Saturday, June 26, 2010

update

It’s been a long time na nagblog ako about what’s happening into my life! Well, minsan kasi alam ko rin namang walang magiging laman ang entry na gagawin ko. Tulad na lang nito. Latest thing happen is nagpa-cut ako ng aking long hair ko. Before it’s cut malapit na umabot sa bewang ko. Now, its on my shoulder length na lang. Nakakalungkot din pala pag wala na yung buhok na matagal mong nakasama for years. Na mimiss ko yung paghawi ko ng buhok ko! Yung di mo alam paano mo iipit dahil sobrang init! Parang ang bigat ng pakiramdam. Dati kasi feeling ko lahat na lang ng nutrients na nakukuha ko sa pagkain eh napupunta lang sa hair ko. Sobrang payat na kasi ako. Compare before na mejo chubby ako. Ngayon maikli na nga ang hair ko. Gumaan ang pakiramdam ko nagmukha nga daw akong blooming sabi ng ilang mga nakakita sa buhok ko. Tataba na kaya ako? Sana, pero wag naman sanang sobra kasi. Mahirap baka asarin nanaman akong booba. Mejo malaki kasi ang future ng lola mo. Eh ngayon kasi hindi na gaano halata lumiit siya infairness. Masaya ako for that. Kung meron man akong gustong mejo tumambok yun ay ang aking face. Para masarap kurutin hehe. Other than that wala na. okay na kung ano yung meron ako ngayon. Matagal ko rin kasi hinintay na maging payat tulad nito. Madali namang magpataba eh.

Tommorrow uuwi ako ng pampanga. Dahil fiesta, share ko sa inyo yung fluvial parade pagbalik ko galling pampanga. 2 days lang naman ako doon. Makikita ko nanaman ang mga pamangkin’s ko! Matagal tagal din ang hindi naming pagkikita dahil nagstay sila sa batasan for 2months. Malapit man sa pasig eh hindi ko nagawang puntahan man lang sila. Most of the time kasi ngayon I am home alone dito sa pasig dahil nga may house na sila mama sa pampanga doon na sila palagi stay. Umuuwi na lang sila weekly para kumustahin ako. Yung tito ko kasi na Japanese mas gusto doon kesa dito. Malaki laki kasi ang malalakaran niyang garden doon. Tapos pwede pa siyang maglakad lakad din doon sa mini rice field sa likod ng house. Eh dito sa manila sa baba at sa taas lang ang pede niya malakaran most of the time nasa terrace lang siya naglalaro ng sinda-sinda niya. Mahilig siyang mag solitaire (sinda-sinda means Talo). Oh ha.. ayan may nalaman kayong hapon. Miss ko na rin yung Dog namin si Gotchi yung maharot naming alaga. Na bawal kong hawakan dahil kinagat ako dati nung tuta pa siya. Buti na lang wala siyang rabis! Pero kulang pa pala ang vaccine ko may last vaccine pa ako sa June 30, 2010. di ko alam kung bibigyan pa ako ng vial nung friend ng tita ko. Last na vial na yun. Sana bigyan pa niya ako para 2 years yung bisa yung anti rabis. Para incase na kagatin ako ulit ni gotchi haha. Parang plano ko pang magpakagat ulit noh? Haha. Joke lang po yun. Miss ko rin yung mangang maasim hahaha! May mini mango farm kasi kami sa likod ng house anytime pwede akong pumitas ng bunga doon. Unlimited pitasan basta kakainin ko lang. yung dila ko lang ang susuko sa pagkain sarap! Ang dami kong miss sa pampanga noh? Eh masarap ang buhay doon eh. Atchaka ang doon lahat ng mga mahal ko buhay.

Oh ayan updated na kayo. See you next time.

5 comments:

  1. ingat po.binasa ko sya ng buo. :D
    yung mahal ko taga-pampanga din. Sa sta.rita. :D

    ReplyDelete
  2. wah! minsan wala ka ring magawa sa buhay mo ano? hehe. thanks ha. ikaw lang naman ata nagbabasa ng post ko lol. anyways. binabasa ko rin mga post mo ng buong buo! :)

    ReplyDelete
  3. wow. sarap ng hobby ni teh.. pakagat ba naman, hehehe. (=

    ReplyDelete
  4. O love pets too. Ilang beses n din akong nakagat ng aso hehehe...

    Btw, u were tagged by me Anna, feel free to visit my site to know more about the Tag hehehe...

    Ingat!

    ReplyDelete
  5. im suffering from my migraine! lols. i just read it pa lang. will get back to it pag ok na ko. :)

    ReplyDelete