Thursday, March 17, 2011

Simplypetitay Version 2

Napakarami ko ng utang sa aking blog page! panahon na para magbayad sa matagal na panahong ako ay naging hiatus sa kanya. =) ito gumawa ako ng letter para sa kanya:

Para sa iyo simply.petitay

Lumipas ang araw linggo at buwan.. hindi man lang kita kinumusta! dahil na rin siguro sa paghahanap ko ng iba pang pagkaka-abalaan. pero nauwi ako sa wala. sa iyo pa rin ako bumagsak. hindi naman talaga kita iniwan totally. hinanap ko lang ang sarili ko sa ibang bagay. baka sa mga bagay na makita kong iyon eh sumaya ako. pero hindi rin pala sayo pa rin ako babagsak. ikaw pa rin ang makakatulong sa akin sa pagharap ko sa pang-araw araw kong buhay. ikaw lang ang makakaintindi sa akin. na kahit ano pa ang sabihin ko. hinding hindi ka makaka reklamo. dahil hawak kita. hindi ka gagana kung wala ako. pagpasensiyahan mo na ako. marami lang talaga akong iniisip nitong mga nakaraang buwan na talagang tumatak sa buo kong pagkatao! sa pagbabalik kong ito hindi ko maipapangako na makakamusta kita araw araw pero isa lang maipapangako ko. isang post para sa iyo kada buwan. alam kong magiging masigla kang muli. may iilang bubuntot sa iyong muling pag arangkada.. goodluck sa utak sa amo mo na napakaboring ng buhay! mapiga sana niya ang lahat ng nasa utak niya upang mapasigla kang muli!

Salamat sa paghihintay sa akin. =) ito na babalik na sa mundo ng blogospero si petitay!

1 comment:

  1. . . . para sa iyo petitay:

    lagi mo lang sanang aalahanin, sa bawat araw na dumadaan, may mga nilalang na laging nag-aantabay sa bawat update na iyong gagawin sa mahal mong blog. sa bawat 30 minutong break na nakukuha ng mga nilalang na ito sa kanilang pang-araw araw na trabaho sa opisina, limang minuto duon ay inilalaan para i-check ang kanilang dashboard at silipin ang mga kapitbahay nilang lagi nilang inaantabayanan, at isa ka na dun- irog kong simplypetitay.

    lubos kaming nagagalak at muli ka na namang nasinagan ng araw- dahilan para magkaroon ka na naman ng sapat na enerhiya at pagmamahal para bisitahin din kami- ang mga munti mong kaibigan na laging narito para maka'share mo ng iyong experiences, both with laughter and tears dito sa munting espasyo ng buhay kung saan minsan sa isang patak ng pagkakataon tayo nagkakasamang lahat- munting espasyo na kung tawagin natin ay cyberspace.

    ReplyDelete