Tuesday, August 17, 2010

chimi-a-a me?

pwede bang hatiin ang katawan? ang dami ko kasi dapat gawin ngayong araw eh. hindi ako naglaba kahapon kasi linggo nga diba? so natulog na lang ako maghapon. :( kaya ngayon natambak ang gagawin ko sa bahay, sa mga hindi pa nakaka-alam masasabi kong ako ay isang spoiled bratt na chimiaa.. may sariling kwarto. hawak ang oras ng tulog at pagkain pag wala ang aking mga amo. may sariling laptop pera may dalawang cellphone na madalang makatikim ng load dahil tamad lumabas. pwede kumain ng kahit anong gustuhin. naku at marami pang ibang privilages. short ako po ay isang "palamunin na tao" dami ko gagawin gusto niyo malaman?

ito: maglilinis ng bahay! paliliguan si kurby aso ko yun sosyal katulong na may aso haha. maglalaba ng bed cover 2 yung sa isa kong amo at yung sa akin. magpaplantsa ng nilabhan ko. konti mang basahin marami yan pag ako ang gumawa. isama mo pa yung paglilinis ko ng ibunan at pagpapatae ko sa aking doggie.

gudluck petitay!

2 comments:

  1. hahaha. good luck! :-)

    http://ficklecattle.blogspot.com/

    ReplyDelete
  2. wahehehe, yah good luck sa akin :)

    ReplyDelete