Friday, September 3, 2010

Nanay ko! "INDA"


birthday ng mama ko ngayon! di ko alam kung ilang taon na siya. alam ko lang date ng birthday niya september 10 di ko alam what year siya ipinanganak. dahil na rin siguro hindi ako lumaki sa puder nila ng tatay ko. kahit tatay ko di ko rin alam ang edad! pasensiya na po. pero kahit hindi ako lumaki sa kanila mahal ko naman sila! dahil sa ayaw at gusto ko magulang ko sila na kailangang mahalin at igalang. hindi ako lumaki sa isang tipikal na bahay na may nanay at tatay na. yung mga problema mo eh sinasabi sa nanay at yung tatay na over protective! hinahanap hanap ko yun dati, pero wala sila nung panahong yun. ha nevermind na lang pala. birthday ng nanay ko. susulat ako sa kanya pero alam ko namang hindi niya mababasa! hehe, di bale mahalaga mailabas ko lang feelings ko for her diba? ang alam kong gagawin sa birthday niya ay kung di ko siya matawagan at batiin ng "happy birthday inda" eh itetext ko na lang siya! may cellphone naman siya pero hindi rin ako umaasa ng reply dahil hindi naman siya marunong magtext! ang alam lang niya eh magbasa ng text at tumanggap ng tawag!

Inda,

Kumusta kayo jan? sana ay ayos lang po kayo lahat jan. miss ko na po kayo. gusto ko sanang umuwi eh kaya lang hindi na ako makabyahe dahil walang mag-aalaga ng mga ibon ko at kay kurby. hindi ko na po kayang ibyahe pa si kurby sa van, masyado na siyang malaki para buhatin at kandungin. siguro sa birthday ko di rin po ako makakauwi jan baka sa undas na lang po. Da, Happy Birthday sana po ay masaya po kayo ngayon. lagi ko po kayo ipinagdadasal na maging maayos ang buhay ninyo. ingat po kayo palagi jan. mahal ko po kayo. salamat sa pagiging nanay ko.

love, petite

napaka-casual ng sulat ko noh? oo nanay ko sinulatan ko. ganyan lang talaga kami. buti nga sa blog ko na ito eh nasabi kong mahal ko siya! never pa niya ako narinig na sinabi ko sa kanyang mahal ko siya. hindi kasi kami close. minsan sinusubukan kong makipagkwentuhan sa kanya ng mejo matagal tagal pero hindi rin siya makatagal kahit ako. ganun na lang siguro talaga ang relasyon naming mag-ina. basta ang mahalaga alam kong mahal niya ako at mahal ko din siya. :( KALUGURAN DA KA INDA! nung balu mo mu. :) gusto ko maglambing sayo pag kasama kita pero nahihiya ako. baka pagalitan mo kasi ako. hehehe..

No comments:

Post a Comment