Monday, June 30, 2014

Apung Iru Fluvial Festival "Libad"

Isang festival na pinakaaabangan ko every year. The "Apung Iru Fluvial Festival" held at Apalit, Pampanga. Whos Apung Iru? Siya po si Saint Peter the Apostles. His the patron saint of our town. Tuwing June 28, 29 to 30, we celebrate our fiesta. Its a three day event where in on the 28th the patron saint was being procession at the pampanga river. 


Tuwing June 28 naghahanda ang mga kababario namen dahil sa araw na ito ang daan ni Apung Iru. Bisperas ng fiesta ang araw na ito. Kapag nagpaplano kayong makipamyesta sa amin. Magdala ng damit. Dahil tiyak may mga taong mambabasa sa inyo sa daan. Wag kalimutang ibalot ng plastic ang inyong mga cellphone. hehe. 



When i was a kid like them naranasan ko ang magswiming din sa pampanga river. May paniniwala ang mga matatanda na magiging malulusog ang sino mang maglublob sa ilog habang dumadaan si apung iru. Ngayong hindi na ako bata, nakokontento na akong tumayo na lang sa tabing ilog at abangan ang pagdaan ni Apung Iru at magdasal sa kanya kapag natanaw na siya ng aking mga mata. 

Sinusundo ng mga deboto si apung iru sa bahay niya. yes he has a house in capalangan. Kukunin siya doon at ilalagay sa simbahan ng apalit pampanga. From there dadalhin siya sa kanyang lantsa at iikot siya sa mga barangay ng apalit. Nagsisimula ang prosisyon sa ilog ng 12 ng tanghali. Pero sa barangay namin sa cansinala dumadating ang image ng past 3pm na. Dahil napakahaba ng mga pila ng mga bangka na sumasama sa prosisyon. At hindi rin naman ganun ka bilis ang pagpapatakbo ng lantsa ni Apung Iru. "Libad" ang tawag sa pagpoprosisyon kay apung iru sa ilog. Pagkatapos ng prosisyon ay ibinabalik siya sa simbahan ng Apalit. 

June 29 is the fiesta day! ito naman yung time na pumupunta ang mga deboto sa simbahan para makarinig ng misa. Buong pamilya o magkakaibigan kahit sino pwedeng pumunta ng plaza. Mula umagang misa puno ang simbahan sa plaza. Halos di mahulugan ng karayom. Kung may kasama po kayong mga bata. Ingatan sila. Sa paligid ng simbahan ay napakadaming mga nagtitinda. Lahat na ata ng kailangan mo ay meron kang makikita. Mga gamit sa bahay, damit, pagkain at marami pang iba!

June 30 araw na kung saan inihahatid na si Apung Iru sa kanyang tahanan. Ipinuprosisyon siyang muli sa ilog. Ibinabalik siya sa Capalangan Shrine. Pamanatad ang tawag sa paghatid sa kanya. Marami din ang sumasama na maghatid. Makikita mo sa mga tao ang galak sa kanilang mga mata sa tuwing nakikita nila si Apung Iru habang isinasakay siya sa lantsa ay sumisigaw sila ng "Viva Apung Iru"


Monday, June 23, 2014

We still love for no reason at all




Nitong mga nagdaang mga araw halos hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko sa boyfriend ko. Nanamlay ang feelings ko pati na rin ang feelings niya para sa akin. Dumadating lang talaga siguro sa oras na ganun yung isang relasyon na hindi mo makakayang pigilan. Naninibago kami sa takbo ng buhay namin ngayon. Kung dati araw araw pwede kaming magkita at magkasama kahit pa ilang oras naming gustuhin ngayon hindi na. Siya may work at ako naman may studies. Pero kahit na ganun pinipilit pa rin naming magkita sa gabi. Well wala akong masabi sa effort niya minsan na pagpunta sa akin kahit na alam kong pagod na siya eh. Pupuntahan pa rin niya ako sa haws. Kahit saglit lang siya dito sa bahay. Masaya na siya. Ako rin naman masaya na makita ko siya kahit ganun lang kaikli. Pero nakakapanibago lang siguro talaga dahil yung lambing eh mejo nananamlay din dahil sa pagod. Ako kasi hindi ko pinapahalata na pagod ako. Ako nga yata kasi si wonderwoman, hahaha..

Kagabi dahil off niya dinalaw niya ako. Nagkasama kami ng mejo matagal sa inaasahan naming dalawa. Pero kinailangan pa niyang maghintay sa akin dahil may pasok ako sa school at 830pm pa ang uwi ko. The normal routine happen last night. Pero ang hindi ko ineexpect ang moment namin together kagabi, hindi ko maipaliwanag ang saya na naramdaman ko. Bumalik lahat ng alaala ko na naging malamya ng ilang mga araw. 

Akala ko kasi nawala na yung lalaking nagpatibok ng puso ko. Siya pa rin pala yon. 
Akala ko wala na yung lalaking walang ginawa kundi laitin ang kapangitan ng mukha ko. Bwisit anjan pa rin pala siya. 
Akala ko na yung lalaking makwento, pero nagbaligtad ako mas maraming kwento dahil kaya namiss ko lang siya ng sobra? Haha.. 
Akala ko, magiging malungkot na ako at tatangapin ko na lang angpanlalamig niya sa akin. Mainit pa rin pala siya. 

Masaya ako sa kinahantungan ng relasyon naming dalawa. Mag iisang taon na kami sa june 28 at alam kong masaya din siya, alam naming sa araw na yon hindi namin mmakikita ang isat isa dahil busy kami pareho. Sa ngayon ang gusto lang namin eh ang i enjoy ang bawat isa habang kami ay magkasama. Hindi ko naman siya iiwan kahit anong mangyari. Mahal namin ang ang bawat isa. Sapat na iyon para tumagal ang relasyon namin. At hindi namin nakakalimutang tumawa.. 

Sunday, June 22, 2014

Sipag sipagan

I really cant believe it! Hahaha.. Ako ba ito? Gumagawa ng assignment sa school? Dati nung college days ko di mo ako makikitang kokompletuhin ang ano mang requirement sa isang subject! Parang mas feel ko ang pag aaral ngayon. Bakit kaya dahil kaya sa ako na ang nagbabayad ng tuition fee? O baka mapahiya ako kapag ibinagsak ko pa ang mga units na tinetake up ko ngayon? 
Sa mga estudyante ngayon. Maswerte kayo. Dahil grabe na ang technology. Hindi na mahirap magresearch anjan na si pareng google at si mareng yahoo. Hindi niyo man makita lahat jan may library pa naman. Try niyo pumasok don kahit man lang paminsan minsan. Wag niyong hayaang ma face out si library.. Mas masarap magbasa ng libro kesa magbasa sa monitor ng computer o ng tablet ninyo. 

Goodluck sa mga kabatch ko ngayong 2014-2015 hehehe.. Akala mo naman regular student.. :D 
Actually hindi ko talaga alam kung tama itong ginagawa kong ito.. 

Sunday Reflection

Hindi porke nahihirapan ka na kailangan mo ng iwanan o pakawalan ang isang bagay. Mas masarap pa rin intindihin ang mga bagay bagay bago ka sumuko. Nahihirapan man ako sa sitwasyon hindi ko ito ginagamit para sumuko. Pero alam kong dadating din tayo sa point na akala mo wala ng kapagapagasa.. Pag andun ka na.. Tawag ka lang sa taas.. Makikita mo ang sagot sa mga tanong mo.. Mahirap nga lang tanggapin ang mga gusto niyang mangyari sa buhay mo. Pero sa bandang huli marirealize mo na tama siya.. 

Hindi ako perpektong tao. Wala akong kilalang perpekto ang Diyos lang! Hindi naman issue ang perfection sa Diyos eh. Ang mabuhay at isabuhay ang tama sapat na para sa kanya. Ang mahalin ang kapwa mo gaya ng iyong sarili. 

Marami ng bagay ang nangyari sa buhay ko at masasabi kong napatatag ako nito. Pero dumadating lang talaga ako sa point wasted na kung baga! Na ayaw ko na. Dahil sawa na rin ako na paulit ulit lang ang nangyayari sa akin. Pero sa bandang huli lumalaban pa rin ako! 

Ngayon nabubuhay ako na as if ito na ang buling araw ko sa mundo. Alam ko dahil dito ang dami ng nagbago sa akin. Nitong mga nakaraang buwan madami na akong napansin na pagkakaiba sa buhay ko. Naging mature na nga yata ako. Tsk.. Ewan ko pero ako lang kaya ang nakakapansin nun? Well hindi ko naman hinihiling na mapansin ng iba. Eh naging ganito na ako. May magagawa pa ba sila? 

Saturday, June 7, 2014

Province Lover

Magulo talamak ang akyat bahay snatcher holdapan Maingay sa iilang mga lugar Mabilis na oras Matao dahil pumupunta ang ibang mga promdi na nagbabaka sakaling gumanda ang kanilang buhay Mausok dahil sa mga tambutcho ng mga sasakyan sa kalsada mga naninigarilyo Makalat tapon dito tapon doon.

Ilan lamang yang diskripsyon ko sa maynila. Dahil na rin siguro meron akong inuuwiang probinsiya na...

Maayos nabubuhay ng simple ang mga tao Tahimik Mabagal ang oras Matao rin pero halos kilala mo ang lahat dahil kamag-anak mo Mausok rin pero galing sa siga ng mga dahon na nalalaglag mula sa mga puno. Makalat din pero di sobrang dami ng basurang nakokolekta sa maynila. 



Masarap ang pakiramdam sa tuwing nasa pampanga ako. Siguro dahil madali ako makapagmuni muni mag bulaybulay sa buhay ko na halos hindi ko na magawa kapag nasa siudad ako. 




Monday, June 2, 2014

New Career Path for Petitay

Ang dami ko ng utang na mga post sa blog ko. Well, aminado naman po ang author. Napakadami lang kasing nangyari sa buhay ko habang naging hiatus ang blog na ito.. Mga masasaya, malungkot, nakapanlulumong pangyayari at marami pang twist! Hanggang ngayon hindi ko pa rin kayang ilahad lahat, dahil na rin siguro sa sakit ng mga iyon.

A year ago, nagplano akong mag aral ulit. Hindi ko nga lang alam kung ano ang kukunin kong bagong course or vocational ba? Naisipan kong kumuha ng welding technology sa tesda or beauty management. Pero wala sa mga ito ang tatahakin ko ngayon, alam ko na ang gusto ko. Ang magturo! Opo gusto kong maging isang teacher. Hindi lingid sa inyong kaalaman ang aking kalagayan. Hindi ako normal na nakakapagsalita dahil ako ay isang bingot inshort po ako ay ngo ngo. Na sa isang normal na tao ay hindi niya maiisip kung paano ako makakapagturo ng leksyon. 

Ayaw kong isara ang pintong ito ng aking buhay. Naniniwala akong walang impossible sa taong pursigido na matuto at makatulong sa iba. At maging inspirasyon sa mga iilan na makakakilala sa akin. Nagulat ang tita ko nung sinabi ko ito sa kanya, kaya ko daw ba? Paano daw ako magtuturo? Maging aking boyfriend tinanong niya ito sa akin. Pero hindi ko sila masyado sineryoso dahil alam ko ang aking pinapasok ngayon. 

Oo kaya ko ito, at kahit na gaano katagal at kahirap itong maabot alam ko na kaya ko! Konting chaga at paninindigan para ito ay maisakatuparan. Nakumbinsi ko ang lahat ng mga tao sa paligid ko. Pamilya ko, boyfriend ko, mga kaibigan at mga kakilala. Dahil sa gusto ko ito, sinuportahan nila ako. Ngayon enrolled na ako sa Marikina Polytechnic College sa kursong Continuing Professional Education. 18 units lamang ang aking kailangang makuha para dito. Magsisimula akong mag aral ngayong semestre 2014-2015 isang taon kong kukunin ang kurso dahil hindi daw pwedeng mag full load. Which is okay lang sa akin, hindi naman ako nagmamadali. Alam kong sapat ang oras na yon para ako matuto ng husto. Pagkatapos kong makuha ang kursong ito. Plano kong mag aral ng sign language at brail system. Kailangan mo ito. Dahil ang gusto kong turuan ay ang mas higit may kailangan ng tulong ko. 

Sa ngayon po, kailangan ko ng mga taong maniniwalang kaya kong maabot kung ano man ang mithi ng puso ko. Mga dasal na kailangang kailangan ko din po. Salamat po in advance. 


KAYA KO ITO! PAPASA AKO! :)

Look, Spot, Click and Masterpiece!

Some my shots in my brother nikon dlsr! Enjoy.. Simple but they are precious for me..