Friday, August 16, 2013

Ang Pagbabalik ni petitay


Lahat ng bagay sa buhay masama. Totoo yon. Gaya na lang ng sobrang katamaran kong gumawa ng post sa aking munting blog. Sa sobrang tagal ko na hindi nakapagpost eh halos hindi na ako makilala ng mga fans ko. Parang ang dami ninyo noh? Nagfefeeling lang po. I get some feedbacks na bakit hindi na daw ako nagbablog? One of my friend blogger message me one time in my formspring.me account. Kahit daw hindi siya masyado nagpaparamdam bumabalik balik daw siya sa blog ko at naghihintay ng mga post ko. Naisip na nga daw niya na i shutdown na ang kanyang blog. Noong nabasa ko yon. Naisip ko na may nagbabasa nga talaga ng blog ko. Minsan kasi may time na tatamarin akong ikwento pa ang aking buhay sa iba. Mas pinipili ko pa minsan na kimkimin ang mga nararamdaman ko. 

Masarap mag blog. Naging outlet ko ang bloging world noong mga panahong kailangan ko ng kausap. Sa kanya ko nabahagi ang mundong ginagalawan ko. Ginawa ko ng diary ang blog ko. Minsan kapag malungkot ako binabalik balikan ko ang mga dati kong nasulat. May mga oras na napapangiti ako at meron ding araw na bumabalik ang mga mapapait na alala sa buhay ko. Pero isa lang ang alam ko. Bawat mabalikan kong mabasa sa blog eh nakikita ko ang unti unti kong pagbabago. Marami na nga siguro nagbago. Sa mundo natin ngayon lahat instant! Magtaka ka na kung wala pa ring nagbabago sa buhay mo. 

Babalik na po si petitay sa mundo ng mga blogero. Bow. Huwag sana kayong magsawang bumabasa, makitawa, mamangha, umiyak, maglakwatsa, tumuklas kasama ko sa simpleng mundo na meron ako, salamat po. 

Babalik na po akong muli sa mundo ng mga blogero! :)

No comments:

Post a Comment