Friday, January 11, 2013

December Love Story

It would be the perfect crime if I stole your heart and you stole mine.

One night nagutom ako. Hindi ko na maalala yung date basta december yun. Usually sa tapsihan ako pumupunta kasi mabilis at subok ko na ang service nila, at mejo kilala ko na rin yung mga tao doon.. Dati halos araw araw akong kumakain noon doon nung wala pa sa house yung cousin ko at yung anak niya. Bigla na lang nung gabing nagutom ako. pumunta ako doon bumili ng pagkain. binati ako ni mam see "Hi petite kumusta? ano order mo?" hmmm... tocilog ateh. ok teka lang ha. upo ka muna. cgeh lang ateh. nginitihan ako. petite si raymond pala kasama namin dito. Mon si petite customer natin. Napangiti na rin ako nung tinignan kong mabuti yung guy. infairness may looks ha. naconscious ako bigla sa suot ko. ang panget pala ng suot ko hahaha. wala naman kasi akong plano talagang lumabas at kumain. naman! habang naghihintay ng order ayun mejo tinitignan ko si raymond. actually nung time na pinakilala siya yung pangalan niya talagang wala sa isip ko. parang di ko naman pansin yung senario na yun. kasi lumulutang na utak ko sa gutom. cute nga siya ang tanong like ba ako nun? kaya hinayaan ko na lang. hanggang sa nakuha ko na order ko at umalis. nalimutan ko na siya ng mga nakalipas na araw pa. 

Hanggang sa dumating yung araw na hindi ko ineexpect na dumating. Umattend ako ng Christmas party sa office. Nanalo ako ng TV. Flat at may home theater pa! sa sobrang excitement nagutom nanaman ako. at alam mo na doon pa din ako pumunta dahil ala una na yun alam kong gising pa din sila. Pero wala naman sa utak ko si Raymond. as in nabura na siya sa aking memory.. Pagdating ko doon gulat sila. kasi nakasanta costume pa din ako yung suot ko sa party pero wala na yung hat xympre. hehe.. hanggang napakwento ako sa mga people doon. na yun nga nanalo ako ng tv.  natuwa sila nagyaya sila uminom. susme. akala ata nila tungera ako. ilang beses na akong niyaya ni hanah yung nagpapaload doon lagi akong umaayaw. ewan ko ba bakit nung gabing yun pumayag ako sa gusto nila. naisip ko sa excitement ko alam ko naman na di ako makakatulog din. sabi ko uwi na ako at babalik. pero wala silang tiwala. pinahatid ako ni mam see sa house kay raymond at siguraduhin daw niya na babalik ako doon.. eh ang mokong pumayag nga. ano pa lusot ko? kahit na magback out ako hindi na pwede may bantay na. habang lumalakad pauwi ng house grabe ewan ko kinabahan ako hahaha. yung kasama ko nga pala yun yung nacutan ako. tinanong ko siya ilang taon na. 19 daw. sus. kabata pa pala nito. madedemanda ako ng child abuse. kaya ng kalma ako alam kong hindi talaga kami pwede. hanggang nakarating kami sa house. pinapasok ko siya sa house namin. ewan ko bat palagay ang loob ko sa kanya. nung una ayaw niya pero naginsist ako na pumasok baka makita siya ng neighbors namin. pumasok naman siya. hanggang nagpalit ako ng damit ko. nalock pa ako sa room ng tita ko dahil nalimutan kong sira nga pala yun. buti na lang andon si raymond tinawag ko at pinabuksan. ayus na tapos bumalik na kami sa tapsihan. 

Nagsimula ang inuman. hanggang sa tinukso na nila ako kay raymond. sumasakay naman siya. hahahaha. sa pagtukso tukso nila at dahil bangenge na din kami. pinatulan ko na rin ang mga gatol nila. naging kami ng wala sa oras. December 19, 2012 lumipas ang umaga madami akong nalaman sa taong di ko inaakalang magkakaroon pala ng malaking impact sa buhay ko ngayon. nabaitan ako sa kanya. he is charming for me. pero nakakatakot din na mahalin dahil nga hindi naman siya panget at alam kong may magkakandarapa sa kanyang mga mas magagandang babae. sa oras na yon hinayaan ko na lang kung ano ang dapat manyari. umuwi ako ng house ng may ngiti. inisip ko hayaan ko na lang. atleast meron na akong insperasyon diba? for 4 years hindi ako ng boyfriend. nasabik din siguro ako sa feeling na merong bf. at sa araw na yon nagsimula ang lahat.. dumaan ang pasko at bagong taon hanggang ngayon. magiisang buwan na kami. 

Masaya akong nakilala ko si Raymond. hindi ko pinagsisihan na nagustuhan ko siya nung una ko siyang nakita hanggang ngayon. kung dati pinipigilan ko sarili kong mahalin siya iba na ngayon.. kahit gusto ko pang pigilan wala na. hindi ko na rin kaya pa. Pinilit kong maging bakal ang puso ko for 4years. Hindi ko alam, gawa pala siya magnet. hahahaha... ito ang lovestory namin ni mon. Yam ang tawagan namin na binigay ng mga friends namin pero beh ang tawag ko sa kanya. 

kinuha ko yan sa fb niya sssssssssh.... wag kayo maingay ha? hehe..



No comments:

Post a Comment