Thursday, June 24, 2010

Tata (tatay ko)

Siya si Benigno Dalusong Jr. siya ang tatay ko! yun lang hindi ko siya gaanong kilala eh! hindi ako lumaki sa puder nila ng mama ko. nung 5 years old kasi ako kinuha na ako ng mga tita ko. (mama & ninang) dahil hindi nila ako kayang ipa-opera. mula nun di na nila ako kinuha pa sa mga tita ko. till now. wala silang ginastos sa akin. lahat yung tita ko gumastos sa lahat ng needs ko. may natatandaan ako sa kanya nung asa kanila ako. yung sinturon niya! hahaha. nag-away minsan yung 2 kong kapatid si kuya lon and nhad. ayun pinalo niya silang dalawa. never ako napalo ng papa ko! dahil na rin siguro di naman kami magkasama. :) mabait naman ang tata ko. madaling hingan ng pera. pag umuuwi ako sa pampanga kapag may okasyon. hinahayaan naman ako ng mga tita ko na pumunta sa amin. kahit na nasa kanila ako. hingi ako pera pambili kendi magbibigay naman siya agad. hehe. yan ang tatay ko. sorry po. wala po akong gaanong alam sa tatay ko eh. yung iba kasi negative ayaw ko namang sabihin. hassle! proud ako na tatay ko siya.

Dear tata,

Happy Father's Day. tinext ko si nhad na ibati ako sayo. ewan ko lang kung ginagawa niya haha. anyway. salamat sa lahat lahat. :)

i love you tata!

'love petite



this was taken new year's eve 3 years ago, can't recall ee. nagpasama ako kina tata and inda dahil wala sila mama and ninang nasa japan ako lang ang nasa house non.

2 comments:

  1. iba-iba talaga ang istorya ng pamilya. kahit na di kayo laging magkasama,swerte ka pa din, kasi may tata ka, yung iba wala na.. Take care!

    ReplyDelete
  2. oo nga friendship. :) thanks. love my dad so much!

    ReplyDelete