Friday, March 27, 2015

The End for me to START

Continuing Professional Education

Dati pangarap ko lang ang makabalik ng school after I finish my bachelors degree. Pero nagbago ang lahat nung nalaman ko na pwede pala akong mag take ng units of teaching. Na alam kong kaya ng budget at oras ko. Nung una nagdadalawang isip ako dahil alam kong napaka imposible naman na makapagturo ako dahil nga naman may kapansanan ako. Pero sa dami ng ng push sa akin na kunin ko to. Tinuloy ko na. Naisip ko din sa kabilang banda maganda rin ang may additional knowledge. Kahit na may edad na. Hindi sagabal yon para sa akin. Mas lalong hindi ko inisip na magiging sagabal ang kapansanan ko sa bokasyong ito. 

Kinuha ko ng dalawang semester ang Continuing Professional Education Units ko. Mag iisang taon din. Matagal din kung titignan. 2014 ako nagsimula. Noong una ayaw umayon ng mga tao sa paligid ko. Sino ba naman ang makakapagturo ng maayos kung mismong salita hindi maiintindihan ng estudyante mo? Pero di ko na inisip yon. Dahil nasimulan ko na tinapos ko na. Pinanindigan ko na. Andito na ako eh. Sa awa ng Diyos natapos ko! Salamat sa lahat ng taong naniwala na kaya ko. Kahit na sa simula eh alam kong kontra sila. 

Habang kinukuha ko yung units ko sa pag tuturo napakadaming dumating na dagok sa buhay ko. Yung 1st semester maayos ang daloy. Nakakuha pa nga ako ng dalawang 1.0 sa dalawa kong subject. Naenjoy ko ang demo teaching ko sa tulong na rin ng mga classmates ko na ever supportive sa akin. :) Nakausad sa reporting, pag gawa ng reflection paper at pagmamadali ng pag gawa ng papers. hehe... Nung second semester naman sobrang haggard ang naranasan ko. Halos pinagsisihan ko pa nga na kinuha ko agad ang 9 units na iyon. Pero di ako bumigay! Ipinaglaban ko pa rin na tapusin dahil alam ko naman na kakayanin ko.

Napakadami kong natutunan sa pagpasok ko school ulit. Talagang hindi madali ang kompetisyon sa ano mang bagay sa buhay. Madami akong nakilalang mga bagong mukha na naging parte at naging mga kaibigan. Malaking tulong din sila na nakilala ko sila dahil tinulungan nila ako sa maraming bagay. 

Ang aking pagtatapos ng Continuing Professional Education ay hindi pa katapusan ito ay simula pa lang ng isang bokasyong pinili ko. O sabihin na nating kapalaran ko. Sino ba naman ang magiisip na magagawa ko ito? Siguro asa guhit na rin ng aking kapalaran. 

My Greatest Achievement for 2015


No comments:

Post a Comment