Saturday, August 28, 2010

recent parakeets clutch!


ito po ay egg ng african lovebirds. dalawa lang yan eh egg yan ng lutino ko na back to back. ang egg ng african is more bigger than the parakeets eggs. mejo may kaselanan ang mga african kesa sa mga parakeets. high maintenance sila kumbaga.

sesame and onion parakeets po sila. over protective pa sila dahil meron pa silang isang inakay sa loob ng nestbox nila. sa clutch nila na ito 2 lang ang pinisa ni onion. yung isa nilabas ko na dahil kompleto na ang balahibo niya. pag kompleto na kasi ang balahibo normally pinupull-out ko na sa nestbox kahit hindi pa marunong kumain ako na lang ang naghahandfeed ng cerelac vegie flavor. hanggang matuto silang kumain ng mag-isa nila ng birdseed hindi ko sila tinitigilan pakainin ng cerelac.

siya ang pinull-out ko na una sa clutch na ito nila onion and sesame dahil pwede na kompleto na siya ng balahibo. pag hindi ko pa siya aalisin may tendency na mapabayaan yung isa nilang anak! ang name niya ay "eeore" mejo dominant ang color white niya pangarap ko na magkaroon ng bird na pure white eh! hehehe.. pero natupad ko na yun. meron akong isang pure white na parakeet pero sobrang liit pa niya red ang eyes niya!

siya yung sinasabi ko na baka mapabayaan nila onion. ang layo ng color niya sa kapatid niya diba? kamukha niya si sesame!

shown here naman is mga inakay nila laurel and mapple ung nasa rightside sa front yan yung sinasabi kong red eyed na pure white sana mabuhay siya hehehe.! ipapangalan ko sa kanya is heaven..! cute!

here is "ash" and "ark" baby naman sila ni meeble and kimchi! both adorable diba? hehehe.. i have some solo shoot of ash! take a look! unique ang color ni ash kaya i like him! sa parakeets ang violet colors ang mejo mahal kaya kung gusto niyo magbreed go for violet one.


ark's solo shoot!



mejo panget pa ang beak ni ash! kasi baby pa eh! sa beak mo mahahalata ang parakeet kung bata pa! may blackish part pa! so pag bibili po kayo ng birds make sure na clear na ang beak. :)


Sunday, August 22, 2010

BO-00000005

Nalilimutan natin ang mga bagay na gusto nating maalala pero naaalala natin ang mga bagay na gusto na nating kalimutan

BO-00000004

Kapag napapatawa ka ng isang tao ng maraming beses, hindi siya magaling magpatawa, mahal mo lang talaga sya kaya masaya ka.

Photo Shoot Version #02

just for a wish


may nakapagsabi sa akin na kung gusto ko daw mag wish sa star pwede at matutupad! kaya lang sa isang kundisyon dapat daw isa isang star lang ang nasa langit! pero parang napaka-imposible diba dahil alam naman nating pagkarami rami ng mga stars sa langit!

sa bahay namin paborito kong lugar ay ang roof top dahil mahangin, presko kung baga sa buong bahay dito ako madalas. malungkot, masaya, o ano man ang nararamdaman ko. madalas akong nakatingin sa kalangitan na nagbabakasakali na may makita nga ako ng natatanging bituin sa langit. mga ilang beses na rin akong nakakakita ng nag-iisang star sa langit pero sa tuwing nakakakita ako nito naniniguro ako na wala nga siyang kasama. sa paghahanap may nakikita nga akong mga kasama ang bituin maliliit sila pero kahit na maliit nakikita ko.. kasi nga sigurista ako. baka mamaya eh humiling ako may kasama naman pala. mukha naman akong timang noon diba?

hindi ako nawalan ng pag-asa basta sa tuwing asa roof top ako tumitingin ako sa langit! nagbabakasakali nga diba? malay mo. isang gabi malungkot ako nun.. umakyat ako sa roof top kasama ko si kurby pinatae ko siya nangungulit kasi sa totoo lang ayaw ko talagang umakyat nung time na iyon dahil nakakatamad! dahil sa pamimilit at pag-iyak ng aso ko napilitan ako. habang hinihintay kong matapos tumae si kurby. may nakita akong isang star. ang laki niya! so naghanap ako ng ibang star.. pero wala akong makita na iba pa! bigla ako sumaya. nabuhayan ako ng loob. nawala bigla ang pagkabadtrip ko sa araw na iyon. habang naghahanap nag imagine na lang ako na meron pang star na maliliit eh! pero wala talaga so nagdecide na akong mag wish na. moment ko na ito..! yehey!

pinikit ko ang mata ko. at humiling na "sana magkaroon na ako ng maganda at maayos na trabaho"

natapos akong humiling sa star! wala akong nakitang ibang star sa paligid! marami pong salamat Lord. pagbibigay sa akin ng munting pag-asa! try niyo minsan....

Tuesday, August 17, 2010

chimi-a-a me?

pwede bang hatiin ang katawan? ang dami ko kasi dapat gawin ngayong araw eh. hindi ako naglaba kahapon kasi linggo nga diba? so natulog na lang ako maghapon. :( kaya ngayon natambak ang gagawin ko sa bahay, sa mga hindi pa nakaka-alam masasabi kong ako ay isang spoiled bratt na chimiaa.. may sariling kwarto. hawak ang oras ng tulog at pagkain pag wala ang aking mga amo. may sariling laptop pera may dalawang cellphone na madalang makatikim ng load dahil tamad lumabas. pwede kumain ng kahit anong gustuhin. naku at marami pang ibang privilages. short ako po ay isang "palamunin na tao" dami ko gagawin gusto niyo malaman?

ito: maglilinis ng bahay! paliliguan si kurby aso ko yun sosyal katulong na may aso haha. maglalaba ng bed cover 2 yung sa isa kong amo at yung sa akin. magpaplantsa ng nilabhan ko. konti mang basahin marami yan pag ako ang gumawa. isama mo pa yung paglilinis ko ng ibunan at pagpapatae ko sa aking doggie.

gudluck petitay!

My Dog "Kurby"

Kurby's photo compilations!




Monday, August 16, 2010

Food Trips






kawawang baconettes, martys tortillos at ice cream isama mo na rin si balot!

May konti get together kami ng cousin ko at brother ko. umuwi kasi si nhad para kumuha ng board certificate niya as a certifide nurse. si mhai naman tinawagan ko pinapunta ko siya after niya sa work sa robinsons cainta. Aun nag food trip kami. bumili ng malaking martys, tortillos and baconettes ang cousin namin. then pumunta kami sa mini stop para bumili ng ice cream. at balot nyahaha.. buti hindi sumakit ang tyan nilang dalawa hehehe. uminom din kami ng the bar well alam mo na mahina akong uminom isang shot lang ako tapos kumain ako ng ice cream at tinira ko ang mga junk food. then after nila namin uminom este sila lang pala. umakyat kami sa roof deck. nagpahangin tapos natulog na sila ako nag net pa at nag twitter. nakatulog nga daw mahimbing cousin namin dahil nakainom eh. hehehe.. salamat sa inyong dalawa sa uulitin ha?

Sunday, August 15, 2010

Memorable Dream

For the record lang ito kung sakaling makalimutan ko balang araw atleast naisulat ko sa akin munting blog na maaring makita sa mga susunod na mga araw. Nanaginip ako isang lalaki teenager kapitbahay namin. "EJ" ang pangalan niya. May itsura si EJ siguro kung teenager ako magkakacrush ako sa kanya. Pero sa tanda ko ng ito malabo na siguro haha. Lets go back sa panaginip. Sa bakanteng lote sa tabi ng bahay namin. Nagtatago daw ako sa sulok, gabi noon madalim wala akong makita. Bigla lang siyang bumulaga. at ang sabi "Ano tanan na tayo?" Nagulat ako assual sa panaginip. Nakipagpalitan ng mga salita sa kanya pero hindi ko na maalala kung ano ano ang pinagsasabi ko sa kanya. Pero isa lang malamang sa alamang ang punto nagpakipot ako. Sa tunay na buhay may isang nagtetext sa akin ilang buwan na rin iyon. jek ang name niya. ayaw niya magkipagmeet sabi niya matagal na daw niya ako gusto pero hindi naman niya magawang magpakita man lang isang beses sinabi ko na dumaan sa harap ng bahay namin. Ginawa naman niya! nung nagtext siya na dadaan na siya si EJ ang nakita ko. Kinulit ko nanaman malamang pinaamin ko! pero ang reply niya bahala daw ako kung ayaw ko maniwala. kaya mula nun di ko na gaanong nirereplyan yung lalaking yun! Napaka impossible naman kasi na yung itsura ni EJ eh magkagusto sa akin. Balik ulit tayo sa panaginip. after namin mag-usap sa dream ni EJ ini-sprayan niya ako ng perfume sa likod. di ko alam kung bakit. Ang naisip ko lang nung time na yun siguro para maalala ko yung amoy niya. yun lang po muna. What ever the meaning ayaw ko ng alamin panaginip lang yun hindi pwedeng maging totoo. Gusto kong mabuhay sa mundo ng gising hindi sa mundong tulog. Na ang gusto ko ang masunod at mag-isip ng gusto ko lang..