Friday, June 4, 2010

simply crazy lovestory version : 00000001

kumekembelar nanaman ang magaling kong boyfriend! bakit bumalik ang pagkasweet niya? akala ko dati unti unti na nawawala ang love ko sa kanya. di pa rin pala. basta lagi na lang kapag nagiging sweet siya sa akin, nakakalimutan ko na yung mga weaknessess niya na ipinapakita for past 4 years na kilala ko siya. i dont know why lahat ito nangyayari. ayoko na nga sana bumalik pa yung love eh. mas maganda kasi kung wala yun sa relasyon namin. mas alam kong hindi ako masasaktan bawat araw. paranoid pa naman ako. this past few days sobrang laki ng pinagbago ng pananaw niya sa buhay niya. hindi ko alam kung sino o ano man ang dahilan. ang alam ko lang masaya ako dahil nagkaganyan siya. pero kilala ko boyfriend ko. panandalihan lang yan. dapat akong maging ready sa lahat! laban kung laban. hanggang ngayon ayun masyado pa rin siya secretive sa buhay niya. sino nga ba ako sa buhay niya bakit hindi niya magawang i-open ang lahat sa kanya? girlfriend naman niya ako ha?

matigas ang ulo niya most of the time. basta personal life niya ayaw niya ikwento man lang sa akin. ang alam lang niya sabihin at pakialamanan eh yung salitang "kami at ikaw(ako daw)" parang ang bigat ng dinadala niya. sana alam ko. para man lang kahit di ko siya matulungan atleast mabibigyan ko siya ng mahiwaga kong advice diba? hindi bale lahat naman magiging maayos balang araw. matutuldukan ko rin lahat ng tanong ko tungkol sa kanya.

yosi... isang malaking issue namin lately aba eh sa hindi ko talaga kaya tigilan pa eh. bakit siya di rin naman niya kaya tumigil uminom ha? malaki daw ang pinagkaiba ng pagyoyosi at pag inom. pareho lang para sakin yun. natatakot nga ako pag umiinom yun baka kung sino na nakakainuman niyang babae. may tiwala naman ako sa kanya eh. pero sa mga babae sa paligid niya wala! kaya kayo girls naku pag madalas uminom bf niyo alamin niyo sino ang kainuman nila! baka nahihimas himas na yung mga bf natin di pa natin alam. hehe.. maige na maging wais kesa magsisi sa huli. nagsuggest ako na 3x a day ako smoke. every after meal ko sana. pero ayaw niya. pagtyatyagaan ko na sana yung 3x a day. pero ano ba choice ko? wala! :( nakakainis! humanda sakin yan may araw rin siya sakin.

abangan ang susunod na issue ng simply.crazy love story ko!

4 comments:

  1. Sa tingin ko naman ate, mag-oopen up din cia sau kapag da more na mag-oopen up ka rin sakaniya. Actually quits lang kau pagdating sa bisyo niyo. Pero mas common kasi yung pag-iinom kaysa sa pag-yoyosi. Pero ayos lang yun. Both of you needs to be fair enough. Kung meron kang shinishare, sana mag-shishare di siya. Don't share anything kung ayaw niang mag-share. Give and Take lang yan.. Give ka ng give, take cia ng take, edi parang unfair.. :| kea un.. basta ate, malalagpasan niyo rin yan. Yan ung cnasabi nga nilang True Love ata.. ;)) hahaha.. the more na me pakialam sau partner mo, mahal ka lang talga niya.

    ReplyDelete
  2. Aww. Kilalang kilala mo na nga siya Sis. Hehe Parang sanay na sanay ka na sa ugali niya :D Love is unfair tlga haha :D

    ReplyDelete
  3. hehe di rin kasi talaga maganda para sa health natin ang paninigarilyo. Hindi man para sa kanya, gawin mo 'yang pagtigil para sa sarili mo. Nakakabilis ng pagtanda ang smoking. Sige ka. hehe. unti-untiin mo na lang ang pagtigil.

    I already linked to your blog already. Salamat sa pagdalaw. :)

    ReplyDelete
  4. hey Gian Paolo thanks a lot ha. 1 link by a friend will be a good help for me to establish a good traffic. :) gbu!. take care always. will take ur advice. i will kip u updated. :) haha..

    ReplyDelete