Wednesday, December 7, 2011

Hello... Till then... My Friend..

Liit pa si Niyoo
 Hello.. Say Hi to my very dear friend niyoo (a normal house cat) wala siyang breed.. We adopted him dahil may mga lumiligid na maliliit rats sa loob ng house. Nakuha ko siya sa neighbor namin sa pampanga. Hiningi lang namin siya tutal madami namang pusa doon sa house na pinangalingan ni Niyoo. Binyahe ko siya from Apalit, Pampanga to Pasig! Nilagay ko siya sa box nilagyan ko ng hole yung box baka hindi siya makahinga! Nung nasa van na ako pauwi mejo pinakikiramdaman ko siya kung ok pa siya. sinisilip ko siya doon sa maliit na butas ng box. So okey naman siya kasi gumagalaw pa siya! eheh.. Bumaba ako ng van sa may bandang Kamias. Nung asa jeep na ako. Pinilit kong lakihan ang maliit na butas sa kahon para macheck ko talagang okey siya. Grabe laking gulat ko! Nakalawit na ang dila ng kawawang pusang bitbit ko! Halos hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Kaya nagdecide akong huwag ko na lang siya ibalik sa loob ng kahon. Tinali ko na lang siya gamit yung panaling ginamit ko sa box. Mejo naging okey na siya noong ginawa ko yun. Naghahanap ako ng mabibilhan ng mineral water pero wala akong makita. Kaya napagpasyahan ko na lang na ituloy na lang ang biyahe namin. Nung nakasakay na kami ng pedicab bigla siya tumalon doon sa kahong pinagpatungan ko sa kanya! Pambihira gusto na niya yatang mag suicide! Mabuti na lang hindi siya nasagasaan ng gulong nung bike na sinakyan namin. Lumipas ang mga araw naisip kong kailangan na niyang magkaroon ng pangalan. Dahil uso noon yung palabas sa TV na gumijo. Ewan ko kung ano ang title noon. Yung kapatid ko kasi mahilig manood ng tv yung isang karakter don ang pangalan si mijo. Kaya si ako naisip ko na (Miyoo) na lang ang pangalan niya! yehey may pangalan na ang aking alaga! Dumating ang mga kasama ko sa bahay at sinabi ko ang pangalan hindi umayon ang tita ko sinabi niya na bat hindi "Niyoo" na lang kasi Neko siya Neko = Cat sa Japanese. Hapon kasi ang tito ko. Atleast naging pinal na ang name niya! Pero ang tito ko hindi na niya binago ang pangalan niya kung ano sinabi ko sa kanya nung una yun na talaga ang tinawag niya sa kanya. (MIYOO) kasi kahit ilang beses ko siya i-correct na niyoo eh makulit siya! Kaya hinayaan ko na lang siya!


Niyoo loves my bed!
Naging masaya ang pagsasama namin ng mahal kong alaga/friend. Magiliw siya sa akin at kay tito! Yung isang tita ko hindi siya gaano mahilig sa mga pusa, kaya hindi niya gaanong napansin si niyoo. Si tito noong una galit sa mga pusang gala na tumatae sa garahe namin. May mga oras nga na binabato niya sila para umalis at kung mamalasin pa ang mga pobreng mga pusa eh mabubuhusan sila ng tubig na may upos ng yosi ng tito ko straight from the 3rd floor. eheh.. Pero napansin kong nagbago siya noong dumating si Niyoo sa buhay namin, hindi na niya pinag-iinitan ang mga pusang gala sa garahe. Kasi may pusa na kami. Noong mga unang lingo ni Niyoo sa amin nahirapan akong turuan siyang tumae sa labas ng bahay! Minsan siyang tumae at nakita ng tito ko ang ipot niya dahil mabaho nga talaga yun nagalit siya at nagpasya siyang itapon na lang si Niyoo. Hindi ako pumayag! Kawawa naman siya matapos namin siyang kunin doon sa pampanga itatapon lang? Matapos pakinabangan? Pinakiusapan ko tita ko na wag na naming itapon at tuturuan ko na lang siyang tumae sa tamang lugar. Lumipas ang mga araw at naging successful ako sa pagtuturo sa kanya. Naging legal na siyang pumasok sa house ano mang oras niya gustuhin pero may mga limitasyon parin sa mga lugar na pwede niya puntahan at higaan.

1 comment: