Sunday, May 23, 2010

Work wer na u dito na me!


Dahil sa sobrang prostrated na magkawork sinasamantala ko pag meron akong load sa net. Paminsan-minsan lang kasi ako may load. Syempre! wala naman akong datung. Pera nila mama ung pinambibili ko ng load sa net. Pati nga minsan yung pangyosi ko. hehe. nakakahiya pati bisyo ko! ('Wag ka maingay!).

Isang gabi, kinarir ko na ang pag-aaply sa mga job engines na available na kaya ng powers ng connection kong sobrang bagal. Pasok ako sa jobstreet.com pero wala gaanong job vacancies na encoder. Kung meron man. sus me! with pleasing personality. Pag nakakakita na ako niyan di ko na tinutuloy ang pag-aapply ko para saan pa? Alam ko naman ang tingin sa akin ng ibang tao! hehe... bakit nga ba di nila makita ang angkin kong kagandahan. (eepal ka? di pede!) Dahil nga wala sa jobstreet.com punta naman ako sa jobsdb.com.ph mejo ok naman kaya lang kinailangan ko pang gumawa ng account ko sa jobsdb.com.ph dahil first time ko pumasok sa site nila. After, nagawa ko na nga ang account. hala sige browse lang ako ng work. (office staff, encoder, graphic artist etc. basta kaya ko). Ang dami ko pinagbigyan. Mga 12 companies po. dami noh? mas ok na yung madami! Madaling mamili sa ididisregards. Joke lang. Ako nga pala ang palaging disregarded. haha.!

Friday afternoon... (papunta ako simbahan para magsimba) teka nililinaw ko lang di ako santa ha. :) nagsisimba lang talaga ako pag feel ko pag di ako sinasabihan ni ninang at mama. Tumawag yung isa sa inapplyan ko. Quickdata Management Inc. Yung company nila. Inunahan ko na yung employer! Sinabi ko kung ok lang na may defect nga ako. Tapos ang tagal niya bago ako sagutin ulit tinanong sa boss niya siguro. Pagbalik ok lang daw. Ayun denescribe pano ang pagpunta. Ano ang kailangang dalhin ko for exam and interview. Asahan daw ako sa monday 9am.

Monday morning, pumunta ako sa makati. palanan makati ang address ko. di ko alam bat sa salcedo village ako pumunta hahaha!! tanga ko talaga.. akala ko kasi minsan basta makati sa salcedo lang yun. hahaha!! anyway, nakita ko naman ang address nila. pero mejo malaki ang pamasahe papunta pa lang sa office nila. buti na lang maaga ako umalis ng house kaya kahit na naghanap ako ng office nila di ako late. maaga ako sa takdang oras na binigay sakin. 9am nga usapan eh 8am pa lang andon nako. well, 1 hour ako naghintay don sa baba. buti pinapasok ako nung isang empleyado don.

........... fill up ko application forms nila then deretcho exam tapos typing test. encoder nga diba? after non tapos na kinausap na ko ni ms. ammm.. nakalimutan ko name niya. sorry mam. :) sabi niya base sa nakita niya qualified ako. tawagan na lang nila ako kung kailan ako start.

nakahinga ako ng mejo maluwag. mejo nga lang minsan kasi ganun din sinasabi sakin ng ibang employer eh. sabi sakin with in next week tawagan nila ako.

lumipas tuesday to sunday. walang tawag!

monday naisipan ko tumawag sa kanila. finafinalized pa daw kung sino ang i-oorient at kung kailan. tawagan na lang daw ako with in this week. ah ok mam. thanks po.

kinakabahan ako! di ko alam sana naman po. 'wag ako paasahin sa wala nung employer na iyon. pero umaasa pa rin ako na maging ok ang lahat.

Hoping this week may update pa ako sa inyo about my job search..

Work! soon?

No comments:

Post a Comment