Saturday, September 25, 2010

seeing a falling star friend

bata pa lang ako naniniwala na ako sa falling star! pero ni minsan hindi pa ako nakakita nun sa tanang buhay ko! yung ibang mga tao sa paligid ko tinatanong ko sila ano ba pakiramdam kapag nakakita ka ng falling star? sabi nila madalas wala lang. tinatanong ko din sila nag wiwish ba sila. at kung natutupad ang mga hiling nila sa munting bituin na bumabagsak. ang iba sabi nila oo natutupad ang iba naman hindi. naisip ko siguro nasa paniniwala na lang yun ng humihiling!

... isang araw masama ang pakiramdam ko! ang alaga kong aso ang inggay sa likod ng bahay kasama ng mga ibon ko. dahil masama nga ang pakiramdam ko. pinuntahan ko siya at tinignan kung ano ba ang problema niya at pagkaingay ingay niya. yun pala natatae siya nasa taas na kasi ng spiral stairs papuntang roofdeck ang dalawa niyang mga paa. ibig sabihin eh umakyat daw kaming dalawa at tatae na siya. pinaakyat ko siya! ang tagal niyang gumawa ng retwal niya. napatingin ako sa taas. mahilig akong mag star gazing sa rooftop namin narerelax ako sobra. nung time na yun ang daming stars. naisip ko na doon muna ako at humiga habang pinagmamasdan ang mga kumukutitap na mga kaibagan sa kalangitan. sa gitna ng aking pagmumuni-muni. bigla na lang isang iglap ay nakakita ako ng isang "falling star"! totoo nga na may falling star! kitang kita ng aking dalawang mata. sa pagkamangha hindi ko na nga nagawang humiling habang bumagsak ang munting bituin. after ko na lang siya makita chaka na lang ako nakahiling eh ang siste pa hindi ko alam ano ang uunahin kong hilingin. kung ang pansariling kahilingan oh ang kahiligan ng ibang mga taong mahal ko. nauwi ako sa paghiling ng isang damukal na dapat ay isa lang ang hilingin. hehe. hindi bale minsan lang naman ako hihiling ng ganoon kadami alam kong nahihintindihan na ng aking munting kaibigan na bituin iyon.


maraming salamat munting kaibigang bituin sa pagpapahintulot na masulyapan kita kahit sa kaunting oras lang. malaking bagay na iyon.


2 comments:

  1. ang star.. ay si mega star.. at si kyle ay isang falling star. my wish kb?

    ReplyDelete
  2. @D4thHaven i miss u kyle musta ka na ba? ")

    ReplyDelete