Monday, July 12, 2010

rason ko

Nitong mga nagdaang mga araw hindi ako gaano nakakapag-update ng blog ko. Kung nakaka online man ako sandali lang mas inuuna ko i-update ang aking facebook ko at twitter over my blogger account.

Mga iilang rason kung bakit hindi ako nakakapag update ng blog ko:

  1. Umuwi ako ng pampanga 2 days ako doon walang internet doon. May laptop man akong dala wala akong wireless connection! Walang silbe noh?
  2. Pag kabalik ko ng pasig wala akong madaming pera na pambili ng load sa net! Wala akong extra allowance sa house. Kung magkakapera man ako hihintayin ko pang magbayad ang tenant ng apartment. Lagi pang late kung magbayad ng rent!
  3. Nagkapera man ako at may capability ng bumili ng card, tinamad naman akong magsulat!
  4. Nawili ako sa paglilinis ng house dahil akala ko mapapa-aga ang balik ng mga tita ko at ng tito ko.
  5. Unexpected dumating sina mama at tito. Buti na lang at nakalinis ako ng maaga! Naging busy ang lola mo sa pag asikaso sa mga kailangan nila. 4 days kaming naglibot kung saan saan. Madaming inasikaso pumunta ng mall, bank, money changer etc. madami pa. ayaw ko ng maalala ang araw na ito.
  6. Ang daming nilabhan ko halos mapilay na nga daliri ko!
  7. Tinuruan ko ang tito kong mag text binilhan namin siya ng cellphone para makontak siya ng kaibigan niyang hapon din.
  8. Nagpunta ako sa bahay aking matalik na kaibigan! Dahil aking napagtanto na taon na ang nakalipas nung huli kami nagkita. Kung hindi mo pupuntahan yun di ka naman niya dadalawin sa bahay!

Ayan na detalye ko na ang iilan kong ginawa habang ako ay invisible sa aking blogging life!. Naging abala din ako sa pakikipagkulitan sa mga chatter ng MIRC. Wala pa rin silang pinagbago malilibog pa rin sila! Nakakainis sana naman merong mga chatter na hindi ganoon. Hindi naman kasi malilibog gusto kong kausap. Para sa akin walang kwentang makipag-usap sa mga taong ang nasa utak lang ay kalibugan! Sa kasalukuyan ay nagpapahinga na ang aking diwa wala nanaman kasi akong kasama ngayon sa bahay. Nakapagrelax na ako ulit. Nagsosoundtrip ako ngayon. ‘wag na ninyo itanong anong genre ang pinakikingan ko. Pagtapos kong gawin ang entrying ito asahan na ang aking paglabas sa terrace at ang pagpuff ng yosi. Hanggang dito na lang muna mga kaibigan.

4 comments:

  1. wahahahahaha. natawa tuloy ako. eh bkit kasi sa MIRC ka nagchchat dapat sa camfrog..mas malilibog tao dun. bwahahaha. joke..

    ^_^ apir

    ReplyDelete
  2. waaaaaaaaah! camfrog! bakit? doon ka ba lagi? hihihi... mwah! adik ka kiki. lols.

    ReplyDelete
  3. daming bloggers na taga-Pampanga a--likas na ata sa kanila ang pagiging writer. hehe....oi. di mo naman kailangan ng maraming pera para rent ah...san ka ba nagrerent? baka sa Shangrila Hotel pa ha.lol

    ReplyDelete
  4. @pusang kalye hehe. hindi po ako nagrerent. :) nakaita ako sa haws ng tita ko.

    ReplyDelete