Monday, February 3, 2014

A day for HIM to Remember


Dahil sa aking pagnanais na maipakita ko ang aking LOVE para sa aking boyfriend. Naghanap ako ng mga ideas na pwede kong gawin na alam kong ikakikilig niya. Medyo matagal ko itong pinlano para para maisakatuparan lang. it took me a month, search dito search don. Thank you kay pareng google. Talagang maasahan kita. Nung una naisipan kong gumawa ng short story sa blog ko na ako at siya ang bida. Pero parang walang dating para sa akin yon. Pangalawa, bibili ako ng jar na puno ng love qoutes na hand written ko. Naisip wala ring dating sa kanya. Bat di ko na lang kaya sabihin sa kanya ng harapan or itag sa facebook account niya.Tinawag kong #projectkilig ang aking ginagawa. Sa wakas nakahanap na ako ng idea. 101 Things What I Love About HIM. Dahil mahilig ako sa origami yung tshirt! yah. Tshirt cute kasi yon lalo na kapag iba iba ang kulay. Madami akong past issues ng magazine. Kesa bumili pa ako ng papel yon na lang ang ginamit ko para makagawa ng polo tshirts. Tinupi ko ang lahat ng tshirt na yon gumawa ako ng 100 pieces. Tinatawanan nga ako ng uncle ko ano daw ba gagawin ko sa  mga papel na yon. Nginingitihan ko na lang siya. hehe.
 
#polotshirts made of magazines

After ko makagawa ng mga yan sinulatan ko ang mga bagay kung bakit ko siya mahal na mahal. Isinampay ko muna sila at inistapler ko yung post-it note. And then viola! Natapos ko din siya. Namroblema nga lang ako paano ko ipepresent sa kanya yan at kung kailan.



Hanggang dumating yung isang araw na di ko ineexpect na kailangan ko na palang ihain ang aking surprise para sa kanya. Inilagay ko sa kwarto ko ang surprise doon ko isinabit sa pader. 

ito na po siya.



At inilagay ko ang stuff toy na anak anakan naming dalawa na si jopet sa ilalim niyan. Sinara ko ang pinto para hindi masyadong halata agad. Dumating na siya sa bahay, nakipagkwentuhan muna ako. Hanggang naligo ako at pagtapos kong maligo pinaakyat ko na siya pinauna ko na sa kwarto ko. Pag akyat ko ito na ang senario. 

yakap yakap na niya si jopet

Hindi ko na siya muna kinausap dahil busy na siyang baliin ang leeg niya para mabasa ang mga nakasulat sa wall. Pinanood ko na lang siya habang nagbabasa at pinicturan ko ng pinicturan at kumuha ako ng video. hehe. Nakita kong nag glow siya. Bigla na lang siya napapangiti minsan sa mga nababasa niya. Kunwari hindi siya kinikilig. Noong una dedma lang siya ayaw niya sabihin kung ano ang nararamdaman niya. Nahihiya siya na i express ang feelings niya nung time na yon.  Di ako sanay. hehe. Hanggang tinanong ko siya. Nagustuhan mo ba?? Speechless siya. Hanggang napilit ko siya na magsalita. At ang una niyang bungad. Nakakainis ka! hahaha... Nagtaka ako bakit siya naiinis sa akin eh ang purpose nun para mapa ngiti ko siya hindi para manginis noh. haha. Finally, He open up to me. Hindi daw niya ineexpect na magagawa ko ang bagay na ganito. Yehey. My #projectkilig is successful alam ko nararamdaman ko. Nakikita ko ang mga body gestures niya. Masaya siya noong gabing iyon. Nakuha ko ang pinakaaasam ko na geniune smile from him. Hindi ko yon makikita sa kahit na kanino sa kanya lang! 

P.S. sa mga naghahanap ng mga pwedeng gawin for there boyfriends pwede po ninyo gayahin ang concept na ito. Proven and Tested ko na po kasi ito. hehehe.




2 comments:

  1. Ang sweet naman at napaka-maeffort. Buti naappreciate ni Kuya. Anong kasweetan ang iginanti nya sayo?

    ReplyDelete
    Replies
    1. Uy.. Napadapo si idol :) natulala siya eh. Hahaha. 1 hour bago siya mahimasmasan, nung natahuhan na kiss niya ako ng napakadami at sinabi ni yung iloveyou na once in a blue moon ko lang marinig. Wortied naman ang effort ko :)

      Delete