Wednesday, June 30, 2010

Tag of Jag!

Instructions

1.) Copy tag to your own notes and start modifying it.
2.) Omit existing answers.
3.) Write your answers and tag as many as you want.

Rules

Use the first letter of your name to answer each of the following questions. They have to be real. Nothing made up. If the person before you had the same initial, you MUST have different answers, strictly NO carbon copy in that case. You cannot use any words twice. You cannot use your name for the boy and girl's name questions.

Questions and Answers


1.) What is your name: Petitay
2.) A four letter word: Part
3.) A boy's name: Paul
4.) A girl's name: Petite
5.) An occupation: Pilot
6.) A color: Purple
7.) Something you wear: Pants
8.) A food: Pasta
9.) Something found in the bathroom: Powder
10.) A country: Philippines
11.) A reason for being late: people
12.) Something you shout: Putek!
13.) A movie title: Paranormal Activity
14.) Something you drink: Pepsi
15.) A musical group: Parokya ni Edgar
16.) An animal: Pony
17.) A street name: Pio Del Pilar st. dko alam san banda yan pero meron niyan. hanapin niyo na lang hehehe.
18.) A type of car: Picanto like it liit e..
19.) An internet site/blogsite: plurk.com
20.) A song: Please be careful with my heart
21.) A President's name: P noy!
22.) A cartoon character: Peter Pan
23.) Name of School: Philippine Women University
24.) A sport: Ping Pong
25.) A Latin word: primus-prior

natapos rin ang pagsagot haha.. 1am na gising pa ako pagkapost ko nito tulog nako. masakit pa rin ang ulo ko! akala ko mababawasan ang sakit sa pagsagot ng tag di pala. lalo pa ata sumakit hehe. joke lang Jag! tska na ako mag iisipin kung sino ang susunod na pasasakitin ko ang ulo sa pagsagot ha? hehehe... :)

Saturday, June 26, 2010

update

It’s been a long time na nagblog ako about what’s happening into my life! Well, minsan kasi alam ko rin namang walang magiging laman ang entry na gagawin ko. Tulad na lang nito. Latest thing happen is nagpa-cut ako ng aking long hair ko. Before it’s cut malapit na umabot sa bewang ko. Now, its on my shoulder length na lang. Nakakalungkot din pala pag wala na yung buhok na matagal mong nakasama for years. Na mimiss ko yung paghawi ko ng buhok ko! Yung di mo alam paano mo iipit dahil sobrang init! Parang ang bigat ng pakiramdam. Dati kasi feeling ko lahat na lang ng nutrients na nakukuha ko sa pagkain eh napupunta lang sa hair ko. Sobrang payat na kasi ako. Compare before na mejo chubby ako. Ngayon maikli na nga ang hair ko. Gumaan ang pakiramdam ko nagmukha nga daw akong blooming sabi ng ilang mga nakakita sa buhok ko. Tataba na kaya ako? Sana, pero wag naman sanang sobra kasi. Mahirap baka asarin nanaman akong booba. Mejo malaki kasi ang future ng lola mo. Eh ngayon kasi hindi na gaano halata lumiit siya infairness. Masaya ako for that. Kung meron man akong gustong mejo tumambok yun ay ang aking face. Para masarap kurutin hehe. Other than that wala na. okay na kung ano yung meron ako ngayon. Matagal ko rin kasi hinintay na maging payat tulad nito. Madali namang magpataba eh.

Tommorrow uuwi ako ng pampanga. Dahil fiesta, share ko sa inyo yung fluvial parade pagbalik ko galling pampanga. 2 days lang naman ako doon. Makikita ko nanaman ang mga pamangkin’s ko! Matagal tagal din ang hindi naming pagkikita dahil nagstay sila sa batasan for 2months. Malapit man sa pasig eh hindi ko nagawang puntahan man lang sila. Most of the time kasi ngayon I am home alone dito sa pasig dahil nga may house na sila mama sa pampanga doon na sila palagi stay. Umuuwi na lang sila weekly para kumustahin ako. Yung tito ko kasi na Japanese mas gusto doon kesa dito. Malaki laki kasi ang malalakaran niyang garden doon. Tapos pwede pa siyang maglakad lakad din doon sa mini rice field sa likod ng house. Eh dito sa manila sa baba at sa taas lang ang pede niya malakaran most of the time nasa terrace lang siya naglalaro ng sinda-sinda niya. Mahilig siyang mag solitaire (sinda-sinda means Talo). Oh ha.. ayan may nalaman kayong hapon. Miss ko na rin yung Dog namin si Gotchi yung maharot naming alaga. Na bawal kong hawakan dahil kinagat ako dati nung tuta pa siya. Buti na lang wala siyang rabis! Pero kulang pa pala ang vaccine ko may last vaccine pa ako sa June 30, 2010. di ko alam kung bibigyan pa ako ng vial nung friend ng tita ko. Last na vial na yun. Sana bigyan pa niya ako para 2 years yung bisa yung anti rabis. Para incase na kagatin ako ulit ni gotchi haha. Parang plano ko pang magpakagat ulit noh? Haha. Joke lang po yun. Miss ko rin yung mangang maasim hahaha! May mini mango farm kasi kami sa likod ng house anytime pwede akong pumitas ng bunga doon. Unlimited pitasan basta kakainin ko lang. yung dila ko lang ang susuko sa pagkain sarap! Ang dami kong miss sa pampanga noh? Eh masarap ang buhay doon eh. Atchaka ang doon lahat ng mga mahal ko buhay.

Oh ayan updated na kayo. See you next time.

Friday, June 25, 2010

The Jelly Beans Story

Hindi ako mahilig sa jelly beans. Pero nung dumating yung jelly beans galing sa sister ng roommate ko, naintriga ako. Isang malaking garapon ng jelly beans na siguro ay mga 1000 ang laman at may 49 flavors. Hinanap ko agad yung chocolate pudding na flavor na nakalagay sa listahan. Lahat ng kulay brown, kinuha ko. Pero hindi chocolate ang lasa ng mga jelly beans na kinain ko. May coffee, may plum, may licorice, may rootbeer... ngunit walang chocolate. Sa kakahanap ng chocolate flavor, hindi ko napapansin ang ibang 48 flavors na nasa garapon. At na-realize ko, ikaw ang the elusive chocolate pudding flavor na jelly bean sa buhay ko. Na-obsessed ako sa lahat ng kulay brown na jelly beans. Iyong roommate ko, na-explore na yung ibang flavor. May bubble gum flavor, may piña colada, may peanut butter, may sizzling cinnamon, may caramel popcorn. Lahat yun, nasarapan sya. Ako, hindi ko pinapansin ang ibang jelly beans. Naka-tuon ang pansin ko sa brown jelly beans. Parang ikaw. Sa kakahabol sa iyo, hindi ko na napansin ang ibang lalake sa paligid ko. Masyado akong naka-focus sa yo, kaya napapalampas ko na ang mga matitinong lalake na nagbibigay interes sa akin. Parang yung ibang flavors ng jelly beans na hindi ko natikman dahil ang gusto ko talaga eh yung chocolate pudding. Iyong roommate ko, natikman na nya ang chocolate pudding na jelly bean. Ang swerte naman niya, natikman nya agad ang flavor na gusto ko. Hindi niya hinahangad, yun pa ang napunta sa kanya. Sabi niya, hindi naman daw masarap ung chocolate pudding na jelly bean. Ordinaryo lang ang lasa. Hindi tulad nung mga favorite nyang flavor. Pinatikim nya sa akin yung toasted marshmallow saka ung strawberry cheesecake, masarap naman. Pero, yung chocolate pudding talaga gusto ko eh. Ganon yata talaga yun. Mas gusto natin yung hindi natin nakukuha. Nung finally natikman ko ang chocolate pudding na jelly bean, napasigaw ako. At last, nakuha ko rin ang gusto ko. Pero, nung ninamnam ko ang lasa, hindi nga sya masarap. Hindi sya ganun ka fabulous. Parang ordinaryong chocolate lang na pinalambot. Pero ang saya nung feeling na finally, nakuha ko rin yun. Matapos akong mapurga sa licorice at root beer flavors. Hindi ko pa natitikman ang lahat ng 49 flavors na jelly beans sa garapon. Nangangalahati na ang laman pero chocolate pa rin ang hinahanap ko kapag inubuksan ko ang takip. Fixated pa rin ako sa mga kulay brown na beans, kahit na mas appealing ang pink, violet at blue. Madalas, ibang flavor na nakukuha ko pero kapag sinuswerte, nahahagilap ko rin ang chocolate pudding. Oo, hindi worth the aggravation ang paghahanap sa chocolate pudding. Hindi worth ang paghahabol ko sa yo. Ordinaryo ka lang naman. Marami pang hihigit sa yo. May mga blueberry o cotton candy o strawberry daiquiri flavors na lalake sa paligid ko pero hindi ko pinapansin. Pero bakit kapag kakain ako ng jelly beans, chocolate pudding pa rin ang hinahanap ko? Bakit kahit na marami naman lalake dyan, ikaw pa rin ang gusto ko?
----------------------------------------------------------------
i already read this story since college days ko pa. hinanap ko lang. im glad i found it again. :) feels good. hehe. i really love jelly beans. kaya kakabrowse ko ayan yung nakita ko before. mula nung nabasa ko yan. di ko na nakalimitan. :) bakit nga kaya ganun ang dami namang choices sa buhay. pero yun at un pa rin ang binabagsakan mo yun pang hindi mo pinili. happy reading guys.

Dora Explored


natawa ako sa picture na ito. nakita ko lang sa facebook hehe.. favorite kasi ng niece ko si dora!

ito oh si riane na pango! lol. miss yah pukengkeng ay.! sensored...! uuwi na si tita petite sa sunday kita tayo baby!

Thursday, June 24, 2010

Tata (tatay ko)

Siya si Benigno Dalusong Jr. siya ang tatay ko! yun lang hindi ko siya gaanong kilala eh! hindi ako lumaki sa puder nila ng mama ko. nung 5 years old kasi ako kinuha na ako ng mga tita ko. (mama & ninang) dahil hindi nila ako kayang ipa-opera. mula nun di na nila ako kinuha pa sa mga tita ko. till now. wala silang ginastos sa akin. lahat yung tita ko gumastos sa lahat ng needs ko. may natatandaan ako sa kanya nung asa kanila ako. yung sinturon niya! hahaha. nag-away minsan yung 2 kong kapatid si kuya lon and nhad. ayun pinalo niya silang dalawa. never ako napalo ng papa ko! dahil na rin siguro di naman kami magkasama. :) mabait naman ang tata ko. madaling hingan ng pera. pag umuuwi ako sa pampanga kapag may okasyon. hinahayaan naman ako ng mga tita ko na pumunta sa amin. kahit na nasa kanila ako. hingi ako pera pambili kendi magbibigay naman siya agad. hehe. yan ang tatay ko. sorry po. wala po akong gaanong alam sa tatay ko eh. yung iba kasi negative ayaw ko namang sabihin. hassle! proud ako na tatay ko siya.

Dear tata,

Happy Father's Day. tinext ko si nhad na ibati ako sayo. ewan ko lang kung ginagawa niya haha. anyway. salamat sa lahat lahat. :)

i love you tata!

'love petite



this was taken new year's eve 3 years ago, can't recall ee. nagpasama ako kina tata and inda dahil wala sila mama and ninang nasa japan ako lang ang nasa house non.

Monday, June 21, 2010

i know HTML!


BO-00000003

Nalaman kong marami palang libreng lecture sa mundo, ikaw ang gagawa ng syllabus. Maraming teacher sa labas ng eskuwelahan, desisyon mo kung kanino ka magpapaturo. Lahat tayo enrolled ngayon sa isang university, maraming subject na mahirap, pero dahil libre, ikaw ang talo kung nag-drop ka. Isa-isa tayong ga-graduate, iba't-ibang paraan. tanging diploma ay ang mga alaala ng kung ano mang tulong o pagmamahal ang iniwan natin sa mundong pinangarap nating baguhin minsan...

BO-00000002

Ang pag-ibig parang imburnal…nakakatakot mahulog…at kapag nahulog ka, it’s either by accident or talagang tanga ka..

BO-00000001

Gamitin ang puso para alagaan ang taong malapit sayo. Gamitin ang utak
para alagaan ang sarili mo.

Tuesday, June 15, 2010

Sakalan (Kasalan)


JUNE?? bukod sa pasukan meron pang isang bagay ang pumapasok sa utak ng iba. lalo na kung ang edad mo eh, nasa kalagitnaan na ng kalendaryo.

ano yun??

SAKALan.!!. ay este Kasalan pala.....

katulad na lang ng edad ko mga ganitong edad mejo nag-iisip na lumagay sa magulong buhay ng pag-aasawa. sa ibang normal na tao siguro. pero ako hindi ko makita ang sarili kong nakasuot ng gown na puti. maglalakad mula sa likod ng simbahan papunta sa harap habang naka-abang si Johnllyod. haha! kita niyo wala sa utak ko ang kasal. para kasi sa akin isa lang malaking pantasya ang pagpapakasal.

... i hate attending weddings. in fact, even my brother's wedding i didn't attend! (kasi ayaw ko yung asawa niya,pero nagustuhan ko na rin nung tumagal wala naman ako magagawa pa!) umattend man ako alam na alam mo. napilit, napilitan, sapilitan!

currently may bf ako pero kahit may bf pa ako o wala. ayaw ko na ng magpakasal pa kahit na kanino. pero malamang kainin ko rin ang mga sinasabi ko sa inyo ngayon! kahit gusto kong live-in lang di pede sa mga tita's ko ang live-in! ipapakasal at ipasakal nila ako sa lalaking sasamahan ko habang buhay! nag iisip nga ako magtanan. pero sa edad ko parang ang sagwa. 26 nako! ang alam ko kasi ang tanan ee pang 17 pababa lang.. :) sa tingin niyo?

pag kasal ang pinag-uusapan sumasakit ulo ko! tulad ngayon!.......

buti nga kung sakit lang ng ulo inaabot ko! tuwing may mga mini reunion sa amin. ako palagi ang napapansin! bakit ba kailangan pa nila ako tanungin kailan ako mag-aasawa? gusto ko nga sabihin na lang minsan na magmamadre na ako! pero alam ko namang walang maniniwala sakin. haha!! bad girl ako ee.! pero sa totoo lang versatile namang ang ugali ko! pede akong bad girl at good girl sa panaginip. joke! kung bakit kasi ako na lang ang walang asawa sa aming magpipinsan!

minsan may mga kamag-anak lang talaga kaming di mo mapigil ang bibig sa pagbato ng tanong sa akin. kahit na alam na nila kung bakit! alam na nga nila na may diperensya ako ee. tatanungin pa ako ng ganun. :(

isang araw sana mabago pa ang pananaw ko sa salitang KASAL.. alam kong kailangan kong magpasakal (haha.. kasal!) sa isang princecharming! nakakatakot din kasi tumanda na mag-isa. kahit na sabihin mong madami kang mga kaibigan, pamangkin, tiyuhin, tiyahin.... iba pa rin ang may masasabi kang ASAWA...

ASAWA ko wer n u? dito n me!

Thursday, June 10, 2010

Philippine Independence Day


bukas ay araw na ng kalayaan? aysus. malaya na nga kaya tayo? mukhang hindi pa rin. oo, malaya na nga siguro tayo sa mga mananakop ng ating bayan! hanggang pagunita na lamang yata tayo sa araw na ito. nakatali pa rin ang kamay ng bayan natin sa iilang mga opisyal nito. mismong namumuno kung minsan ay sinasakal ang kalayaan ng bayan.

isa ang PILIPINAS sa pinakakurap na bansa.
nakakalungkot isipin, minsan gusto ko na isuka ang bayang ito. pero mayroon pa rin namang maganda sa bayan na ito. alam kong andiyan pa rin si PAGASA para patibayin ang loob ng mga taong nais ng lisanin ang bayan.

lilisanin na ng ni Pangulong Arroyo ang malakanyang! masaya ka ba? ako medyo. may bagong uupo sa trono niya. pero ang malaking tanong eh magampanan nga kaya ng papalit ang dapat na ginawa ni P.Arroyo? paano maayos ang bayang ito? sa loob lamang ng 6 na taon? pagkarami kong tanong ano? bahala ka na lang sumagot. haha. teka nawawala na ako.

PILIPINAS kong mahal. BAYAN kong tunubuan. ano man ang mangyari alam kong kahit na anong trahedya ang dumating sa iyo eh kayang mong malampasan yan ang PINOY! prowd ako na PINOY ako! marami pa rin naman tayo maaring maipagmalaki sa iba. isang aspeto lang naman yang kurapsyon na iyan eh.

SULONG PILIPINAS .......... Umasenyo ka!!

Being a bird keeper

Bata pa lang ako gusto ko ng mag-alaga ng bird kaya lang don’t have the guts pa. isa pa kahit ipilit namin ng cousin ko sa tita ko na ibili kami hindi kami binibili. Hehe. Kasi iniisip niya sino mag-aalaga eh bata pa kami yung time na yun. Puro pa laro ang nasa utak namin. Isa pa yung isang tita (ninang) ko kontra ng kontra na gastos lang daw ang pagbili ng ibon. So lumipas na ang araw na nalimutan na naming magkaroon pa ng alagang ibon ng cousin ko. Ibang ibon na lang inalagaan ko! Hahaha!

May nag-alok sa brother ko ng ibon parakeets na pair for only 400 kasama na yung double cage. Mura so sinabi ng brother ko sa tita ko. Ayun pumayag na siya. March 16, 2009 ko nakuha yung una kong pair sina Onion and Sesame. Maayos naman ang pag aalaga ko. Nagresearch ako sa internet paano nga ba mag-alaga ng lovebirds. Basic care lang. Sa kakasearch k okay google ayun meron akong natagpuang isang site ng mga breeders at birdkeeper’s (http://lovebirdsbreeders.multiply.com) nakakatuwa! Nagpa-member ako sa site na yun at sinubukan kong magtanong sa mga admin doon about sa akin mga alaga. Natuwa ako sa feedback. Very accommodating ang mga admin. Meron silang sagot sa halos lahat ng mga tanong ko sa kanila. Sa lumipas na mga araw madami akong nakilalang ibang mga taong mahihilig rin sa mga ibon. Tinulungan nila ako sa maraming bagay. Naging kaibigan ko na rin ang iba sa kanila. Dahil isang pair lang ang alaga ko inisip ko pang dagdagan sila. Kumuha ako sa isang member na taga quezon city si bobits 100 pesos lang isa. Dalawa binili ko magkapatid at bata pa yung 2 ibon na kinuha ko sa kanya. Pinangalanan ko silang meeble at maple.

Hanggang dumating yung time na napadalas na ako sa ULBP. Umattend na ako ng iilang mga meeting at gatherings ng grupo. Unang beses na umattend ako eh nung December 2009 Christmas party. Nakilala ko ang mga kaibigan na nakakausap ko sa forum. Sobrang saya ko. Dahil nadagdagan nanaman ang circle of friends ko. Mula noon naging regular na ang pagpasok ko sa website ng ULBP. Natuto na rin ako ng mga tricks sa pag-iibon. Nakapaglabas na ng itlog ang mga alaga ko na breeder na parakeets. Unang pangingitlog nila di ko makakalimutan kasi Ondoy nun. Haha! Sino ba naman ang makakalimot sa ondoy wrath? Pinangalanan ko pa ngang Ondoy yung isa sa anak niya tapos si pepay (sabi ng kapatid ko ipangalan ko daw sakin sinunod ko naman) at si brownie (lagi kasi brown out ng brown out eeh..) pero lahat sila namatay. Di ko rin alam bakit wag mo ko tanungin. Sobrang lungkot ko nun kasi syempre unang itlugan yun. Nakakadisappoint sobra! Pero di ako nawalan ng pag-asa tinuloy ko pa rin ang pag-aalaga. Hanggang bumili na rin ako ng isang pares ng African lovebirds PF Lutino kinuha k okay Sir Jet at Sir Jay (Bobits). Tapos binigyan ako ng isa pang mabait na kaibigan ng 4 na ibon 3 Lutino at isang Personata. May dahilan kung bakit niya yun binigay sa akin. Pero sa akin na lang yun baka kasi mabasa pa niya ito ee. Salamat Sir Jessie. Pinangalanan kong Macopa, Apples, Ponkan at Fanzy yung binigay niya. As of now mayroon na akong 2 breeder na pair. 1 pair parakeets sina Onion and Sesame, 1 breeder na African PF Lutino sina Lemon and Lime, 3 youngs na parakeets sina Cherry, Kismet and Cannoni. 2 Lutino sina Apples and Ponkan. At si Fanzy na isang Personata. Im still looking forward na makapagparami pa ako ng mga ibon ko. Masaya kasi ako pag naririnig ko sila. Balang araw magiging expert din ako sa ibon.
For those people na naghahanap ng mga taong makakatulong sa inyo sa pag-aalaga ng inyong mga minamahal na mga alagang ibon. O kaya naman naghahanap kayo ng mga murang ibon dito marami! Sali na kayo sa United Lovebirds Breeders of the Philippines. I-click lang ang link na ito --->>> U.L.B.P

To my ULBP family maraming maraming salamat sa pagiging accommodating sa mga member na katulad ko. Kahit na makulit kung minsan ayus lang sa inyo. Sir Edm777 salamat po ang bait niyo po sakin Sir Boy “discount Sir ha. 100% sa birthday ko” joke lang. Sir Jet “Mr.President salamat sa lahat lahat smile naman jan” Sparxs “waaah! Ikaw ang pinakamakulit na nakilala ko sa ulbp haha.. naging loveteam pa kita. Weh di naman tayo bagay. Salamat sa help sa mga keets.. ikaw lang din madalas kong tanungin kasi ikaw lang ang master sa keets” Sir Jessie “Salamat sa ibon ha.. penge pa ulit? Haha..) Mam Vanj, Mam Janette, Mam Jony “bilang na bilang ang mga girls satin. Salamat sa inyo mga mam.. Mga Angels kayo ng ULBP. Bobits “Salamat sa mga murang ibon. next time penge naman. Joke lang Sir Jay” hindi ko na po kayang isa isahin ko pa po kayong lahat. Basta po taos puso ang aking pasasalamat sa mga taong nakikilala ko sa ULBP.

ULBP more powers! Our group is getting bigger and bigger! Saya! Continue giving advices, Spreading Inspiring Insights, Friendship.

Happy Birding Everyone!

petitay's wish list

pagbigay niyo na lang ako hahaha!! as if makabili ako nito.. di naman masama mangarap paminsan minsan diba??




attainable
wish ko ito po:
  • breeding cage
  • boracay adventure
  • b2b wildtype green personata
  • pair of white parakeets
  • starbucks coffee tumbler (tall)
  • 2 new jeans from crizza
  • new hair make-over
  • boy friend? haha! pede sana bago lols.





to be continued.........

farewell my friend "Macopa"


wah! hirap kailangan ko ibigay si macopa sa neighbor namin. kasi before may 2 double cage sila hiningi ko yung cage nila kasi wala namang laman eh. so may utang na loob ako sa kanila. kaya ito ngayon naninggil na sila. si macopa ang na sacrifice ko. have no choice but to give her. para wala na sila masabi. pero masyado akong worried kasi naman may nagbigay sa kanila dati ng mga birds mga african lovebirds din. puno dati yung 2 double cage nila. hanggang nagsimatayan na lahat ng alaga nila. kaya ngayon sobrang worried din ako kay macopa. baka mabiktima din siya sa ganun. paano kung di siya matutukan nung pinagbigyan ko? naaawa ako sa kanya pero wala lang talaga akong choice. :( sorry macopa mahal kita sobra! kahit na bigay ka lang sa akin para ka na rin isa sa mga na breed ko. hays.. never ko na gagawing ibigay ang mga babies ng mga pets ko kung kanikanino na lang! sisiguraduhin ko next time sa mga relatives ko na lang ibigay. like sa kuya lon ko or kay pogs sa cousin ko atleast kahit papano makikita at makikita ko pa rin sila kahit kailan ko gustuhin.






Me









Wednesday, June 9, 2010

blog udpate #2

i was shock by just blog hopping one night i got the qouta of hits i wanted. Thanks God! :) i'm inlove with my blogger account now. at first i hesitate to be active on a blogger account. but now i totally change my mind!

the flag counter i put up is so amazing. seen other people hopping too on my blog. love it.

i now have 3 flags. yipee. and 105 hits as of 11:31am today. i think it not too bad for a beginner here in blogger.

im really hoping to see more bloggers to drop by to see my account. maybe in a few months i will be able to manage this account well. and manage to post entries that entertaining to my fellow filipino's and of other nations. wow. (just dreaming) haha!

guys a big thanks for the help i love you all.. :)

My Birds Photo Shoots



"meeble"



"kimchi"



my new project for this year 2010. Meeble (Cock) KImchi (hen)



i planned to send this as my official entry for the bird of the month in U.L.B.P but i changed my mind. :D btw, its Laurel.

more to follow.......
pa wait lang po yung ibang photos di ko pa po kaxe na eedit yung mga pictures. thanks for the waits. :)

simply update

finally i establish my blog traffic now. nangangapa pa rin ako sa blogger but its okay. soon i knew everything will be fine. i've put some counters on my blog for monitoring purposes. pretty cool! qouta ko lang for this month is 100 hits. ok na ako don. soon dadami na rin naman yan. konting tyaga at sipag lang ang kailangan ko. :) as of now i have total of 88 visitors (yipee.. onti na lan not that bad. hehe.. thanks fellow friends for the simple visits. actually pinilit ko sila. hahaha.. yung iba accidental lang.

The Duck and the Devil

There was a little boy visiting his grandparents on their farm.. He was given a slingshot to play with out in the woods. He practiced in the woods; but he could never hit the target. Getting a little discouraged, he headed back for dinner. As he was walking back he saw Grandma’s pet duck. Just out of impulse, he let the slingshot fly, hit the duck square in the head and killed it. He was shocked and grieved! In a panic, he hid the dead duck in the wood pile; only to see his sister watching! Sally had seen it all, but she said nothing After lunch the next day Grandma said, “Sally, let’s wash the dishes” But Sally said, “Grandma, Johnny told me he wanted to help in the kitchen.” Then she whispered to him, “Remember the duck?” So Johnny did the dishes. Later that day, Grandpa asked if the children wanted to go fishing and Grandma said, “I’m sorry but I need Sally to help make supper.” Sally just smiled and said, “Well that’s all right because Johnny told me he wanted to help” She whispered again, “Remember the duck?” So Sally went fishing and Johnny stayed to help. After several days of Johnny doing both his chores and Sally’s; he finally couldn’t stand it any longer. He came to Grandma and confessed that he had killed the duck. Grandma knelt down, gave him a hug and said, “Sweetheart, I know. You see, I was standing at the window and I saw the whole thing, but because I love you, I forgave you. I was just wondering how long you would let Sally make a slave of you.” Thought for the day and every day thereafter? Whatever is in your past, whatever you have done… and the devil keeps throwing it up in your face (lying, cheating, debt, fear, bad habits, hatred, anger, bitterness, etc.)…whatever it is…You need to know that God was standing at the window and He saw the whole thing. He has seen your whole life. He wants you to know that He loves you and that you are forgiven. He’s just wondering how long you will let the devil make a slave of you. The great thing about God is that when you ask for forgiveness; He not only forgives you, but He forgets. It is by God’s grace and mercy that we are saved. God is at the window! When Jesus died on the cross; he was thinking of you!

Friday, June 4, 2010

simply crazy lovestory version : 00000001

kumekembelar nanaman ang magaling kong boyfriend! bakit bumalik ang pagkasweet niya? akala ko dati unti unti na nawawala ang love ko sa kanya. di pa rin pala. basta lagi na lang kapag nagiging sweet siya sa akin, nakakalimutan ko na yung mga weaknessess niya na ipinapakita for past 4 years na kilala ko siya. i dont know why lahat ito nangyayari. ayoko na nga sana bumalik pa yung love eh. mas maganda kasi kung wala yun sa relasyon namin. mas alam kong hindi ako masasaktan bawat araw. paranoid pa naman ako. this past few days sobrang laki ng pinagbago ng pananaw niya sa buhay niya. hindi ko alam kung sino o ano man ang dahilan. ang alam ko lang masaya ako dahil nagkaganyan siya. pero kilala ko boyfriend ko. panandalihan lang yan. dapat akong maging ready sa lahat! laban kung laban. hanggang ngayon ayun masyado pa rin siya secretive sa buhay niya. sino nga ba ako sa buhay niya bakit hindi niya magawang i-open ang lahat sa kanya? girlfriend naman niya ako ha?

matigas ang ulo niya most of the time. basta personal life niya ayaw niya ikwento man lang sa akin. ang alam lang niya sabihin at pakialamanan eh yung salitang "kami at ikaw(ako daw)" parang ang bigat ng dinadala niya. sana alam ko. para man lang kahit di ko siya matulungan atleast mabibigyan ko siya ng mahiwaga kong advice diba? hindi bale lahat naman magiging maayos balang araw. matutuldukan ko rin lahat ng tanong ko tungkol sa kanya.

yosi... isang malaking issue namin lately aba eh sa hindi ko talaga kaya tigilan pa eh. bakit siya di rin naman niya kaya tumigil uminom ha? malaki daw ang pinagkaiba ng pagyoyosi at pag inom. pareho lang para sakin yun. natatakot nga ako pag umiinom yun baka kung sino na nakakainuman niyang babae. may tiwala naman ako sa kanya eh. pero sa mga babae sa paligid niya wala! kaya kayo girls naku pag madalas uminom bf niyo alamin niyo sino ang kainuman nila! baka nahihimas himas na yung mga bf natin di pa natin alam. hehe.. maige na maging wais kesa magsisi sa huli. nagsuggest ako na 3x a day ako smoke. every after meal ko sana. pero ayaw niya. pagtyatyagaan ko na sana yung 3x a day. pero ano ba choice ko? wala! :( nakakainis! humanda sakin yan may araw rin siya sakin.

abangan ang susunod na issue ng simply.crazy love story ko!

Wednesday, June 2, 2010

....

okay ang weather today. mejo may kalamigan na unlike before. yung mga birds ko nalalamigan na rin cguro ng konti by now. 3 na yung pinisa ni onion. :) i will just stay home today. walang lakad. andito sila mama and tito ngayon maglalakad ng papers nila sa embassy. :)

Tuesday, June 1, 2010

@@

ang lalaki na ng mga eyebugs ko.. @@ oh.. hayss... sana makalinis nko ng haws. pero antok nko.. paspasin ko na lang. hahaha! deads ako pag maya pa ako clean uuwi na si mama.. :(( tatapon muna pala ako ng basura.. babyuuuu...