Thursday, December 30, 2010

11 things about titay!

Grabe sorry mga ka-blog kung ako naglaho na lang na parang bula sa mundo ng blogospero. Hindi lang naman ako sa pag blog nagdisappear eh. Naging matamlay din ako sa iba iba ko pang mga account sa mundo ng sapot. madami akong hinanap sa sarili ko kinatamaran ko na gawin ang ibang mga bagay na palagi kong ginagawa. naghanap ako ng mga bagong bagay na ikasisiya kong gawin. pero talagang ito nga talaga ang bagsak ko. hindi ko matiis na i-check pa rin ang blog ko. kahit na alam kong hindi naman madadagdagan ang followers ko. sino ba namana ng susunod sa isang blog na walang laman kundi ang kwento ni titay?

dahil malapit na ng matapos ang 2010 eh nagdecide ako na maglista ng 11 bagay na bibihira lang ang nakaka-alam tungkol sa akin.

11. Careless - hindi halatang lapitin ako ng disgrasya! asahan mo kapag ako gumalaw o magtrabaho ng isang bagay may mangyayari sa akin. kaya alam na alam ng pamilya ko kung may ginawa ako. dahil makikita sa pasa na makikita nila sa katawan ko. mauntog lang kasi ng kaunti eh tiyak may pasa ka ng makikitang marka, na nagsisilbing senyales na may ginawa ako!

10. Sour Tooth - kung merong may sweet tooth malamang meron ding sour tooth. present! ako po yung mahilig talaga ako sa maasi. kahit na alam kong anemik ako! kain pa rin ako ng kain ng mga maasim na prutas. walang patawad ang dila ko sa maasim eh. kahit hilaw na sampalok na pang sinigang ayos yun sakin, santol, manggang hilaw, kamias. kaya madali akong magkapasa eh. hindi ko lang talaga matangal sa katawan ko yan. pero balance diet pa naman ata ako dahil sobra hilig ko din sa matatamis eh.

09. Cross-finger when sleeping - hindi ko alam paano ko na-aacquire ang mannerizime na ito. pag hindi ko nagpag-cross ang left na inliliit at ring figer ko hindi ako makakatulog for sure yan. tapos nakatagilid ako matulog! yung right hand ko nakasukbit sa damit ko sa ilalim ng baba ko. ewan ko ang lakas ng trip ko noh? haha. pagpasensiyahan na lang. kanya kanyang trip yan. ikaw ba ano trip mo?

08. Coinbanks Forvever Empty - mahilig akong bumuli ng mga coinbanks! pero never mo itong makikitang puno! sa una lang may laman pero pag feeling kong kalahati na susungkitin ko na ang laman hanggang sa tamarin na akong maghulog o ibalik kung magkano man ang kinuha ko. wallet lang ang silbe ng mga alikasya ko. dapat ata wallet na lang ang binibili ko imbes na alikansya.

07. Simcard Collector - madami ng dumaang simcard sa buhay ko, salawaan ako. hindi ko alam kung dumami hehe. pinakamadaming sim na dumaan sa kamay ko eh sun cellular simcard nauuwi sa na dedeactivated dahil hindi naloloadan. currently meron akong (1) sun, (2)smart, (1) globe at (1) tm. sana naman makapagbawas na ako ng simcard nextyear!

06. Ate ka ba? - madalas nagkakamali ang mga relatives namin sa aming dalawa ng kapatid kong bunso. tawagin mo nga si kuya nhad mo. awts! anong kuya bunso siya kuya? ay sorry yan na lang ang nasasabi nila. hehe. dahil ba yun sa height namin o dahil mas bata ako kumilos sa kanya?

05. TV???? - ano television? hmm. sa pamilya namin ako ang hindi mahilig sa tv. mabubuhay ako ng walang tv! makita mo man ako manood minsan yun ay dahil pinauupo ako ng mga tita ko para samahan ko silang manood sidetrip ng kwentuhan, minsan kung yung kausap ko eh nanonood ng tv mapipilitan akong mapanood ng wala sa oras pero for sure lumulutang ang utak ko!, news lang ang madalas kong panoorin sa tv! kahit dvd movies hindi rin ako marunong manood. lalo pa sa sinehan! once a year lang ata ako makapanood sa mga movie house minsan hindi pa.

04. i love clutter! - trip ko ang kalat kung minsan makalat ako sa kwarto ko. pero may time na kapag naglinis naman ako sobra as in lahat ng alikabok di pwedeng mabuhay. moody ko noh? kung may taong mahilig sa kalat at linis ako yun.

03. Radio Person - kung meron man ako tinututukan radio yun! bago ako matulog radio ang kausap ko! pero hindi naman ako napapatulog ng radio eh. ala lang gusto ko lang may naririnig ako sa tenga ko habang naghihintay kay hari ng tulog na dumating!

02. White Shirts - most of my shirts na pang-lakad at pang bahay kulay puti. burara ako sa lagay na yan ha. ewan ko hilig ko talagang magsuot ng white. siguro para na rin pagtakpan ang kaburaraan ko sa buhay! sumunod na kulay ng damit ko eh dilaw! paborit ko kaya yellow. yung mga tita ko kapag binibilhan ako ng damit dilaw lagi kasi yun ang alam nilang favorite kong kulay eh. karamihan ng t-shirt ko ay white na watever t-shirts. mura lang kasi ang watever hahaha!

01. Kamot Sari - kaya kong kamutin ang buong likod ko. pati hilurin kaya ko. hindi ko na kailangan pang bumili ng stick na pangkamot sa likod ko. flexible ang mga kamay ko noh. kaya ko nga idikit ang thumb ko sa wrist ko na walang awang na makikita eh. siguro bali na daw ang buto ko kaya kaya kong gawin yun. baka nga naman.

ayan 11 na bagay na sana makilala mo ako ng kaunti. sisikapin kong makapag blog ng madalas sa 2011 pero hindi ako nangangako ha. mahirap na baka mapako. hihi.. salamat po sa panay pagdalaw sa aking blog. more power sa ating lahat! Happy New Year sa ating lahat. mahal kayo ni titay! mwah! God bless always..

No comments:

Post a Comment