
bukas ay araw na ng kalayaan? aysus. malaya na nga kaya tayo? mukhang hindi pa rin. oo, malaya na nga siguro tayo sa mga mananakop ng ating bayan! hanggang pagunita na lamang yata tayo sa araw na ito. nakatali pa rin ang kamay ng bayan natin sa iilang mga opisyal nito. mismong namumuno kung minsan ay sinasakal ang kalayaan ng bayan.
isa ang PILIPINAS sa pinakakurap na bansa.
nakakalungkot isipin, minsan gusto ko na isuka ang bayang ito. pero mayroon pa rin namang maganda sa bayan na ito. alam kong andiyan pa rin si PAGASA para patibayin ang loob ng mga taong nais ng lisanin ang bayan.
lilisanin na ng ni Pangulong Arroyo ang malakanyang! masaya ka ba? ako medyo. may bagong uupo sa trono niya. pero ang malaking tanong eh magampanan nga kaya ng papalit ang dapat na ginawa ni P.Arroyo? paano maayos ang bayang ito? sa loob lamang ng 6 na taon? pagkarami kong tanong ano? bahala ka na lang sumagot. haha. teka nawawala na ako.
PILIPINAS kong mahal. BAYAN kong tunubuan. ano man ang mangyari alam kong kahit na anong trahedya ang dumating sa iyo eh kayang mong malampasan yan ang PINOY! prowd ako na PINOY ako! marami pa rin naman tayo maaring maipagmalaki sa iba. isang aspeto lang naman yang kurapsyon na iyan eh.
SULONG PILIPINAS .......... Umasenyo ka!!