Sa oras na ito isa akong “legal na tambay” sa paningin ng pamilya ko. Pero sa paningin ng iba isa lang akong tamad! Sinabi kong isa akong legal na tambay sa kadahilanang ayos lang sa mga tiyahin ko at magulang ko na wala akong trabaho, sa totoo lang alam ko namang ayaw din nila na wala akong trabaho. Wala lang silang magawa kundi umayon na lang sa takbo ng buhay ko. Dahil kahit sabihan nila ako na maghanap ng trabaho at kumilos para sa ikabubuti ko. Ganoon at ganoon din lang ang resultang kahahantungan nila. Umasa sa wala. Masunuring bata ako! Kung sabihin sa aking mag-apply pumupunta ako sa lugar, maagang dumadating, pinapasa ang mga exam ng mga kompanyang pinupuntahan, sinasagot ng buong puso ang bawat tanong ng mga interbyuer. Pero sadya yatang wala sa bukabularyo nila ang magkaroon ng empleyadong katulad ko! Halos hindi ko na mabilang kung ilang bondpaper na ang naubos ko sa pagpapaprint ng resume ko.
Sa puntong ito ng buhay ko na halos hindi ko na alam ang gagawin pa. naisip ko na kailangang may gawin na akong isang bagay na ikabubuti ko at sa banding huli masabi kong kaya ko pala! Matagal ko ng binalak na magsulat. Hindi ng isang article pero isang “Libro” na masasabi kong mula unang letra hanggang sa huling tuldok ay akin. Iilan lang naman ang taong nagbuyo sa aking magsulat. Ang nanguna sa listahan ay isang kakilalang kaibigan, siguro dahil sawa na rin siya sa pakikinig ng mga mga kwento kong paulit-ulit lang naman. Pangalawa, isang chatter sa mirc na isang editor. Minungkahi niya na magsulat ako at isulat ang kwento ng buhay ko. At ang pangatlo na tumatak talaga sa utak ko si Bob, para akong tinadyakan ng sampung kabayo nung una kong nabasa ang libro niya. Sa pagbabasa ko sa una niyang libro napatawa niya ako ng sobra sa mga hirit niya. Nakita ko ang sarili ko sa kanya.
Pakiwari ko sa araw na ito eh “hinahabol ako ng papel at lapis, at nagmamakaawa na lagyan ko sila ng mga letrang magbibigay sa kanila ng saysay bilang papel at lapis. At sabihin nilang may pakinabang sila sa buhay ko”.
Kulang pa ang aking fighting spirit para gawin ang bagay na ito. Sa totoo lang wala akong kaalam-alam sa mundo ng pagsulat ng kahit na anong artikulo at lalo pa ng isang libro!. Ang alam ko lang ay magkwento dahil na rin siguro sa likas kong kadaldalan!.
Sa totoo lang hindi ko alam kung saan ako nagsisimula. Dahil takot akong walang babasa ng ginawa ko?, takot akong maikumpara?, takot akong walang maisulat?, takot akong mahusgaan. Sa ngayon lahat na ata ng takot eh bumabalot na sa katawan ko.
“Wala namang masamang maghangad na makasulat ako ng isang libro kahit hindi ako manunulat.” – kailangan ko lang sa oras na ito ay suporta na may aalalay sa akin. Sa panahong malapit na akong bumigay. Kungbaga sa giyera kailangan ko ng back-up.
Titibayin ko ang aking loob kung kinakailangan tatangalin ang bawa’t takot na nangingibabaw sa aking katawan. Susugod sa giyera ng pagsusulat. Na ang tanging bitbit ay ang aking panulat at blangkong papel.
Pakiusap po: kung sino man po ang makabasa po nito ay maaring ipagbigay alam lamang po sa may akda kung meron po kayong suhestyon o ano mang komentong maibibigay sa taong nasa likod ng blog na ito. Na nagpupumilit na pumasok sa mundo ng pag-susulat. Malugod po niya itong tatangapin ng buong puso. J maraming salamat po. Bow. J
uhm wala naman akong suggestion kasi wala din akong alam sa pagsusulat. masasabi ko lang ate petitay GO lng ng GO . ^_^
ReplyDeletegusto ko nga sana ganun lang ang pag-gawa ng libro. pag sinabi mong go go ka lang! pero may aspeto pa akong dapat ikonsidira.. pero sa puntong ito nag-aabang pa ako ng lakas ng loob para masimulan ko ang bagay na toh.. :)
ReplyDeleteif you have a creative imagination, why don't you write novels? are you thinking more on the line of Bob Ong? whatever it is that you want in life, just put your heart to it... but don't take my word for it, because isa rin akong walang direction ang buhay. bwahahahahaha! kaya nga pa cute na lang ako eh. hahaha
ReplyDeleteShow Me Your Look Today
take care!
magsulat ka lang kahit ano basta galing sa puso mo.Ikaw yon.
ReplyDelete