Monday, June 30, 2014

Apung Iru Fluvial Festival "Libad"

Isang festival na pinakaaabangan ko every year. The "Apung Iru Fluvial Festival" held at Apalit, Pampanga. Whos Apung Iru? Siya po si Saint Peter the Apostles. His the patron saint of our town. Tuwing June 28, 29 to 30, we celebrate our fiesta. Its a three day event where in on the 28th the patron saint was being procession at the pampanga river. 


Tuwing June 28 naghahanda ang mga kababario namen dahil sa araw na ito ang daan ni Apung Iru. Bisperas ng fiesta ang araw na ito. Kapag nagpaplano kayong makipamyesta sa amin. Magdala ng damit. Dahil tiyak may mga taong mambabasa sa inyo sa daan. Wag kalimutang ibalot ng plastic ang inyong mga cellphone. hehe. 



When i was a kid like them naranasan ko ang magswiming din sa pampanga river. May paniniwala ang mga matatanda na magiging malulusog ang sino mang maglublob sa ilog habang dumadaan si apung iru. Ngayong hindi na ako bata, nakokontento na akong tumayo na lang sa tabing ilog at abangan ang pagdaan ni Apung Iru at magdasal sa kanya kapag natanaw na siya ng aking mga mata. 

Sinusundo ng mga deboto si apung iru sa bahay niya. yes he has a house in capalangan. Kukunin siya doon at ilalagay sa simbahan ng apalit pampanga. From there dadalhin siya sa kanyang lantsa at iikot siya sa mga barangay ng apalit. Nagsisimula ang prosisyon sa ilog ng 12 ng tanghali. Pero sa barangay namin sa cansinala dumadating ang image ng past 3pm na. Dahil napakahaba ng mga pila ng mga bangka na sumasama sa prosisyon. At hindi rin naman ganun ka bilis ang pagpapatakbo ng lantsa ni Apung Iru. "Libad" ang tawag sa pagpoprosisyon kay apung iru sa ilog. Pagkatapos ng prosisyon ay ibinabalik siya sa simbahan ng Apalit. 

June 29 is the fiesta day! ito naman yung time na pumupunta ang mga deboto sa simbahan para makarinig ng misa. Buong pamilya o magkakaibigan kahit sino pwedeng pumunta ng plaza. Mula umagang misa puno ang simbahan sa plaza. Halos di mahulugan ng karayom. Kung may kasama po kayong mga bata. Ingatan sila. Sa paligid ng simbahan ay napakadaming mga nagtitinda. Lahat na ata ng kailangan mo ay meron kang makikita. Mga gamit sa bahay, damit, pagkain at marami pang iba!

June 30 araw na kung saan inihahatid na si Apung Iru sa kanyang tahanan. Ipinuprosisyon siyang muli sa ilog. Ibinabalik siya sa Capalangan Shrine. Pamanatad ang tawag sa paghatid sa kanya. Marami din ang sumasama na maghatid. Makikita mo sa mga tao ang galak sa kanilang mga mata sa tuwing nakikita nila si Apung Iru habang isinasakay siya sa lantsa ay sumisigaw sila ng "Viva Apung Iru"


1 comment: