Showing posts with label viva apu iru. Show all posts
Showing posts with label viva apu iru. Show all posts

Monday, June 30, 2014

Apung Iru Fluvial Festival "Libad"

Isang festival na pinakaaabangan ko every year. The "Apung Iru Fluvial Festival" held at Apalit, Pampanga. Whos Apung Iru? Siya po si Saint Peter the Apostles. His the patron saint of our town. Tuwing June 28, 29 to 30, we celebrate our fiesta. Its a three day event where in on the 28th the patron saint was being procession at the pampanga river. 


Tuwing June 28 naghahanda ang mga kababario namen dahil sa araw na ito ang daan ni Apung Iru. Bisperas ng fiesta ang araw na ito. Kapag nagpaplano kayong makipamyesta sa amin. Magdala ng damit. Dahil tiyak may mga taong mambabasa sa inyo sa daan. Wag kalimutang ibalot ng plastic ang inyong mga cellphone. hehe. 



When i was a kid like them naranasan ko ang magswiming din sa pampanga river. May paniniwala ang mga matatanda na magiging malulusog ang sino mang maglublob sa ilog habang dumadaan si apung iru. Ngayong hindi na ako bata, nakokontento na akong tumayo na lang sa tabing ilog at abangan ang pagdaan ni Apung Iru at magdasal sa kanya kapag natanaw na siya ng aking mga mata. 

Sinusundo ng mga deboto si apung iru sa bahay niya. yes he has a house in capalangan. Kukunin siya doon at ilalagay sa simbahan ng apalit pampanga. From there dadalhin siya sa kanyang lantsa at iikot siya sa mga barangay ng apalit. Nagsisimula ang prosisyon sa ilog ng 12 ng tanghali. Pero sa barangay namin sa cansinala dumadating ang image ng past 3pm na. Dahil napakahaba ng mga pila ng mga bangka na sumasama sa prosisyon. At hindi rin naman ganun ka bilis ang pagpapatakbo ng lantsa ni Apung Iru. "Libad" ang tawag sa pagpoprosisyon kay apung iru sa ilog. Pagkatapos ng prosisyon ay ibinabalik siya sa simbahan ng Apalit. 

June 29 is the fiesta day! ito naman yung time na pumupunta ang mga deboto sa simbahan para makarinig ng misa. Buong pamilya o magkakaibigan kahit sino pwedeng pumunta ng plaza. Mula umagang misa puno ang simbahan sa plaza. Halos di mahulugan ng karayom. Kung may kasama po kayong mga bata. Ingatan sila. Sa paligid ng simbahan ay napakadaming mga nagtitinda. Lahat na ata ng kailangan mo ay meron kang makikita. Mga gamit sa bahay, damit, pagkain at marami pang iba!

June 30 araw na kung saan inihahatid na si Apung Iru sa kanyang tahanan. Ipinuprosisyon siyang muli sa ilog. Ibinabalik siya sa Capalangan Shrine. Pamanatad ang tawag sa paghatid sa kanya. Marami din ang sumasama na maghatid. Makikita mo sa mga tao ang galak sa kanilang mga mata sa tuwing nakikita nila si Apung Iru habang isinasakay siya sa lantsa ay sumisigaw sila ng "Viva Apung Iru"


Sunday, July 11, 2010

fiesta!


dahil prone sa pagkabasa ang cellphone ibalot na agad! wala akong pambili ng bagong cellphone! hehe. fiesta sa apalit, pampanga. mahilig ako mag-gala pag fiesta. lakad dito lakad doon. normally pag dadaan ka sa kalsada babasain ka lang! hehehe kaya mabuti na ang handa ka!

madami kaming bisita mga relatives na taga ibat-ibang lugar. busy busyhan ang lola mo sa pag asikaso sa knila. yung shoot na pic na yan tapos na ko tumulong sa haws. pumunta ako sa haws ng lola ko para makita ko sana ang mga cuzins ko pero wala naman sila yung isang tita ko lang na pasaway ang nasa haws ni lola. kinunan pa ako ng picture! kumusta na daw si snow white? balloon yan ng inaanak ko na si jamille. si snow white? ayun patay na! pumutok e.! hahaha.


kinabukasan pumunta kami sa st.peter church sa apalit, pampanga. for the first time nakapagsimba ako na nasa loob ng simbahan! mahirap pumasok sa loob ng church pag fiestang bayan ng apalit eh. nakapasok nga ako pero halos mahimatay naman ako sa init! pawisan ang buong katawan ko mukha lahat!.




grabe na lang ang belief ng mga tao sa imahe ni st.peter! nagpapapunas sila ng mga panyo nila sa santo. they find it miraculous! isa ako sa napasubo na pumunta sa nasabing imahe! 1st time ko ginawa na ipunas ang panyo sa kanya. i cant explain exactly what i feel right after i touch him using the hanky of my aunt. ako ang pumunta sa harap kasi matatanda na ang mga tita ko baka masaktan pa sila sa siksikan ng mga tao kung sila pa ang pipila.