Sunday, August 22, 2010

just for a wish


may nakapagsabi sa akin na kung gusto ko daw mag wish sa star pwede at matutupad! kaya lang sa isang kundisyon dapat daw isa isang star lang ang nasa langit! pero parang napaka-imposible diba dahil alam naman nating pagkarami rami ng mga stars sa langit!

sa bahay namin paborito kong lugar ay ang roof top dahil mahangin, presko kung baga sa buong bahay dito ako madalas. malungkot, masaya, o ano man ang nararamdaman ko. madalas akong nakatingin sa kalangitan na nagbabakasakali na may makita nga ako ng natatanging bituin sa langit. mga ilang beses na rin akong nakakakita ng nag-iisang star sa langit pero sa tuwing nakakakita ako nito naniniguro ako na wala nga siyang kasama. sa paghahanap may nakikita nga akong mga kasama ang bituin maliliit sila pero kahit na maliit nakikita ko.. kasi nga sigurista ako. baka mamaya eh humiling ako may kasama naman pala. mukha naman akong timang noon diba?

hindi ako nawalan ng pag-asa basta sa tuwing asa roof top ako tumitingin ako sa langit! nagbabakasakali nga diba? malay mo. isang gabi malungkot ako nun.. umakyat ako sa roof top kasama ko si kurby pinatae ko siya nangungulit kasi sa totoo lang ayaw ko talagang umakyat nung time na iyon dahil nakakatamad! dahil sa pamimilit at pag-iyak ng aso ko napilitan ako. habang hinihintay kong matapos tumae si kurby. may nakita akong isang star. ang laki niya! so naghanap ako ng ibang star.. pero wala akong makita na iba pa! bigla ako sumaya. nabuhayan ako ng loob. nawala bigla ang pagkabadtrip ko sa araw na iyon. habang naghahanap nag imagine na lang ako na meron pang star na maliliit eh! pero wala talaga so nagdecide na akong mag wish na. moment ko na ito..! yehey!

pinikit ko ang mata ko. at humiling na "sana magkaroon na ako ng maganda at maayos na trabaho"

natapos akong humiling sa star! wala akong nakitang ibang star sa paligid! marami pong salamat Lord. pagbibigay sa akin ng munting pag-asa! try niyo minsan....

2 comments:

  1. siguro wala mang scientific basis yan, ang pojt naman eh namomotivate ang taon. Try ko din po ito minsan :)

    ReplyDelete
  2. @Renz. wala masama kung subukan. nasa pananampalataya yan hehehe.. :) pero ako nung nagwish ako wala talaga ako nakitng iba bukod sa kanya. malaki siyang star.. habang naghahanap naghahalusinate ako na meron ngang iba pang star kahit wala. hahaha.

    ReplyDelete