Thursday, June 9, 2011

Himotok!

Nitong nakaraang araw, mukhang sinusubukan ang aking pagiging makabayan! Walang ng lumabas na magandang bagay na sinabi ang tito ko sa mga pilipino. Nag-gegeneralized siya masyado. Ang mga pinoy daw karamihan ay "pon" sa wika nila ay "bobo". Hapon ang tito ko. Nagmigrate siya dito dahil hindi nila mapagkakasya ang pension niya sa bansa nila. Kung doon nila gagamitin ang pera niya ay tama lang at hindi na siya makakapagluho ng kahit ano man. Samantalang kapag andito sila ng tita ko ay magbubuhay mayaman siya! chos lang! Baka maniwala kayo. Ang ibig kong sabihin ay makakapamuhay siyang walang iniintindi. relax kung Mabubaga. Nalulungkot ako dahil ganun na lang ang pagtingin niya sa pilipinas samantalang andito siya ngayon! =( Mabait naman ang aking tito eh. Kaya lang ayaw niyang nakakakita ng mga bagay na panget at pag naagrabyado siya!! Kapag nasa byahe kami dahil siya ang magdidrive ng kotse. Asahan mo hindi siya makakabyahe ng hindi niya nasasabi ang salitang "pon" ewan ko ba sa kanya. Alam na naman niya ang mga pinoy eh. Sana hindi na lang siya nagsasalita ng ganun. diba? Dahil pinoy ang mga kasama niya sa bahay! Kami yun. Wala kaming ginagawa sa kanyang masama. Kaya sana kahit konti eh maisip niya na nasasaktan din kami kapag may mga komento siya sa pinas. Hindi ako galit sa tito ko. Nalulungkot lang talaga ako. Gusto ko nga sanang ipaliwanag sa kanya na wag na niya sabihin yun sa akin. Kasi nasasaktan ako dahil isa akong pinoy! Kahit na ganoon na lang liit ng pagtingin ng tito ko sa karamihan ng pinoy at ipagmamalaki ko pa ring isa akong PILIPINO!

Mabuhay ang ating KALAYAAN.!! buti may blog ako. malay ba ng uncle ko to hehehe. peace tito..

3 comments:

  1. isusumbong kita! :)
    haha
    unga kapikon nga ang mga foreigner na ganun..
    heka ask ko lang, ilang taon ka naba?

    ReplyDelete
  2. 62 years old na po ang uncle ko. pero kahit ganun utak niya sa mga pinoy love ko pa din siya. minsan nagpapantig lang talaga tenga ko kasi nga pinoy po ako. sa dugo pero hindi ako filipino time ha! im trying not to do the things pinoy does normally. 27 na po ako kuaa... =)i will visit po.

    ReplyDelete
  3. uwaaa kua! :) ateh dapat! :)
    I've got a new post! visit!

    ReplyDelete