A year ago, nagplano akong mag aral ulit. Hindi ko nga lang alam kung ano ang kukunin kong bagong course or vocational ba? Naisipan kong kumuha ng welding technology sa tesda or beauty management. Pero wala sa mga ito ang tatahakin ko ngayon, alam ko na ang gusto ko. Ang magturo! Opo gusto kong maging isang teacher. Hindi lingid sa inyong kaalaman ang aking kalagayan. Hindi ako normal na nakakapagsalita dahil ako ay isang bingot inshort po ako ay ngo ngo. Na sa isang normal na tao ay hindi niya maiisip kung paano ako makakapagturo ng leksyon.
Ayaw kong isara ang pintong ito ng aking buhay. Naniniwala akong walang impossible sa taong pursigido na matuto at makatulong sa iba. At maging inspirasyon sa mga iilan na makakakilala sa akin. Nagulat ang tita ko nung sinabi ko ito sa kanya, kaya ko daw ba? Paano daw ako magtuturo? Maging aking boyfriend tinanong niya ito sa akin. Pero hindi ko sila masyado sineryoso dahil alam ko ang aking pinapasok ngayon.
Oo kaya ko ito, at kahit na gaano katagal at kahirap itong maabot alam ko na kaya ko! Konting chaga at paninindigan para ito ay maisakatuparan. Nakumbinsi ko ang lahat ng mga tao sa paligid ko. Pamilya ko, boyfriend ko, mga kaibigan at mga kakilala. Dahil sa gusto ko ito, sinuportahan nila ako. Ngayon enrolled na ako sa Marikina Polytechnic College sa kursong Continuing Professional Education. 18 units lamang ang aking kailangang makuha para dito. Magsisimula akong mag aral ngayong semestre 2014-2015 isang taon kong kukunin ang kurso dahil hindi daw pwedeng mag full load. Which is okay lang sa akin, hindi naman ako nagmamadali. Alam kong sapat ang oras na yon para ako matuto ng husto. Pagkatapos kong makuha ang kursong ito. Plano kong mag aral ng sign language at brail system. Kailangan mo ito. Dahil ang gusto kong turuan ay ang mas higit may kailangan ng tulong ko.
Sa ngayon po, kailangan ko ng mga taong maniniwalang kaya kong maabot kung ano man ang mithi ng puso ko. Mga dasal na kailangang kailangan ko din po. Salamat po in advance.
No comments:
Post a Comment