Monday, January 6, 2014

Unexpected YOU


Hindi ko na maalala kung kailan yung araw na kinukuwento ka sa akin ng mahal kong kaibigan na si emma, araw na pinakikingan ko lang ang kwento niya tungkol sayo. Hanggang dumating yung araw na biglaang nagkita kayo at nagkataong kasama niya ako. Out of curiousity, sumama ako sa kanya para sunduin ka. Hinahanap ko yung taong palagi niyang kinukuwento sa akin. Habang naghihintay sa pagdating mo. Patingin tingin ako sa paligid. Nainip ako sa kakahanap sayo dahil matagal ka dumating. Nung nakita na kita. Hmmm.. Sa isip ko ha.. Siya pala yon.. Pinakilala ka sa akin ng kaibigan natin. Normal na batihan lang ang nangyari. Sumama ka sa bahay na inuupahan namin. Nakapagkwentuhan tayo ng kaunti. Iniwan ko kayo at nag usap ni emma. Alam ko kasing siya ang nililigawan mo noon. Natuwa ka yata sa akin at binigyan mo pa ako ng textmate! Nung gabing bago ka umuwi nagkaroon tayo ng oras para makapag usap. Pinagusapan natin si emma. Humingi ka ng tulong paano siya mapapaibig. Tinanong mo ako kung ano sinasabi niya tungkol sa iyo. Pursigido kang mapasagot ang ating kaibigan. Kinausap kita pinayuhan sa abot ng aking makakaya. Hanggang umalis ka na at wala na tayong ano mang komunikasyon. Di lumaon, nagkaroon tayo ng komunikasyong dalawa. Nakakatext na kita. Dahil nga makulit ka sa pag hingi ng tulong sa kaibagan natin. Hanggang dumating yung punto na mejo sumuko ka na. Dahil alam mong may boyfriend siya. Naging mabuti tayong magkaibigan sa pamamagitan ng text. Pero dumating yung araw na bigla na lang tayong hindi nakapagusap dahil may kanya kanya din naman tayong buhay. May mga mangilan ngilan na text ka sa akin ng pangangamusta.
  • . . . . . . . .
    Nagpatuloy ang buhay natin. Nawala lahat ng kumunikasyong magdudugtong sa ating hanggang isang araw na lang na lumabas kami ng kaibagan nating si emma at pinaalala ka niya sa akin. Kumusta ka na daw kaya? Sabi ko wala na akong number mo. Mahilig akong magpalit ng sim kaya yung number mo isa siguro sa nawala sa phonebook ko. Dahil nga pinaalala ka ni emma. Kunuha ko ang number mo ulit sa kanya at nagkatext nanaman tayo. Lumipas ang mga araw wala nanamang text at kumustahan. Hanggang dumating yung time na tinawagan ako ni emma na samahan ko daw siya sa bahay ninyo at birthday mo daw. Sinamahan ko siya binilhan ka namin ng cake mo. Hinanap namin ang bahay mo. Wala ka nung pagdating namin sa inyo. Inasikaso kami ng father mo. Nakipagkwentuhan siya sa amin ni emma. Nung humarap ka sa amin. Nung oras na yon. May kakaiba akong naramdaman. Hindi ko alam kung ano yun. Hindi ko na lang pinansin. Noong pauwi na kami hinatid mo kami palabas sa village ninyo. Habang naglalakad, bigla mo kinuha ang kamay ko at nakipagholding hands ka sa akin. Nagulat ako.. Pagkauwi namin ni emma tinawagan ko siya agad at sinabi ko kung ano man ang naramdaman ko nung oras na yon. Pero lumipas nanaman ang mga araw at nalimutan ko na yung naramdaman kong iyon sa iyo. Hanggang isang araw na napagusapan ka namin ni emma. Tinukso tukso na niya ako sa iyo. So binigay nanaman niya ang number mo sa akin, at nag open nanaman ang communication line nating dalawa.
    . . . . . . . .
    Isang beses tinext mo ako at niyaya na sumama sa gala ninyo ng mga kaibigan mo sa marikina. Sumama ako at nakipag inuman sa inyo. Mejo hindi naging maganda ang paghihiwalay natin. At di na tayo nakapag usap ng taon mahigit. Wala akong balita kung ano na ang nangyayari sa iyo. . .
    . . . . . . . .
    Wala ka sa mundo na ginagalawan ko. Nalimutan ko na lahat ng kung anong naramdaman ko bago tayo nagkahiwalay nung huling araw na nakita kita. May mga pahapyaw kangbmga text noon sa akin ng pangangamusta. Hindi ko na pinapansin, dahil naisip ko din na okay naman ako na wala sa sirkulasyon ng mundo ko. Hanggang isang araw may nagtext sa akin na hindi pamilyar na number. Kumusta ka na? Napaisip ako kung sino siya. Tinanong kita at nagreply ka naman kaagad. Si jo ito. Jo? Ha yung nakilala ko sa palo alto? Yung recruit ko? Sabay sabi sa aking hindi.. Si jon yung friend ni emma. Ha.. Kilala na kita. Nakipagtext ako sayo sa tuwing may load ako at kung wala kahit magtext ka pa hindi naman ako nagpapaload. Noong mga panahong iyon nakulitan ako sayo. Dati kasi ako ang makulit sayo. Tinanong kita bakit ka text ng text sa akin. Sabi mo gusto mo ako kausap. Ah okay given na gusto mo ako makausap baka malungkot ka lang. Hinayaan kita na kulitin mo ako. Dumating mga problema sa buhay ko ng tuloy tuloy at naging mahina ako. Na depress in short. Noong mga panahong iyon. Nasa paligid kita, lingid sa aking kaalaman ikaw din pala eh may pinagdadaanan.
    . . . . . . . .
    Fiesta June 28, 2013 pagkatapos ng fluvial parade naupo ako sa duyan at malalim na nag isip. At katext kita noong mga oras na iyon. Hindi ko na halos alam paano nangyari na naging tayo na lang na nagkasundo ang utak natin. Siguro dahil sa mga lungkot na nararamdaman natin noong mga oras na iyon kaya naging ganoon na lang kinahinatnan ng lahat sa atin. Lumipas ang mga araw at nagkikita na tayong dalawa. Sinabihan na kita ng mahal kita kahit alam ko na niloloko ko pa ang sarili ko. Noong una wala pa talaga akong nararamdaman noon. Plain feeling lang. Kung andyan edi andiyan ka.
    . . . . . . . .
    Lumipas ang mga buwan at sa hindi ko inaasahang araw dumating na yung araw na nasabi ko na sa aking sarili na haaa.. Mahal ko na siya. Napapangiti na ako kapag naalala kita. Nagsimula ng mamiss kita sa tuwing wala ka sa tabi ko. Nung unang mga buwan natin ramdam ko na hindi mo pa ako ganoon kamahal. Marahil gusto oo pero mahal hindi pa. Pero di lumaon. Nagsimula ko na lang na maramdaman na nagbabago yung pakikitungo mo sa akin. Yung dating approach napalitan ng sobrang appriciation sa mga ginagawa ko, lambing na alam kong hindi mo naman sinasadya na gawin pero kusang lumalabas na lang sayo. Sa tuwing tinatanong kita dati kung mahal mo ako hindi mo yon sinasagot. Pero ngayon iba na. Kaya mo na siyang sabihin na mahal mo ako. Ginagawa mo lang sa kilos. Pero ngayon iba na. Nararamdaman ko na at naririnig ko na lumalabas sa ilong mo. Joke. Sa puso pala. Haha..
    . . . . . . . .
    Sa ngayon ito lang muna ang kwento sa aking unexpected someone. Isinusulat pa ng author namin si God ang love story namin. Abangan ang susunod na kabanata. Ang alam ko lang sa oras na ito ay pareho na naming ginusto ang isat-isa at patuloy naming patutunayan sa bawat isa ang pagmamahal na aming nadadama sa tuwing kami ay magkasama.
    . . . . . . . .
    This story has no ending yet and im not looking for the ending. Thank you for reading..
    Our songs
    Biyahe : First song he sing na buong buo! With matching hawi ng hair ko na short. Hehehe..
    What Makes You Beautiful (acoustic version): Para sa akin daw talaga ang kanta na ito. Dahil masyado daw akong insecure sa sarili ko. Noong marinig ko to ng buo, natuwa ako. Una ko siya narinig via call hindi maganda tunog kaya inulit ko pa talaga at dinownload. Sabi kasi niya kapag daw malungkot ako o miss ko siya patugtugin ko daw yan. Eh uto uto ako sinunod ko naman.
    God Gave Me You: Song ko para sa kanya. Feeling ko ako ang kumakanta para sa kanya pag naririnig ko ang kanta na ito.
    Sa Isang Sulyap Mo: Kantang noong una kong marinig pakiramdam ko siya yung kumakanta para sa akin. Feelingera lang..
    I Need You Eric Santos: Habang naglalakad isang gabi bigla lang niya sinabi sa akin, may kanta ako para sayo. At yan nga yon. Natural dinownload ko nanaman at pinakingan ng paulit ulit.
    Pagkat Mahal Kita Bugoy Drillon: Para sa akin daw talaga ang kantang ito. sobrang saya naramdaman ko nung narinig ko siya. Parang totoo ngang mahal niya ako. Bigla humaba ang hair ko. Flattered. Feel blessed so much. Nagpisonet pa talaga ako para lang mapakingan ko ito. New years eve ko siya narinig. Paulit ulit ko pinakingan. Hanggang naubos na ang piso sa bulsa ko.

No comments:

Post a Comment