Saturday, January 21, 2012

blessings in disguise

Napakadaming nangyari sa akin last year! hindi ko na nga halos nablog ang nangyayari sa akin. siguro dahil na rin sa katamaran kong mag-internet! May dalawang nangyari na sobrang tumatak sa utak ko at pinaramdam sa akin ang sobrang sakit. 
  • November 25,2011 Nawala si Niyoo (cat) nung nawala siya bumagsak ang buo kong katawan. nawalan ako ng gana sa buhay. kahit yung mga kasama ko sa house nabahala sa nangyayari sa akin. halos hindi na nila alam paano nila ako makakausap ng matino. sa sobrang pag-aalala nila. sinubukan din nila akong ihanap ng bagong pusa na aalagaan ko. pero hindi umubra. kung hindi lang siguro ako pinagalitan at sinindak ni mama hindi ako babalik sa dati. narealize ko na kahit pala makulit ako minsan mas gusto nila yun kesa yung tumahimik ako at wala silang marinig mula sa akin. 
  • December before christmas may nakapa akong mga bukol sa breasts ko. natakot ako sa sobrang takot ko kahit na ayaw kong magalala sila mama sa akin sinabi ko pa rin sa kanila. natakot akong baka may cancer na ako! 
marami akong natutunan sa mga nangyaring ito sa akin. una wag masyadong maging attach sa isang bagay! maging hayop man bagay o tao, kaya lang naman naging ganon na lang ang reaction ko sa pagkawala ni niyoo kasi hindi ko nakita na patay siya eh. para sa akin kasi mas madaling tangappin na nawala ang isang buhay na makita mo siyang patay kesa mawala na hindi mo alam kung buhay ba o patay na. natuto akong kumapit sa Diyos. ipinagpasa Diyos ko ang lahat ng naranasan kong ito. hindi ako binigo ng Diyos siguro sinusubukan lang niya ang katatagan ko! 

"Itinatago ng Diyos ang biyaya niya sa mga bagay na mahirap tangapin, tinitignan niya kung kaya mong ipaubaya sa kanya ang nararamdaman mo. kapag nalaman na niyang kaya mong tangapin ang kaloob niya. IBIBIGAY NIYA ANG SIGAW ANG PUSO MO"

Ngayong taong 2012 nakita ko ulit si Niyoo, isang umaga hindi ko alam bakit ko naisipang magbike. nakita ko siya sa isang malapit na street sa amin. nakaupo lang siya sa kalsada. nung una nagdududa pa ako kung siya nga ang nakita ko. pero nung bumaba ako at dakmang hahawakan ko na siya. hindi siya nagpumiglas si Niyoo nga. yung ibang pusa kasi pag hahawakan mo. papalag siya kasi hindi eh. kaya agad ko siyang inuwi sa bahay sinakay ko siya sa basket ng bike ko! at ngayong year ko din nalaman na healthy naman ang aking mga breasts. wala silang cancer. vitamins lang ang binigay ng doctor ko. 
GLORY TO GOD! 

No comments:

Post a Comment