Thursday, June 10, 2010

Philippine Independence Day


bukas ay araw na ng kalayaan? aysus. malaya na nga kaya tayo? mukhang hindi pa rin. oo, malaya na nga siguro tayo sa mga mananakop ng ating bayan! hanggang pagunita na lamang yata tayo sa araw na ito. nakatali pa rin ang kamay ng bayan natin sa iilang mga opisyal nito. mismong namumuno kung minsan ay sinasakal ang kalayaan ng bayan.

isa ang PILIPINAS sa pinakakurap na bansa.
nakakalungkot isipin, minsan gusto ko na isuka ang bayang ito. pero mayroon pa rin namang maganda sa bayan na ito. alam kong andiyan pa rin si PAGASA para patibayin ang loob ng mga taong nais ng lisanin ang bayan.

lilisanin na ng ni Pangulong Arroyo ang malakanyang! masaya ka ba? ako medyo. may bagong uupo sa trono niya. pero ang malaking tanong eh magampanan nga kaya ng papalit ang dapat na ginawa ni P.Arroyo? paano maayos ang bayang ito? sa loob lamang ng 6 na taon? pagkarami kong tanong ano? bahala ka na lang sumagot. haha. teka nawawala na ako.

PILIPINAS kong mahal. BAYAN kong tunubuan. ano man ang mangyari alam kong kahit na anong trahedya ang dumating sa iyo eh kayang mong malampasan yan ang PINOY! prowd ako na PINOY ako! marami pa rin naman tayo maaring maipagmalaki sa iba. isang aspeto lang naman yang kurapsyon na iyan eh.

SULONG PILIPINAS .......... Umasenyo ka!!

10 comments:

  1. ola! nag gagala na naman si dark kaya muling napadpad dito.^_^

    oo malaya tayo sa pananakop ng mga ibang nasyon tulad noon pero sa ibang bagay ay nakakulong pa din tayo. hindi lang pansin ng iba dahil nasa modernong panahon na tayo, pero simula pa noon hindi pa tayo nakakalaya. -iyan ay sa opinyon ko lamang. ^_^


    at tama ka maraming bagay pa din naman ay maganda pa rin ang Pilipinas.

    ReplyDelete
  2. Mabuhay ang Pilipinas.
    May pag-asa lalo na kung ikaw at ako ay magtutulungan para sa pag-asang 'yan.

    Mabuhay ka rin Anna

    ReplyDelete
  3. muntik na akong mapa-himig sa last part na may "PILIPINAS KONG MAHAL", akala ko kakanta ka. hehe.

    ReplyDelete
  4. Halu Petitay! May pag-asa p basta't tayong lahat ay magtulungan...pwede pang irenovate ang PIlipinas hehehe...

    Salamat sa dalaw! Pagkatapos nito ay i-follow n kita hehehe...

    Ingatz!

    ReplyDelete
  5. PAGASA?! di ba para sa panahon yun? kun sabagay, panahon lang makakapagsabi kun san mapupunta ang Pilipinas...

    Nice post! Following you now... =)

    ReplyDelete
  6. @darklady mabuhay ka! dahil isa ka sa nanalig na may mangyayari pa kay PILIPINAS!

    @Jkulisap naku po sasali po sana ako sa iyong kontest kaya lang po ee. hindi ko pa mapagana ang aking diwa. haha. .salamat po sa pagdalaw...

    @goyo wahehe. kanta nga sana ako e. pero dumating ulit si ONdoy di ko na lang tinuloy. :)

    @Jag tama sana nga po mafully furnished na si PILIPINAS! salmat sa pag follow.

    @Stone-Cold Angel as long na may isang Anghel na katulad mo sa pilipinas, dadating si Pag-asa. :)

    ReplyDelete
  7. petitay hanggat my buhay my pag asa! ahahhaha..
    tnx 4 adding me up pla.

    ReplyDelete
  8. go pinoy! :)

    napadaan... salamat sa pag follow :)

    ReplyDelete
  9. thanks for following :)

    honestly, i'm surprised that someone wants to read my blogs. anyway, can i ask you something? how did you find out about my blog? thanks again!

    ReplyDelete
  10. happy na independence pa. =)

    kalayaan? lols

    ReplyDelete