Showing posts with label boyfriend. Show all posts
Showing posts with label boyfriend. Show all posts

Thursday, March 26, 2015

by the moment

I live by the moment... He teaches me that... 

May point lang talaga siguro sa isang relasyon ang ganito. Nangyari na ito dati. Bumalik lang ang pakiramdam. Pero mas pipiliin kong manatili at ipaglaban ang masasayang araw ko kasama siya. Ganun ko siya kamahal. Susuportahan ko siya sa lahat ng gusto niyang mangyari sa buhay niya. Hindi ko man makita sa ngayon ang pangalan ko na lumilipad sa utak niya at puso niya. Pasasaan bat babalik din ang ala alang merong AKO at siya sa isip niya. Handa akong harapin ang lahat ng hirap para lang sa kanya. Nabuhay ang puso ko dahil sa kaniya. Alam kong mas kailangan niya ako ngayon. Mas lalo pa ako dapat maging matatag! Lord help me to overcome this. Mahal ka namin pareho. Pinagtagpo mo ang mga landas namin. Naniniwala ako sa mga plano mo para sa aming dalawa.

Monday, February 3, 2014

A day for HIM to Remember


Dahil sa aking pagnanais na maipakita ko ang aking LOVE para sa aking boyfriend. Naghanap ako ng mga ideas na pwede kong gawin na alam kong ikakikilig niya. Medyo matagal ko itong pinlano para para maisakatuparan lang. it took me a month, search dito search don. Thank you kay pareng google. Talagang maasahan kita. Nung una naisipan kong gumawa ng short story sa blog ko na ako at siya ang bida. Pero parang walang dating para sa akin yon. Pangalawa, bibili ako ng jar na puno ng love qoutes na hand written ko. Naisip wala ring dating sa kanya. Bat di ko na lang kaya sabihin sa kanya ng harapan or itag sa facebook account niya.Tinawag kong #projectkilig ang aking ginagawa. Sa wakas nakahanap na ako ng idea. 101 Things What I Love About HIM. Dahil mahilig ako sa origami yung tshirt! yah. Tshirt cute kasi yon lalo na kapag iba iba ang kulay. Madami akong past issues ng magazine. Kesa bumili pa ako ng papel yon na lang ang ginamit ko para makagawa ng polo tshirts. Tinupi ko ang lahat ng tshirt na yon gumawa ako ng 100 pieces. Tinatawanan nga ako ng uncle ko ano daw ba gagawin ko sa  mga papel na yon. Nginingitihan ko na lang siya. hehe.
 
#polotshirts made of magazines

After ko makagawa ng mga yan sinulatan ko ang mga bagay kung bakit ko siya mahal na mahal. Isinampay ko muna sila at inistapler ko yung post-it note. And then viola! Natapos ko din siya. Namroblema nga lang ako paano ko ipepresent sa kanya yan at kung kailan.



Hanggang dumating yung isang araw na di ko ineexpect na kailangan ko na palang ihain ang aking surprise para sa kanya. Inilagay ko sa kwarto ko ang surprise doon ko isinabit sa pader. 

ito na po siya.



At inilagay ko ang stuff toy na anak anakan naming dalawa na si jopet sa ilalim niyan. Sinara ko ang pinto para hindi masyadong halata agad. Dumating na siya sa bahay, nakipagkwentuhan muna ako. Hanggang naligo ako at pagtapos kong maligo pinaakyat ko na siya pinauna ko na sa kwarto ko. Pag akyat ko ito na ang senario. 

yakap yakap na niya si jopet

Hindi ko na siya muna kinausap dahil busy na siyang baliin ang leeg niya para mabasa ang mga nakasulat sa wall. Pinanood ko na lang siya habang nagbabasa at pinicturan ko ng pinicturan at kumuha ako ng video. hehe. Nakita kong nag glow siya. Bigla na lang siya napapangiti minsan sa mga nababasa niya. Kunwari hindi siya kinikilig. Noong una dedma lang siya ayaw niya sabihin kung ano ang nararamdaman niya. Nahihiya siya na i express ang feelings niya nung time na yon.  Di ako sanay. hehe. Hanggang tinanong ko siya. Nagustuhan mo ba?? Speechless siya. Hanggang napilit ko siya na magsalita. At ang una niyang bungad. Nakakainis ka! hahaha... Nagtaka ako bakit siya naiinis sa akin eh ang purpose nun para mapa ngiti ko siya hindi para manginis noh. haha. Finally, He open up to me. Hindi daw niya ineexpect na magagawa ko ang bagay na ganito. Yehey. My #projectkilig is successful alam ko nararamdaman ko. Nakikita ko ang mga body gestures niya. Masaya siya noong gabing iyon. Nakuha ko ang pinakaaasam ko na geniune smile from him. Hindi ko yon makikita sa kahit na kanino sa kanya lang! 

P.S. sa mga naghahanap ng mga pwedeng gawin for there boyfriends pwede po ninyo gayahin ang concept na ito. Proven and Tested ko na po kasi ito. hehehe.




Friday, June 4, 2010

simply crazy lovestory version : 00000001

kumekembelar nanaman ang magaling kong boyfriend! bakit bumalik ang pagkasweet niya? akala ko dati unti unti na nawawala ang love ko sa kanya. di pa rin pala. basta lagi na lang kapag nagiging sweet siya sa akin, nakakalimutan ko na yung mga weaknessess niya na ipinapakita for past 4 years na kilala ko siya. i dont know why lahat ito nangyayari. ayoko na nga sana bumalik pa yung love eh. mas maganda kasi kung wala yun sa relasyon namin. mas alam kong hindi ako masasaktan bawat araw. paranoid pa naman ako. this past few days sobrang laki ng pinagbago ng pananaw niya sa buhay niya. hindi ko alam kung sino o ano man ang dahilan. ang alam ko lang masaya ako dahil nagkaganyan siya. pero kilala ko boyfriend ko. panandalihan lang yan. dapat akong maging ready sa lahat! laban kung laban. hanggang ngayon ayun masyado pa rin siya secretive sa buhay niya. sino nga ba ako sa buhay niya bakit hindi niya magawang i-open ang lahat sa kanya? girlfriend naman niya ako ha?

matigas ang ulo niya most of the time. basta personal life niya ayaw niya ikwento man lang sa akin. ang alam lang niya sabihin at pakialamanan eh yung salitang "kami at ikaw(ako daw)" parang ang bigat ng dinadala niya. sana alam ko. para man lang kahit di ko siya matulungan atleast mabibigyan ko siya ng mahiwaga kong advice diba? hindi bale lahat naman magiging maayos balang araw. matutuldukan ko rin lahat ng tanong ko tungkol sa kanya.

yosi... isang malaking issue namin lately aba eh sa hindi ko talaga kaya tigilan pa eh. bakit siya di rin naman niya kaya tumigil uminom ha? malaki daw ang pinagkaiba ng pagyoyosi at pag inom. pareho lang para sakin yun. natatakot nga ako pag umiinom yun baka kung sino na nakakainuman niyang babae. may tiwala naman ako sa kanya eh. pero sa mga babae sa paligid niya wala! kaya kayo girls naku pag madalas uminom bf niyo alamin niyo sino ang kainuman nila! baka nahihimas himas na yung mga bf natin di pa natin alam. hehe.. maige na maging wais kesa magsisi sa huli. nagsuggest ako na 3x a day ako smoke. every after meal ko sana. pero ayaw niya. pagtyatyagaan ko na sana yung 3x a day. pero ano ba choice ko? wala! :( nakakainis! humanda sakin yan may araw rin siya sakin.

abangan ang susunod na issue ng simply.crazy love story ko!