Kalagitnaan na ng November sa tingin ko magiging busy kami ngayong November 2010, Undas, birthday ng tito yasunori sa November 05 at si mama sa November 13 pero gagawin na niyang November 20 na lang. maghahanda ng bongang-bongang ang aking tita (mama) dahil 60th birthday na niya eh. Sabi kasi nila pag daw may 0 ang birthday dapat maghanda. Kung meron ka rin lang ipaghahanda. Naalala ko noong 50th birthday niya kapos kami noon. Hindi na siya nakapaghanda ng madami. Kalahating kilong pansit lang handa naming noon para sa kanya. Kulang pa sa amin hehe. Masaya ako ngayon dahil kahit paano makakapaghanda na siya ng bonga sa pampanga. Alam kong nakakapagod ang preparation na iyon. Pero kailangang tumulong kahit paano. Excited na ko sa birthday nila. excited na rin akong matapos ang undas para masimulan ko ng gawin ang aming clismas tree! Mejo malaki kasi siya aabutin ako ng 1 araw para mabuo siya ng buo at mailagay ang lahat ng mga abubot niya. Nagawan ko na si mama ng invitation niya sa birthday nila ni tito. So far, ayun nagustuhan naman niya dahil simple lang naman ito. Next ko na gagawin niyan eh gagawa ng banner na ikakabit sa mismong araw na yon. Pero madali na yon dahil may format na ako! At alam ko na ang taste na gusto niya! Susunod pupunta kami sa divisoria ni ni ninang (tita) para maghanap ng birthday souvenir. Sabi ko dahil nagagamit ayaw ko kasi ng figurin sus! Aanhin ba ng makakakuha yung binigay naming sa kanila i-didisplay lang? at aalikabukin? At least dapat nagagamit sa araw araw. Kaya naisip ko caps na lang. 50 pieces lang naman ang kailangan namin. Hindi naman lahat eh bibigyan niya. Kasi pag binigyan niya lahat ang dami noon noh! Mejo madami kasi siyang imbetado sa birthday nila ngayong year, to name them mga kapitbahay naming dito sa pasig, mga kasama sa simbahan ni ninang at ni mama, mga kaibigan, ilang kakilala, mga kamag-anak sa maynila, mga kamag-anak sa baliuag, porak at sa cansinala. Hehe. Ang dami diba? Pero ma-aaccomodate naman naming lahat yan kung sa pampanga gagawin ang birthday kung sa pasig kasi mahirap! Baka magiba naman ang haws namin. ngayon pa lang sa pag-iisip ko pa lang nakakapagod na! paano pa kung anjan na yung araw na yan hahaha…
No comments:
Post a Comment