Sunday, August 15, 2010

Memorable Dream

For the record lang ito kung sakaling makalimutan ko balang araw atleast naisulat ko sa akin munting blog na maaring makita sa mga susunod na mga araw. Nanaginip ako isang lalaki teenager kapitbahay namin. "EJ" ang pangalan niya. May itsura si EJ siguro kung teenager ako magkakacrush ako sa kanya. Pero sa tanda ko ng ito malabo na siguro haha. Lets go back sa panaginip. Sa bakanteng lote sa tabi ng bahay namin. Nagtatago daw ako sa sulok, gabi noon madalim wala akong makita. Bigla lang siyang bumulaga. at ang sabi "Ano tanan na tayo?" Nagulat ako assual sa panaginip. Nakipagpalitan ng mga salita sa kanya pero hindi ko na maalala kung ano ano ang pinagsasabi ko sa kanya. Pero isa lang malamang sa alamang ang punto nagpakipot ako. Sa tunay na buhay may isang nagtetext sa akin ilang buwan na rin iyon. jek ang name niya. ayaw niya magkipagmeet sabi niya matagal na daw niya ako gusto pero hindi naman niya magawang magpakita man lang isang beses sinabi ko na dumaan sa harap ng bahay namin. Ginawa naman niya! nung nagtext siya na dadaan na siya si EJ ang nakita ko. Kinulit ko nanaman malamang pinaamin ko! pero ang reply niya bahala daw ako kung ayaw ko maniwala. kaya mula nun di ko na gaanong nirereplyan yung lalaking yun! Napaka impossible naman kasi na yung itsura ni EJ eh magkagusto sa akin. Balik ulit tayo sa panaginip. after namin mag-usap sa dream ni EJ ini-sprayan niya ako ng perfume sa likod. di ko alam kung bakit. Ang naisip ko lang nung time na yun siguro para maalala ko yung amoy niya. yun lang po muna. What ever the meaning ayaw ko ng alamin panaginip lang yun hindi pwedeng maging totoo. Gusto kong mabuhay sa mundo ng gising hindi sa mundong tulog. Na ang gusto ko ang masunod at mag-isip ng gusto ko lang..

No comments:

Post a Comment