buo ko na siya sobrang saya ko.. hehehe….

After Several days…………………………………

Rubix:

ME: Oh Bakit?

RUBIX: Ganyan ka pala pagkatapos mo ako pagsawaan iiwan mo lang din ako……

Nanay ko! "INDA"


birthday ng mama ko ngayon! di ko alam kung ilang taon na siya. alam ko lang date ng birthday niya september 10 di ko alam what year siya ipinanganak. dahil na rin siguro hindi ako lumaki sa puder nila ng tatay ko. kahit tatay ko di ko rin alam ang edad! pasensiya na po. pero kahit hindi ako lumaki sa kanila mahal ko naman sila! dahil sa ayaw at gusto ko magulang ko sila na kailangang mahalin at igalang. hindi ako lumaki sa isang tipikal na bahay na may nanay at tatay na. yung mga problema mo eh sinasabi sa nanay at yung tatay na over protective! hinahanap hanap ko yun dati, pero wala sila nung panahong yun. ha nevermind na lang pala. birthday ng nanay ko. susulat ako sa kanya pero alam ko namang hindi niya mababasa! hehe, di bale mahalaga mailabas ko lang feelings ko for her diba? ang alam kong gagawin sa birthday niya ay kung di ko siya matawagan at batiin ng "happy birthday inda" eh itetext ko na lang siya! may cellphone naman siya pero hindi rin ako umaasa ng reply dahil hindi naman siya marunong magtext! ang alam lang niya eh magbasa ng text at tumanggap ng tawag!

Inda,

Kumusta kayo jan? sana ay ayos lang po kayo lahat jan. miss ko na po kayo. gusto ko sanang umuwi eh kaya lang hindi na ako makabyahe dahil walang mag-aalaga ng mga ibon ko at kay kurby. hindi ko na po kayang ibyahe pa si kurby sa van, masyado na siyang malaki para buhatin at kandungin. siguro sa birthday ko di rin po ako makakauwi jan baka sa undas na lang po. Da, Happy Birthday sana po ay masaya po kayo ngayon. lagi ko po kayo ipinagdadasal na maging maayos ang buhay ninyo. ingat po kayo palagi jan. mahal ko po kayo. salamat sa pagiging nanay ko.

love, petite

napaka-casual ng sulat ko noh? oo nanay ko sinulatan ko. ganyan lang talaga kami. buti nga sa blog ko na ito eh nasabi kong mahal ko siya! never pa niya ako narinig na sinabi ko sa kanyang mahal ko siya. hindi kasi kami close. minsan sinusubukan kong makipagkwentuhan sa kanya ng mejo matagal tagal pero hindi rin siya makatagal kahit ako. ganun na lang siguro talaga ang relasyon naming mag-ina. basta ang mahalaga alam kong mahal niya ako at mahal ko din siya. :( KALUGURAN DA KA INDA! nung balu mo mu. :) gusto ko maglambing sayo pag kasama kita pero nahihiya ako. baka pagalitan mo kasi ako. hehehe..