Friday, April 1, 2016

I am a Licensed Professional Teacher

Ang dami ng nangyari sa buhay ko. Ni hindi ko man lang naisulat. Puro na lang kasi ako facebook. Puro upload ng happy moments doon. Simula ngayon susubukan ko ng mag update ng blog ko ulit. Magbunhi tayo haha. Hindi na kasi ako ganoon ka busy di tulad dati. :) Saan ba ako magsisimula?

O sige simulan natin sa aking latest accomplishment :)

After kong kumuha ng units of education sa Marikina Polytechnic College noong 2015. Pwede na ako magtake ng BLEPT. Sa una ayaw ko pa sana kasi kinakabahan pa ako. Dahil baka hindi pa ako ready na magtake at isa pa stress ako noon. Wala akong pera para makapagreview center ako. Pero sabi ng kaibigan ko na teacher kumuha na daw ako habang fresh pa yung mga pinag aralan namin. Hesitant talaga ako so sa filing pa lang closer na sa deadline ako nakapagfile. Siguro mga 3 days na lang before the deadline. Pagkarating ko sa PRC nung nakita ko ang pila nakakadismaya. Parang walang ending. Grabe ang haba.. Punong puno ng tao puro mga nakapila. Parang ayaw ko na nga ituloy naisip ko yung kalahating step gagawin ko tapos babalik na lang sana ako. Pero nung nasa mga kalagitnaan na ako sabi ko tapusin ko na tutal andun na ako. Matiyaga akong pumila naghintay. Pagkatapos ko ng magfile pagkabasa ko iba ang major ko naging Social Studies well sabi nga nila yun ang major ko. Wala akong magagawa ayun na ang nakalagay eh. Aapila pa ba ako? Samantalang iba yung asa mindset ko dahil IT grad ako ang alam ko TLE ang major ko. Saklap anong kinalaman ng IT sa Araling Panlipunan? haha...

Sa kasawiang palad hindi ako nakapasok sa review center. Una wala akong pambayad. Kung meron man naisip ko na sayang yung pera. Masyado akong bilib sa sarili kaya pinanindigan ko na. Nung time na yun nagwowork ako sa tapsihan ng friend ko. So masyado ako busy. Wala na halos oras para makagala. Nagpaalam ako sa work ko na mag leave ako ng one week. Sa totoo lang po hindi ako nakapag review ng maayos dahil stress ako nung mga panahong yon. Nagpaalam ako sa friend ko na mag leleave ako ng 1 week sa work ko sa kanya. Pinayagan naman niya ako. Siguraduhin ko daw na papasa ako! haha.. 5 days wala akong ginawa kundi magbasa ng magbasa ng mga notes na naipon ko nung kumukuha ako ng units of education. Panay silip sa facebook dun sa sinalihan ko na group for review. Lagi kasi sila nagpopost ng mga questions at sinasagutan ko yun mentally tapos chaka ko titignan kung tama ang sagot ko. May sumasagot naman kasi. The more na madami sumagot pinepresume ko na lang na yun ang sagot na tama. Sa loob ng 5 days nagkulong ako sa kwarto ko. Basta nagbasa lang ako ng nagbasa hanggang parang naging tigang na utak ko na wala ng pumapasok. Panay din ako search sa internet. Wala akong book na reviewer sa major ko. As in wala ako talagang alam. Wala ako idea ano ang lalabas na tanong about don. Bahala na si batman.

Puro dasal ang ginawa ko nung mga panahong nagrereview ako. Lahat na ata ng santo natawag ko na sa sobrang kaba ko. Mga 3 days for the BLEPT lumabas ang room assignment. Sa Saint Joseph College ako na assign na school. Bago ang exam nung feast day ni Padre Pio pumunta ako don. Sa kanya ako humiling na tulungan niya ako. Nagsulat ako ng request letter pero hindi ko yon nahulog sa lagayan dahil di na ako nakabalik sa loob sa sobrang daming tao. Inuwi ko na lang yung prayer request ko naisip ko na nasa puso ko naman yon. Alam naman ni God ang minimithi ng puso ko.

Dumating na ang araw ng exam September 27, 2015 kompleto lahat ng gamit ko. Lapis Ballpen Rosary Divine Mercy Pamplet. at ang Skittles. Ang aga kong andoon ayaw kong malate delekado. Maghapon ang exam namen. Ang hirap ng exam lahat na laman ng utak ko nalimas. Parang natuyo ang ulo ko. Pero positive pa rin ang iniisip ko. Makakapasa ako!

Lumipas ang mga araw nakakakaba din pala ang paghihintay ng resulta! December na lumabas ang resulta! November lumabas ang result! Nakikibalita ako kung meron ng result nung mismong araw na lumabas ang result kachat ko yung mga classmates ko. Yung isa kong classmate na hindi pa nakapag take ng board siya yung panay chat at hanap ng mga pangalan ng mga classmates namen na nagtake. Sinabi na niya lahat ng mga names ng mga classmates namin na alam kong makakapasa. Sa pagkadismaya ko bumaba ako at sinabi ko sa pinsan ko na di ako nakapasa sa board. Tapos umakyat ako. Binalikan ko yung classmate ko sabi ko wag na akong hanapin dahil alam ko namang di ako makakapasa. Pero sabi niya ano ka ba pumasa ka din! Congratualations Ate Pet! hahaha.. Sabi ko pa sa kanya iscreen shot mo nga? At ginawa naman niya. Shocks nakita ko ang maganda kong pangalan! DALUSONG, ANNA MARIE S. Thank you Lord! Sabay baba ako sa sobra kong excitement! Sinabihan ko cousin ko na nakapasa ako! haha. Ayaw na niya maniwala. Ano daw ba talaga? Pasa o hindi? Sabi ko joke lang yung kanina. Para if ever na bagsak di masyadong masakit hahaha.. Ang saya saya sa feeling para akong lumutang sa hangin sobra. Naisip ko yung tita ko nung time na yon. Siguro kung buhay siya eh masaya din siya at proud sa akin dahil meron nanaman siyang napagtapos na may lisensya pa! Nung tinatawagan ko yung tita ko sa pampanga hindi sumasagot. Nalaman na lang niya sa mga kapitbahay namen. Nung nagkita kami tinanong niya ako. Pumasa ka daw sa board? Yes hahaha. Nakasabit. Salamat sa dasal mo ninang. :) Happy ka ba? oo naman happy. Pero hindi halatang happy siya hahaha. Nag aalala pa rin for sure. Kasi nga mahirap para sa akin ang maging teacher.

Noong una pa lang ipinagdasal ko kay Lord na tulungan niya ako. Bigyan niya ako ng tamang talino para makasagot. Inialay ko sa kanya ang exam na yon. Sabi ko Maiintindihan ko kung hindi ako makakapasa gamitin niya ako para makatulong sa iba. Hindi niya ako binigo nagbunga ang lahat ng sakripisyo ko.

Isa na akong ganap na GURO.

DALUSONG, ANNA MARIE SALVADOR ,RPT 

Dati pangarap ko lang na magkaroon ng letters yung pangalan ko. Like Dra. Atty. CPA. Eng. ngayon im proud na may letters na pangalan ko. Registered Professional Teacher. ehem.. yabang ko hahaha. joke lang po.

Sa lahat po ng nagdasal tumulong gumabay sa akin, Marami pong salamat! :)
Love Teacher Anna Marie :)




No comments:

Post a Comment