Friday, October 22, 2010

Happy 9 years!! Wedding Anniversary!!

-tito yasunori and moms-
-happy couple-
bond to meet each other!

happy 9th years anniversary!!! to you both.
i love you so much and thank you for everything.... i miss being with both. sana magkaroon na tayo parking area in pasig so that you could stay much longer days here. stay happy both wish you more love for each other as a couple.

you take care always! kioskituke tito.. :)

List for Busy November 2010!

Kalagitnaan na ng November sa tingin ko magiging busy kami ngayong November 2010, Undas, birthday ng tito yasunori sa November 05 at si mama sa November 13 pero gagawin na niyang November 20 na lang. maghahanda ng bongang-bongang ang aking tita (mama) dahil 60th birthday na niya eh. Sabi kasi nila pag daw may 0 ang birthday dapat maghanda. Kung meron ka rin lang ipaghahanda. Naalala ko noong 50th birthday niya kapos kami noon. Hindi na siya nakapaghanda ng madami. Kalahating kilong pansit lang handa naming noon para sa kanya. Kulang pa sa amin hehe. Masaya ako ngayon dahil kahit paano makakapaghanda na siya ng bonga sa pampanga. Alam kong nakakapagod ang preparation na iyon. Pero kailangang tumulong kahit paano. Excited na ko sa birthday nila. excited na rin akong matapos ang undas para masimulan ko ng gawin ang aming clismas tree! Mejo malaki kasi siya aabutin ako ng 1 araw para mabuo siya ng buo at mailagay ang lahat ng mga abubot niya. Nagawan ko na si mama ng invitation niya sa birthday nila ni tito. So far, ayun nagustuhan naman niya dahil simple lang naman ito. Next ko na gagawin niyan eh gagawa ng banner na ikakabit sa mismong araw na yon. Pero madali na yon dahil may format na ako! At alam ko na ang taste na gusto niya! Susunod pupunta kami sa divisoria ni ni ninang (tita) para maghanap ng birthday souvenir. Sabi ko dahil nagagamit ayaw ko kasi ng figurin sus! Aanhin ba ng makakakuha yung binigay naming sa kanila i-didisplay lang? at aalikabukin? At least dapat nagagamit sa araw araw. Kaya naisip ko caps na lang.  50 pieces lang naman ang kailangan namin. Hindi naman lahat eh bibigyan niya. Kasi pag binigyan niya lahat ang dami noon noh! Mejo madami kasi siyang imbetado sa birthday nila ngayong year, to name them mga kapitbahay naming dito sa pasig, mga kasama sa simbahan ni ninang at ni mama, mga kaibigan, ilang kakilala, mga kamag-anak sa maynila, mga kamag-anak sa baliuag, porak at sa cansinala. Hehe. Ang dami diba? Pero ma-aaccomodate naman naming lahat yan kung sa pampanga gagawin ang birthday kung sa pasig kasi mahirap! Baka magiba naman ang haws namin.  ngayon pa lang sa pag-iisip ko pa lang nakakapagod na! paano pa kung anjan na yung araw na yan hahaha…

poorie (bagong biktima ni petitay)


Napaka-cute niya diba? Siya si poorie.. isa siyang coinbank! Nakita ko siya nung minsang pumunta ako ng mall para bumili ng gift kay tito yasunori. After I bought the gift for him pumunta ako sa paborito kong store sa sta.lucia sa (artikel) mini stall siya ng kung anong anik anik na cute at mga weirdo. Madami kang choices kung may pera ka. Pero si poorie lang ang nagustuhan ko na nakayanan ng akin budjay! 100 petot lang kasi siya. Madami na akong coinbanks iba ibang klase na bigay ng aking tita dear na si mama. Pero unfortunately, never pa ako nakapagpuno ng kahit isa sa kanila. Poor kasi si petitay. Walang source of income eh. Nagtry na ako dating mag-ipon ang pinakamataas kong na ipon is 300 petot lang! nainip ako kaya kunuha ko agad ang laman ni poinky at golfy. Ngayon nakadisplay na lang sila sa kwarto ko at may iilang mga 25 centavos coins. Poor them! Yay! Kasalanan ko hindi kasi ako marunong mag-ipon eh. Gastarol talaga ako. Pero napagtanto ko na kailangan ko ng mag-ipon kahit paano kaya binili ko si poorie naisip ko mejo maliit lang naman siya. Kung sakasakali hindi magiging mahirap sa akin na punuin ko siya ng 5 petot na coins. Wag naman bills kahit 20 petot hirap yun! 5 petot lang pede na siguro sa kanya. Balitaan ko kayo pag napuno ko siya ng 5 petot ha? Ayaw ko na muna isipin magkano ang total ng mahuhuthot ko kay poorie. Pag napuno ko siya hindi na poorie ang pangalan niya. Aba! Chemper, proven na siya na mapuno eh. Hihi. Siya na si goldie! *cross.fingers* sana naman kahit ngayon lang matuto na ako magtipid kahit paano.


Malapit na ang pasko. Manghihingi ako ng 5 petot sa lahat ng blogger na kakilala ko. Including you na nagbabasa ng entry ko. *pacute.smile* sabay *kindat* 5 petot lang naman eh. Haha.


good luck porie ikaw ngayong ang aking bagong biktima... hala ka!

Wednesday, October 13, 2010

petitay - as a writer?

Sa oras na ito isa akong “legal na tambay” sa paningin ng pamilya ko. Pero sa paningin ng iba isa lang akong tamad! Sinabi kong isa akong legal na tambay sa kadahilanang ayos lang sa mga tiyahin ko at magulang ko na wala akong trabaho, sa totoo lang alam ko namang ayaw din nila na wala akong trabaho. Wala lang silang magawa kundi umayon na lang sa takbo ng buhay ko. Dahil kahit sabihan nila ako na maghanap ng trabaho at kumilos para sa ikabubuti ko. Ganoon at ganoon din lang ang resultang kahahantungan nila. Umasa sa wala. Masunuring bata ako! Kung sabihin sa aking mag-apply pumupunta ako sa lugar, maagang dumadating, pinapasa ang mga exam ng mga kompanyang pinupuntahan, sinasagot ng buong puso ang bawat tanong ng mga interbyuer. Pero sadya yatang wala sa bukabularyo nila ang magkaroon ng empleyadong katulad ko! Halos hindi ko na mabilang kung ilang bondpaper na ang naubos ko sa pagpapaprint ng resume ko.

Sa puntong ito ng buhay ko na halos hindi ko na alam ang gagawin pa. naisip ko na kailangang may gawin na akong isang bagay na ikabubuti ko at sa banding huli masabi kong kaya ko pala! Matagal ko ng binalak na magsulat. Hindi ng isang article pero isang “Libro” na masasabi kong mula unang letra hanggang sa huling tuldok ay akin. Iilan lang naman ang taong nagbuyo sa aking magsulat. Ang nanguna sa listahan ay isang kakilalang kaibigan, siguro dahil sawa na rin siya sa pakikinig ng mga mga kwento kong paulit-ulit lang naman. Pangalawa, isang chatter sa mirc na isang editor. Minungkahi niya na magsulat ako at isulat ang kwento ng buhay ko. At ang pangatlo na tumatak talaga sa utak ko si Bob, para akong tinadyakan ng sampung kabayo nung una kong nabasa ang libro niya. Sa pagbabasa ko sa una niyang libro napatawa niya ako ng sobra sa mga hirit niya. Nakita ko ang sarili ko sa kanya. Para bang pinagbiyak ang ulo namin kung mag-isip. Pero hindi ako henyo tulad niya! Salamat sa libro niyang “stainless longanisa”. Na nagsilbing mitya para dumampot ako ng blankong papel at lapis. At titigan ito habang iniisip kung dapat nga ba akong magsulat!

Pakiwari ko sa araw na ito eh “hinahabol ako ng papel at lapis, at nagmamakaawa na lagyan ko sila ng mga letrang magbibigay sa kanila ng saysay bilang papel at lapis. At sabihin nilang may pakinabang sila sa buhay ko”.

Kulang pa ang aking fighting spirit para gawin ang bagay na ito. Sa totoo lang wala akong kaalam-alam sa mundo ng pagsulat ng kahit na anong artikulo at lalo pa ng isang libro!. Ang alam ko lang ay magkwento dahil na rin siguro sa likas kong kadaldalan!.

Sa totoo lang hindi ko alam kung saan ako nagsisimula. Dahil takot akong walang babasa ng ginawa ko?, takot akong maikumpara?, takot akong walang maisulat?, takot akong mahusgaan. Sa ngayon lahat na ata ng takot eh bumabalot na sa katawan ko.

“Wala namang masamang maghangad na makasulat ako ng isang libro kahit hindi ako manunulat.” – kailangan ko lang sa oras na ito ay suporta na may aalalay sa akin. Sa panahong malapit na akong bumigay. Kungbaga sa giyera kailangan ko ng back-up. Para sumalo ng balang tatama sa akin. joke lang.

Titibayin ko ang aking loob kung kinakailangan tatangalin ang bawa’t takot na nangingibabaw sa aking katawan. Susugod sa giyera ng pagsusulat. Na ang tanging bitbit ay ang aking panulat at blangkong papel.

Pakiusap po: kung sino man po ang makabasa po nito ay maaring ipagbigay alam lamang po sa may akda kung meron po kayong suhestyon o ano mang komentong maibibigay sa taong nasa likod ng blog na ito. Na nagpupumilit na pumasok sa mundo ng pag-susulat. Malugod po niya itong tatangapin ng buong puso. J maraming salamat po. Bow. J