Monday, April 4, 2016

Bringing back my life

This is my room looks like rightnow. Im thinking of making a #roomtour video. But with this view of my room I dont think it will be a good video to watch. Right? Im currently searching in the internet ways on how I can re-decorate my room even with limited money on my pocket. Ive been watching tutorials on organization and also D.I.Y. stuffs. I love D.I.Y. 

Stay tuned on my blog as i re decorate my small haven on earth. My comfort zone. 

Boredom Strike Part 2

Yalah fellas! Arrrgh.. yes boredom strikes again in my veins. Last time I wash the dining area cabinet. I almost spend half day washing every single plates and saucers inside.

Now my boredom leveled up. I cleaned the much bigger glassware cabinet, hanging in the kitchen area. Yeah it has so many stuff in it. It took me almost 1 whole day to wash every pieces. Well its not in a continious basis of washing ofcourse with a side trip of sound triping, eating, watching tv and attending to the needs of my uncle Yasunori. His a bit sick today.

Here is the whole glassware cabinet I cleaned.
 And now here is the detailed view of all the glassware I have. Be it small or big. While cleaning I wonder, how did my tita got this all. Some of the glasswares are old not far from my age and I admit some are antiques already. Am I lucky to have them? Haha.. In our house in pampanga we also have a lot of glasswares. The newer glasswares are tranfered there. Those kitchenware and glassware that came from Japan.







Sunday, April 3, 2016

Boredom Strikes Part 1

Typically when Im bored and im just around my house. You will be seeing checking every corners of our house. Removing the clutter that i could throw. Haha. Or you can also see me cleaning the dust zone areas. Napansin kong napakadumi na ng cabinet namin sa dinning area. So i decided to wash all the plates inside it. Grabe akala ko naiuwi na ng tita ko lahat ng magagandang plates. Meron pa rin palang naiwan sa house namin dito sa pasig. See how many plates? Haha. Pwede na akong magpa house party. May gagamitin pa kami. 

 Ganda na diba? Ang linis.. Ang tidy tignan. Im happy natapos ko to ng mga ilang oras lang. May susunod naþ kabanata pa dahil meron pa akong isang cabinet na di ko pa nalilinis. Napagod na kasi ako eh. 

After cleaning and washing of plate. Ito nagluto ako ng dinner ko. 

My hopeless romantic cat

Ayaw niya talagang paawat eh. Naiingit ang baby rax ko sa mga naglalampungang pusa na asa labas. Palibhasa siya basted palagi kay cloudy. To namang si cloudy akala mo naman napakaganda at diyosang pusa eh puspin lang naman siya. Matikas naman si rax eh. May lahi pa siya haha.. abangan natin ang kanilang lovelife.

Saturday, April 2, 2016

SimplyPetitay Official Social Media Accounts


Holy Week 2016

Unlike other families out there during the holy week season they will be going out of town. Our family have a tradition for 5 years already and that's the saints procession held in our parish Immaculate Concepcion Parish in Karangalan Village. We are in charge of one of the saints joining the procession. Our beloved "Santa Maria Salome". My tita is asked to have a saint last 2011 they just assigned a saint for her. She accepted the saint with all her heart. :)
She is one of the holy women who were present at the Crucifixion of Jesus, and who later came to clean His tomb.

Immaculate Concepcion Parish Karangalan Village Manggahan Pasig City.

Owned by: Mr. and Mrs. Yasunori & +Lucia Mori

During the season we are assigned to buy flowers and fix the karosa for her. Every year we buy shirts for our devotees that join us walk during the procession. Different color of shirts a year. This year is light violet.The walk is during Holy Wednesday and Maundy Friday after mass in the afternoon. So, wednesday morning my tita and I go to Dangwa Manila to buy flowers for her. Flowers should be fresh and will be fresh till friday. I am incharge of the cleaning of the karosa. Attending meeting in the church for the procession proper. Normally after lunch time we fix the flowers for Salome. So that we can bring her to the church ahead of time. After the walk of Maundy Friday we let the devotee who join us to go to our house to eat. And thats how we offer our time for the holy week season. Easter sunday is the best we go out for swim. 

Happy Easter everyone. Thank you for sharing your time for Santa Maria Salome. :)

The Preparation


Friday, April 1, 2016

The best journey will always take you to HOME.

Welcome to VILLA LUCIA. 
Our home in the Province of Pampanga. When we want fresh air we just go here. 2 hours away from busy manila. The Villa is owned by my late Tita Lucia Mori, Yasunori Mori and Cristina Salvador. My stress buster and stress reliever. A haven of relaxation for our family. When im home i feel the peace inside me. With lots friendly relatives and neighbors. Sometimes my Tito Yas and I go biking roaming the different nearby barangays of Apalit. Going to the ricefields far away from our home. The more green i see the happiness i would feel. It was so relaxing.

Front View of Villa Lucia



Welcome Entrance in the Veranda

Whats inside the Villa House.






Our Kasoy Tree in the Villa.
We have Carabao Mango Tree.

Chico Tree that are so Sweet.


Potchi, Gotchi and Tamah
Papaya Tree.



I am a Licensed Professional Teacher

Ang dami ng nangyari sa buhay ko. Ni hindi ko man lang naisulat. Puro na lang kasi ako facebook. Puro upload ng happy moments doon. Simula ngayon susubukan ko ng mag update ng blog ko ulit. Magbunhi tayo haha. Hindi na kasi ako ganoon ka busy di tulad dati. :) Saan ba ako magsisimula?

O sige simulan natin sa aking latest accomplishment :)

After kong kumuha ng units of education sa Marikina Polytechnic College noong 2015. Pwede na ako magtake ng BLEPT. Sa una ayaw ko pa sana kasi kinakabahan pa ako. Dahil baka hindi pa ako ready na magtake at isa pa stress ako noon. Wala akong pera para makapagreview center ako. Pero sabi ng kaibigan ko na teacher kumuha na daw ako habang fresh pa yung mga pinag aralan namin. Hesitant talaga ako so sa filing pa lang closer na sa deadline ako nakapagfile. Siguro mga 3 days na lang before the deadline. Pagkarating ko sa PRC nung nakita ko ang pila nakakadismaya. Parang walang ending. Grabe ang haba.. Punong puno ng tao puro mga nakapila. Parang ayaw ko na nga ituloy naisip ko yung kalahating step gagawin ko tapos babalik na lang sana ako. Pero nung nasa mga kalagitnaan na ako sabi ko tapusin ko na tutal andun na ako. Matiyaga akong pumila naghintay. Pagkatapos ko ng magfile pagkabasa ko iba ang major ko naging Social Studies well sabi nga nila yun ang major ko. Wala akong magagawa ayun na ang nakalagay eh. Aapila pa ba ako? Samantalang iba yung asa mindset ko dahil IT grad ako ang alam ko TLE ang major ko. Saklap anong kinalaman ng IT sa Araling Panlipunan? haha...

Sa kasawiang palad hindi ako nakapasok sa review center. Una wala akong pambayad. Kung meron man naisip ko na sayang yung pera. Masyado akong bilib sa sarili kaya pinanindigan ko na. Nung time na yun nagwowork ako sa tapsihan ng friend ko. So masyado ako busy. Wala na halos oras para makagala. Nagpaalam ako sa work ko na mag leave ako ng one week. Sa totoo lang po hindi ako nakapag review ng maayos dahil stress ako nung mga panahong yon. Nagpaalam ako sa friend ko na mag leleave ako ng 1 week sa work ko sa kanya. Pinayagan naman niya ako. Siguraduhin ko daw na papasa ako! haha.. 5 days wala akong ginawa kundi magbasa ng magbasa ng mga notes na naipon ko nung kumukuha ako ng units of education. Panay silip sa facebook dun sa sinalihan ko na group for review. Lagi kasi sila nagpopost ng mga questions at sinasagutan ko yun mentally tapos chaka ko titignan kung tama ang sagot ko. May sumasagot naman kasi. The more na madami sumagot pinepresume ko na lang na yun ang sagot na tama. Sa loob ng 5 days nagkulong ako sa kwarto ko. Basta nagbasa lang ako ng nagbasa hanggang parang naging tigang na utak ko na wala ng pumapasok. Panay din ako search sa internet. Wala akong book na reviewer sa major ko. As in wala ako talagang alam. Wala ako idea ano ang lalabas na tanong about don. Bahala na si batman.

Puro dasal ang ginawa ko nung mga panahong nagrereview ako. Lahat na ata ng santo natawag ko na sa sobrang kaba ko. Mga 3 days for the BLEPT lumabas ang room assignment. Sa Saint Joseph College ako na assign na school. Bago ang exam nung feast day ni Padre Pio pumunta ako don. Sa kanya ako humiling na tulungan niya ako. Nagsulat ako ng request letter pero hindi ko yon nahulog sa lagayan dahil di na ako nakabalik sa loob sa sobrang daming tao. Inuwi ko na lang yung prayer request ko naisip ko na nasa puso ko naman yon. Alam naman ni God ang minimithi ng puso ko.

Dumating na ang araw ng exam September 27, 2015 kompleto lahat ng gamit ko. Lapis Ballpen Rosary Divine Mercy Pamplet. at ang Skittles. Ang aga kong andoon ayaw kong malate delekado. Maghapon ang exam namen. Ang hirap ng exam lahat na laman ng utak ko nalimas. Parang natuyo ang ulo ko. Pero positive pa rin ang iniisip ko. Makakapasa ako!

Lumipas ang mga araw nakakakaba din pala ang paghihintay ng resulta! December na lumabas ang resulta! November lumabas ang result! Nakikibalita ako kung meron ng result nung mismong araw na lumabas ang result kachat ko yung mga classmates ko. Yung isa kong classmate na hindi pa nakapag take ng board siya yung panay chat at hanap ng mga pangalan ng mga classmates namen na nagtake. Sinabi na niya lahat ng mga names ng mga classmates namin na alam kong makakapasa. Sa pagkadismaya ko bumaba ako at sinabi ko sa pinsan ko na di ako nakapasa sa board. Tapos umakyat ako. Binalikan ko yung classmate ko sabi ko wag na akong hanapin dahil alam ko namang di ako makakapasa. Pero sabi niya ano ka ba pumasa ka din! Congratualations Ate Pet! hahaha.. Sabi ko pa sa kanya iscreen shot mo nga? At ginawa naman niya. Shocks nakita ko ang maganda kong pangalan! DALUSONG, ANNA MARIE S. Thank you Lord! Sabay baba ako sa sobra kong excitement! Sinabihan ko cousin ko na nakapasa ako! haha. Ayaw na niya maniwala. Ano daw ba talaga? Pasa o hindi? Sabi ko joke lang yung kanina. Para if ever na bagsak di masyadong masakit hahaha.. Ang saya saya sa feeling para akong lumutang sa hangin sobra. Naisip ko yung tita ko nung time na yon. Siguro kung buhay siya eh masaya din siya at proud sa akin dahil meron nanaman siyang napagtapos na may lisensya pa! Nung tinatawagan ko yung tita ko sa pampanga hindi sumasagot. Nalaman na lang niya sa mga kapitbahay namen. Nung nagkita kami tinanong niya ako. Pumasa ka daw sa board? Yes hahaha. Nakasabit. Salamat sa dasal mo ninang. :) Happy ka ba? oo naman happy. Pero hindi halatang happy siya hahaha. Nag aalala pa rin for sure. Kasi nga mahirap para sa akin ang maging teacher.

Noong una pa lang ipinagdasal ko kay Lord na tulungan niya ako. Bigyan niya ako ng tamang talino para makasagot. Inialay ko sa kanya ang exam na yon. Sabi ko Maiintindihan ko kung hindi ako makakapasa gamitin niya ako para makatulong sa iba. Hindi niya ako binigo nagbunga ang lahat ng sakripisyo ko.

Isa na akong ganap na GURO.

DALUSONG, ANNA MARIE SALVADOR ,RPT 

Dati pangarap ko lang na magkaroon ng letters yung pangalan ko. Like Dra. Atty. CPA. Eng. ngayon im proud na may letters na pangalan ko. Registered Professional Teacher. ehem.. yabang ko hahaha. joke lang po.

Sa lahat po ng nagdasal tumulong gumabay sa akin, Marami pong salamat! :)
Love Teacher Anna Marie :)