Tuesday, August 16, 2011

Meet "Gotchi"


Meet our dog "Gotchi" Well she's not mine. It's my Tito Yasunori dog. binili namin siya sa pasig near our house sa kapitbahay p200. hehe. ganun siya kamura pero matalino naman siya kaya okey lang! Si Gotchi ay sobrang memorable sa buhay ko kasi kinagat po niya ako! hehe.. Kinagat niya ako sa may right hand ko. Nagpa inject pa ako ng anti rabies noon. Kasi baka madedo ako!

Gotchi is staying in Pampanga na. Ako ang nag-uwi sa kanya sa pampanga dati. Nilagay ko siya sa plastic bag haha.. Tuwang tuwa ang tito ko kay gotchi kasi matalino siya sobra! Kapag umuuwi ako ng pampanga sasalubong agad siya sa akin tapos hihiga na siya. Ibig sabihin kailangan mo siyang hagurin sa dibdib.. Madalas siya nagpapalambing. At may talent siya! para siyang rabbit kung tumalon! hehe.. Minsan nga natatakot ako pag tumatalon siya eh! Matakaw din siya hindi siya choosy! Kahit na anong meron okey lang sa kanya. Ang mga buto mani lang ang pagnguya niya! kumakain din siya ng indian mango dahil madaming mangga sa pampanga. Pinagbabalat pa siya ng mangga ng tita ko. At boy bawang pero dapat lechong manok ang flavor.

Mula noong bata pa ako never pa kami nag-alaga ng babaeng aso! Tingin ko si Gotchi na ang una ang last na aalagaan naming babaeng aso. Paano kami mag-aalaga ng babae lahat ng mga kasama ko sa house takot sa mga tuta. Nagkataon lang si Gotchi dahil yung mga kapatid niyang mga lalake hindi ganoon ka cute kaya hindi sila pinili ng tita ko. Si Gotchi ang mas pinaboran ng tita ko. Ang cute niya kasi. May "Megame" siya hehe. megame=eyeglass sa salitang hapon. Ayun pero nung mejo lumaki na siya nag-iba yung color at nawala ang kanyang megame. hehe! Naging plain ang kanyang color plain na light brown na siya. By the way putol ang tail ni Gotchi yun ang pinaka favorite kong body part niya. Hindi rin mahaba ang mga paa niya pungok po siya.

Last June nanganak na si gotchi hindi lang namin alam kung sino ang nakabuntis sa kanya. Paminsan minsan lang may nahuhuli mga tita ko sa loob ng yard na mga aso. Hindi nila alam paano nakakadaan doon sa gate namin. Malamang may ibang pinapasukan sila. Paraparaan lang yan.

habang pa-atras ang kotse siya marunong tumabi! =) Very Intellegent Dog!


Gotchi's photo 1 week after she gave birth to the 4 puppies.


from left to right ichi, jiro, saburo and hanako. puro mga japanese names kasi hapon ang master nila. =)

one time umuwi ako ng pampanga para makita ko ang mga cute na mga tuta na ito. aba napansin ko inaagawan na nila ng food ang kanilang mama. kaya ang ginawa namin eh pinakain na namin sila! :D well ubos na yung food nung kinunan ko sila nito matatakaw kasi sila. :))

sa lahat sa kanila si saburo ang favorite ni tito pero dahil babae napunta siya sa mama ko. hehe. para anytime pwede pa ring puntahan ng uncle ko si saburo. =)

4 comments:

  1. Ang kute! turuan m o na siya ng tricks :D

    ReplyDelete
  2. nako madami nga po alam yan hehe. :therabittricks: at ang paghiga pag magpapakamot siya LOL..

    ReplyDelete
  3. i am following you right now.. hope you follow me too. ♪

    here's my url: mr837.blogspot.com

    ReplyDelete
  4. Inggit naman ako. Gustung-gusto ko na magka dog.

    ReplyDelete