Tuesday, May 31, 2011

Sineguelas

Dear Ate Charo,

Ipinanganak akong may Cleft Lip and Palate. Na kung tawagin ng iba ay bingot. May ibat ibang klase ang kalagayang ito. Ung iba eh kaunti alam ang hati at hindi mo mapaghahalatang nagtataglay cla nito. Yung iba walang damage sa itsura pero mapaghahalata mo na lang sa pananalita dahil ngo ngo kung magsalita kung tawagin nila. Pero may iba ring lahat meron sila may hati sa nguso at may butas sa ngala ngala. At isa na ang inyong lingkod sa nagkaroon ng gayong kundisyon. Ipinanganak akong butas ang ngala ngala at bukas ang itaas na bahagi ng aking labi. Kung akoy iyo mang nasilayan ng akoy sangol pa marahil ikaw ay maawa sa aking kalagayan. Hindi ko naranasan ang dumodo sa bote na pang baby. Umiinom ako ng gatas galing sa dropper ng vitamins. Napaka iyakin ko daw noong akoy baby pa. Siguro nga hindi sapat minsan ang mga patak sa dropper. Tatlong taon bago makapagdesisyon ang pamilya upang ako ay ipatingin sa mga ispesyalista. Dahil na rin sa hindi naman mayaman ang aming pamilya. Tamang nakakakain lamang sa araw araw. Dala na rin sa naawa na sa akin ang pamilya humingi ng tulong ang aking mga magulang sa aking tiyahin na nagtatrabaho noon sa maynila. Hindi sila binigo ng aking tita. Humanap siya ng paraan para mapaopera ako. Humingi kami ng tulong sa PCSO dahil noong panahong iyon tumutulong sila sa mga batang may bingot. Naging libre ang aking operasyon. Ang tanging binayaran ay ang mga gamot kakailanganin para sa aking recovery. Naging matagumpay ang unang operasyon sa aking ngala ngala sa Lungsod ng Kabataan na ngayon kung tawagin na nila ay Philippines Children Medical Center. Pagkatapos ng unang operasyon pinaghilom muna ang naoperahan sa akin ng isang taon. Kahit na nasara na ang aking ngala ngala naiwang bukas pa rin ang upper lip ko. Kaya iminungkahi pa ng aking doctor na sumailalim pa ako sa isa pang operasyon. Pumayag ang mga magulang at tita ko. Naisip din siguro nilang kailangang maisara ang aking mga labi at nangarap din sila makita akong naka ngiti. Hindi nagtagal sumailalim akong muli sa iilan pang pagsusuri. Napagalaman ng mga doctor kong my problema ako sa baga primary complex daw un. Sa kwento ng tita ko tb iyon sa mga bata. Ginamot muna ako sa aking sakit. Matapos na maging maayos ako sumailalim agad ako sa 2nd operation ko to close the upper lip. Nagsuccessful muli. 4 years old ako nito. Pero sa kasawiaang palad dahil bata pa at sobrang takaw. Eh kumain ako ng siregwelas noong kami ay nag outing. paano ang sarap. hehe. Ang lagay eh sila lang ba pwede kumain. Dala ng katakawan ko aksidente na nabuksan ng kaunti ang aking ngala ngala. Pero hindi na namin pinaayos itong muli. Hanggang tumungtong ako sa anim na taong gulang may muli nanamang naganap. Nagkaroon ako ng ngipin sa ilong. Abnormal ito delekado kung hindi matanggal. Wala naman choice si ako kailangan ko muling magpaopera oportunidad na rin ito para medyo maayos ang ngala ngala na nawasak ng bahagya ng siregwelas. Dumating ang araw ng aking ikatlong operasyon. Nagsimula ng 8 ng umaga at natapos ng hapon mga 1 na. Dinala ako sa recovery room. Hindi ako nagkamalay sa takdang oras ng aking paggising. Nag alala ang lahat ng umaantabay sa akin. Dinala na ako sa ICU nag 50 50 na pala ako noon. Pinakiusapan ng tita ko ang mga nurse at doctor kong makapasok siya sa ICU at pinayagan naman siya. Pinisil pisil ng tita ko ang aking mga kamay na ang sabi anak petite gumising kana. Na may mga luha na sa kanyang mata. At nagising nga ako. Ang natatandaan ko bago pa makapasok ang tita ko sa akin ay gising na ako. Hindi lang ako makagalaw manhid ang buo ko katawan. Sa dami siguro ng anistisya na ibinigay sa mura kong katawan. Hindi ko pa marahil oras ng mga oras na iyon ng aking buhay. Matapos ang pangatlong operasyon kong iyon kahit iminumungkahi pa ng aking doctor na operahan akong muli ay hindi na umayon ang tita ko sa takot na baka hindi ko na makayanan pa ang operasyon at tuluyan na akong mamatay.


Mula noong huling operasyon ko ang tita ko na ang nangalaga sa akin. Pinalaki niya akong isang normal na bata. Ipinaranas sa aking ang mamuhay ng normal hindi ikinahiya sa mga taong nakapalagid. Pinag aral mula kinder elementarya high school hanggang sa kolehiyo. Hanggang sa kasalukuyan sa kanya pa rin ako umaasa. Siya na ang nagsilbing aking pangalawang magulang. Batid kong hindi madali ang palakiin ang sang batang gaya ko. Ngunit kinaya niya. Lumaki akong isang mabuting tao na may takot sa Diyos. Lubos akong nagpapasalamat sa Poong Maykapal na kahit hindi man ako nabiyayaan ng napakagandang panlabas na kagandahan biniyayaan naman niya ako ng isang pusong mabuti at pamilyang laging andito para supportahan ako.

ang tittle ng aking kwento ay:

SINEGUELAS

4 comments:

  1. . . . dahil dyan, saludo ako sa tita mo! having them alone will give you a feeling of contentment and happiness- high five sa mga taong handang tumulong sa iba!

    ReplyDelete
  2. opo tama ka jan. =) kya mahal na mahal ko po sila..

    ReplyDelete
  3. i agree Zhurutang! :) I myself would never have finished my studies without some aunts who never hestitated to help me.

    :) pasaway na sineguelas! :)) ayan tuloy!

    haha..visit my blog girls!
    http://popsytoh.blogspot.com/
    follow me if u want :)

    ReplyDelete