Tuesday, June 15, 2010

Sakalan (Kasalan)


JUNE?? bukod sa pasukan meron pang isang bagay ang pumapasok sa utak ng iba. lalo na kung ang edad mo eh, nasa kalagitnaan na ng kalendaryo.

ano yun??

SAKALan.!!. ay este Kasalan pala.....

katulad na lang ng edad ko mga ganitong edad mejo nag-iisip na lumagay sa magulong buhay ng pag-aasawa. sa ibang normal na tao siguro. pero ako hindi ko makita ang sarili kong nakasuot ng gown na puti. maglalakad mula sa likod ng simbahan papunta sa harap habang naka-abang si Johnllyod. haha! kita niyo wala sa utak ko ang kasal. para kasi sa akin isa lang malaking pantasya ang pagpapakasal.

... i hate attending weddings. in fact, even my brother's wedding i didn't attend! (kasi ayaw ko yung asawa niya,pero nagustuhan ko na rin nung tumagal wala naman ako magagawa pa!) umattend man ako alam na alam mo. napilit, napilitan, sapilitan!

currently may bf ako pero kahit may bf pa ako o wala. ayaw ko na ng magpakasal pa kahit na kanino. pero malamang kainin ko rin ang mga sinasabi ko sa inyo ngayon! kahit gusto kong live-in lang di pede sa mga tita's ko ang live-in! ipapakasal at ipasakal nila ako sa lalaking sasamahan ko habang buhay! nag iisip nga ako magtanan. pero sa edad ko parang ang sagwa. 26 nako! ang alam ko kasi ang tanan ee pang 17 pababa lang.. :) sa tingin niyo?

pag kasal ang pinag-uusapan sumasakit ulo ko! tulad ngayon!.......

buti nga kung sakit lang ng ulo inaabot ko! tuwing may mga mini reunion sa amin. ako palagi ang napapansin! bakit ba kailangan pa nila ako tanungin kailan ako mag-aasawa? gusto ko nga sabihin na lang minsan na magmamadre na ako! pero alam ko namang walang maniniwala sakin. haha!! bad girl ako ee.! pero sa totoo lang versatile namang ang ugali ko! pede akong bad girl at good girl sa panaginip. joke! kung bakit kasi ako na lang ang walang asawa sa aming magpipinsan!

minsan may mga kamag-anak lang talaga kaming di mo mapigil ang bibig sa pagbato ng tanong sa akin. kahit na alam na nila kung bakit! alam na nga nila na may diperensya ako ee. tatanungin pa ako ng ganun. :(

isang araw sana mabago pa ang pananaw ko sa salitang KASAL.. alam kong kailangan kong magpasakal (haha.. kasal!) sa isang princecharming! nakakatakot din kasi tumanda na mag-isa. kahit na sabihin mong madami kang mga kaibigan, pamangkin, tiyuhin, tiyahin.... iba pa rin ang may masasabi kang ASAWA...

ASAWA ko wer n u? dito n me!

2 comments:

  1. sa palagay ko mababago ang pananaw ng isang tao sa kasalan kapag nahanap na nya yung taong super mahal na mahal nya. well yun e sa opinyon ko lang po.^_^

    malay mo i blog to iba na pananaw mo

    ReplyDelete
  2. i will rant it as soon na maramdaman ko yun! haha.. thanks

    ReplyDelete